16: Never Really Over
Decisions determine the fate
of what to bear,
of when to handle,
and of who to believe."So, sino na nga?"
"What do you mean?" I answered with another question as we walked towards the supermarket inside a mall.
Hindi hamak na mas maraming tao ngayon kumpara dati dahil nalalapit na ang araw ng Pasko. Idagdag pa ang malamig na hangin kanina sa labas, kaya mas kumapit ako sa suot kong itim na blazer nang mapadaan kami sa air conditioner na nakapuwesto sa haligi papasok sa baggage counter.
"Hirap talaga kapag mahaba ang buhok, 'no? Pati yata ulo, buhok na rin ang laman," sarkastikong komento ni Dae.
"Aray naman," napangiwi ako. "Wala naman kasi diyan ang isip ko."
"Wait, w-what?!" She looked at me in horror upon hearing what I've replied. "So, all this time na nagkukuwento ako sa jeep hanggang sa makapasok tayo ng mall, hindi ka nakikinig?!"
I halted from walking and gazed at her. "I am listening, okay. I mean, hindi pa ako ready sa ganiyang mga usapan . . . Wala pa ako diyan."
She almost died of disbelief. Sino ba naman ang hindi?
"Kalma, bhie. Kalma," I told her, almost laughing.
She pouted. "Nakakainis ka naman, e!"
In-ignore ko na lang ang drama niya at kumuha na ng pushcart. Wala siyang ibang choice kung hindi ang humila rin ng kaniya at sundan ako papunta sa laundry and hygiene section. After all, siya ang nagyaya sa 'kin na samahan siyang bumili ng groceries para sa Noche Buena nila—I mean, namin.
Sa kanila ako mag-pa-Pasko. Kailangan kong bumawi kina Tita't Tito kasi 'di ako nakasama sa kanila noon pauwi sa Bicol. Nakakahiya na.
I suddenly remembered the tight feeling when Daela told me that her parents are worried sick about me.
I felt her cart touching my butt whenever I walks slow, staring at the stands. She's giggling everytime it hits me.
"Daela . . . " I called her in a low voice. Pinag-ti-trip-an niya ba ako?
"What?" she asked like she's not playing with me. "A bad day?"
"Ha?"
"We all have bad days. And yours is basically today. Ano ba kasing problema?" she asked.
I formed a weak smile. "W-Wala."
She sighed, pushed her hair back and surrendered her palms. "Okay, I won't bother you na . . . " she argued as she told me not to be sorry. "Besides, kung ako ikaw, hindi rin ako makakapili, 'no!"
Without anything to reply, I looked at the front label of the shampoo product I am holding. "Bakit ba kasi kailangang pumili?"
"Wow? Ubos-biyaya ka, bhie?! Balato mo naman sa 'kin ang isa."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa huli kong sinabi. Ilang ulit ko pang binigkas ang mga salitang iyon sa isip ko. At napamura na lang ako nang bahagya.
Was she pertaining to them? As in the two of them?!
Agad kong nilagay ang isang haba ng shampoo sa gilid ng pushcart ko. "I mean, bakit kasi kailangang pumili . . . NGAYON. 'Y-Yon! That's what I want t-to say," I corrected myself then turned my head sideways to avoid further confrontation.
Goodness, ba't ba ang lutang, tanga at bingi ko yata lately? Naubos na ba braincells ko dahil sa pageant na 'yon?
"So 'yan pala ang nakikinig," pasaring niya. Nakita ko siyang ngumuso nang kaunti.
BINABASA MO ANG
Ghosting Madness
Roman d'amour"She left her madness for good, yet the Madness she hated wants her presence once more." -- After settling in the city to start a new life, Joshel Buela began to face the consequences of her past actions. Meeting blank faces from strangers gradually...