23: It Will Rain
"You are the sun; I am the dark clouds.
If I rain tears tonight,
please save me by your light."May kahabaan ang pila sa pasilyo. Kani-kaniyang hawak ng requirements para sa huling araw ng enrolment sa second semester ang mga estudyante. Ang iba, ginawa ng pamaypay ang mga papel na bitbit nila dahil sa maalinsangang panahon. Malapit na ring mag-lunchbreak kaya kahit gutom na, walang umaalis sa pila kahit sa nerbyos na mag-cut off bigla ang OUR at pabalikin kaming lahat mamayang hapon (kahit na may 'no noon break policy').
"How is it going? Will it fall na ba? Where exactly para naman I'll defend myself."
"Ha? Ang alin?" naguguluhang tanong ko.
Nakaramdam ako ng kalabit sa braso ko. Mula sa kisame ng admin building, binaba ko ang tingin kay Nella na nakatayo sa usual niyang puwesto, sa gitna naming dalawa, habang pabalik-balik ang tingin sa amin. Kung ire-rate ko ang energy level naming tatlo, 10 out of 10 agad ang score niya habang -1000 out of 10 sa aming dalawa ni Pamela. Halata naman sa eyebags, 'no?
"Wow ha! The both of you are thinking too malalim. Hindi na naman ako informed na because sobrang boring dito pumila, you would stare at the ceiling na and watch butikis crawl," she said in a low voice but with a bit of exaggeration. Napapalakpak ang tenga ko dahil sa effort niyang huwag gumawa ng eskandalo sa university registrar.
"Oh my god, kayong dalawa talaga, so asar as in." Napatingin sa kaniya ang mga taong dumaraan at lihim siyang pinagtawanan. Sanay naman na siya dahil nahawaan din siya ng deadma vibes ng kaibigan niya.
Pamela ignored her, but the quick glimpse she gave to my direction told me I am rather the idiot for staring aimlessly like she did. May problema rin siguro siyang iniisip kagaya ko dahil sa talim ng irap niya.
"Sorry for spacing out. May kinukuwento ka ba kanina?" I ask, trying to redeem myself. She pouted like a child and crossed her arms over her chest.
Ngumiti ako nang bahagya sa kaniya tapos tumingin saglit sa unahan ng pila. Medyo malayo pa kami sa 'holy hole'—'yong maliit na butas sa salamin ng registration officer. May makeshift bintana pa ito na gawa sa naka-tape na cardboard para hindi lumabas ang malamig na hangin mula sa airconditioned nilang opisina.
She sighed deeply and suddenly plunged herself to me for a tight hug. Napangiwi ako nang aksidenteng humampas ang ponytails niya sa dibdib ko. She laughed it out and apologized.
"I was asking how was your holidays, Blossom. Hindi man lang tayo nakapag-vc or something during the putukan night, even our group chat is so unreal! Mag-hi naman kayo sometimes."
Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso pero sinubukan kong huwag magmukhang tanga sa pagpapaliwanag. "Wala namang bago. Okay lang naman, nag-enjoy naman ako sa bahay."
"Really?" But the glint in her eyes as she looked up was telling me I was a liar.
"Dae, teka!" tawag ko sa kaibigan ko. She turned her head and walked away without even hugging me, kissing my cheeks, caressing my hair or doing the things she would do whenever she sees me.
Pathetic me. Of course she's upset!
Hindi siya lumingon sa makailang ulit kong pagtawag sa pangalan niya. Hinabol ko siya pero kaagad natigilan ang bibig at paa ko nang salubungin siya ng mga kasama niya. Isang babae, dalawang lalake. Mukhang mga kaibigan niya sa college na pinapasukan niya. Coincidentally, they also spent their New Year's here. At base sa mga bakas ng kulay na naiwan sa kamay nila, she probably saw me during the Paint Night.
"Joshel..." Madness held my hand as he followed after me. I took a full stop not because I was shocked. I already expected that she will meet new people like I did. I halted from begging her to wait because I knew it will bear nothing but further mistakes. Once I reach her, I'm sure that I will regret it. Kilala ko siya. She will ask for time and personal space every time we had quarrels. Hindi niya muna ako kakausapin.
BINABASA MO ANG
Ghosting Madness
Lãng mạn"She left her madness for good, yet the Madness she hated wants her presence once more." -- After settling in the city to start a new life, Joshel Buela began to face the consequences of her past actions. Meeting blank faces from strangers gradually...