Chapter 02

90 19 30
                                    

02: Blind For I Chose Not To See
"I am blinded by the world,
by this crowd too far-fetched."



"Nasa akin na ang results ng quiz niyo." Agad na napalitan ng kaba ang dating ngiti sa mukha ng mga kaklase ko nang itaas ng prof ang mga papel na sinagutan namin kahapon. Isa-isa niyang tinatawag ang bawat isa sa amin upang ibalik 'yon.

"Buela."

Napaangat ako ng tingin nang marinig kong bigkasin niya ang apelyido ko. Iminuklat ko ang namumungay ko pang mga mata mula sa pagtulog saka tumayo.

Ngunit imbes na itapat ko ang ulo ko sa unahan o sa prof na nakaabang sa pagdating ko, sa sahig ako nakatingin. Oo, uulitin ko, sa sahig.

Everyone would stare at my direction, like their usual reaction when I move around.

"Here she comes . . . "

"The walking ghost, eyy."

"Awooo."

I tried to remain composed amidst their murmurs. Hindi ko sila pinapansin dahil dumaragdag lang sila sa mga bangungot ng buhay ko.

Nakatingin lang ako sa paa ko habang diretsong dumadaan sa maliit na espasyo sa gitna, papunta sa table niya. Ilang saglit pa, nasa harap na niya ako.

"Good morning," he said.

"G-Good morning po," bati ko pabalik.

It's like talking to the dead. He has no facial features. All I could see was his hair brushed up through his scalp. Nothing more. Nothing less.

I smiled inside my head. Nasanay na akong makakita ng ganitong mga eksena sa loob ng nakalipas na tatlong taon, minsan naisip ko, ano kaya ang itsura nila? Pati rin kasi sa mga litrato, bigla na lang naglalaho ang kilay, mata, ilong, at bibig ng mga tao.

"Look, who's engrossed in my hair." His words snapped me back to reality. Siyempre, nagtawanan ang lahat dahil sa seryosong pagbibiro ng professor namin. Sa huli, nanuyo pa rin ang lalamunan ko nang mahawakan ko ang papel ko na iniabot niya.

"Better luck next time."

Tumango na lang ako at tumalikod paalis, dala ang bagsak kong score sa quiz kahapon. 12/30.

Malas. Bawi na lang next time.

Ilang minuto rin ang nagtagal at natapos din ang distribution ng mga quizzes. May mga masasaya pero karamihan, tulad ko, nakabusangot. Ang hirap ba naman kasi ng 30 item identification. Walang pa-clue-clue, may time limit pa.

"Bawi na lang tayo next time, sis."

"Hindi naman major, beh."

"Sayang pa rin 'to, pa'no na ang latin honors ko . . . "

"OA mo naman."

"Arat, jabee tayo mamaya?"

Napailing-iling na lang ako dahil sa mga narinig saka dahan-dahang ihiniga ang ulo sa armdesk. Nagle-lecture na ulit ang professor namin pero tinatamad akong makinig. Gustuhin ko man, wala namang pumapasok sa utak ko. Papagurin ko lang ang neurons ko.

Nang tumunog ang bell, hudyat ng pagtatapos ng unang subject sa umaga, narinig ko ang pananabik ng lahat. Finally, it's done! Tumayo ako, isinuot ang backpack kong itim saka isinukbit ang hood ng gray kong jacket sa ulo ko.

I looked both sides. Both doors. Wala nang estudyante. Wala rin sila. I looked at them talking with the other group of students. Mukhang busy pa yata sila makipagkuwentuhan. Today is a safe day.

Ghosting MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon