Chapter 15

58 8 71
                                    

15: The Ghost In The Stage
“Right where I’m standing,
I saw faceless freaks,
whose claps and cheers
are for the ghost of the year. 



“Congratulations, Miss Buela. Keep improving.”

Abot-langit ang ngiti ko nang makuha ang resulta ng midterms ko sa huling subject ngayong araw ng Biyernes. Pasado. Lampas sa passing rate. 

God, thank you so much!

“Salamat po, Ma’am,” I replied so she nodded and went back calling my other blockmates. Suddenly, I heard her voice in my head—from making fun of my ringtone the last time—now praising me for my changes. 

Nakaka-proud pala ang ganito. 

Almost all of my subjects are in average rate, some in above average (wew). May isang medyo kumapit sa 50% pero at least, kalahati. 

Ito ang naging bunga ng masusing pagre-review ko sa mga araw na mag-isa ako sa bahay. Marami rin akong baso ng kape na inubos at ilang de-latang binuksan para dito. Dahil na rin kasi sa sobrang pagka-busy, hindi na ako nakakapagluto at hindi na talaga lumabas ng bahay. 

Tiya Magda even called me a city vampire when she once knocked on my unit and brought me suman, the food her deceased husband like, only to found out that I'm lurking inside without the urge to go out. 

Pinagalitan niya ako dahil hindi raw ako nagbubukas ng bintana. Eh, pa'no ba naman kasi, palaging pumapasok ang alikabok. Hindi ako makapag-aral kapag marumi ang sahig. 

Ah, good old memories...

Habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko, hindi nakalampas sa pandinig ko ang usapan ng tatlong magkakatabing babae sa kaliwa ko. I heard them talking behind my back. When one of them was called, they stopped. And that girl went back on her seat throwing tantrums to her friends.

With a smile on my face, I went back walking while looking at the floor.

Naupo ako sa upuan ko at nakita ko ang pag-thumbs up sa'kin ni Nella mula sa malayo; kating-kati nang lumapit sa'kin si Bubbles. Magkatabi sila ni Pamela. 

I slightly laughed with my upper lips touching its lower when I remembered how we reacted upon knowing the dates of the rescheduled middle term exams. 

On Wednesday, November 4, I went back to school and found out that our midterms is scheduled for tomorrow and the day after. Dapat talaga sa middle week ng October 'to magaganap, kaso nag-decide ang admin na ilipat ito sa last week dahil marami pang dapat habulin na majors. Hanggang sa naging 1st week na ng November ang final date.

Imagine the pressure of going back to school after a LONG break then exams will greet you in the coming days. What a wrap!

Si Nella lang yata ang tanging estudyanteng nakita ko na nanginig sa kaba nang mabasa ang announcement sa board. 

However, Pamela and I were quite her opposite. She's just as calm and as persevered as I am. 

Hindi ko alam kung bakit napaka-motivated niya nang araw ng exam na 'yon. 'Di niya kinausap si Nell at tutok lang talaga sa pagsagot. I'm guessing...she's doing her best to receive something in return. 

Ghosting MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon