Chapter 24

19 4 27
                                    

24: Fire Away, Fire Away
If I can face those memories, 
and endure to accept them, 
they maybe one day…I could be someone 
who’s not defeated by its pain.”





“Umiiyak ka ba?” 

Umatras bigla ang mga luha sa mata ko at dali-daling pinunasan ang mga naipong tubig sa gilid nito gamit ang kamay ko. Hindi nakatulong ang maigsi kong buhok para takpan ang namumula kong tenga. Napalulon ako nang bahagya bago ako humarap sa kaniya.

“U-Uy…ikaw pala,” nangininig kong bati kay Dean na hawak ang dalawang itim na trash bag sa magkabilang kamay. I let out a stretched smile while gripping my arms. 

Kung hindi ko kaagad naamoy ang pabango niyang mint at dew, baka wala akong mukhang naihaharap ngayon sa kaniya. Bigla kasi siyang lumabo sa paningin ko. Siguro dahil sa pag-iyak ko.

“Bakit parang nakakita ka ng multo? Are you okay?”

“O-Oo naman!” I rep-lied abruptly... “Cigar break mo na ba? Sorry ha, you can take your spot now.” ...while stepping sideways to give him the space he needs.

He dumped the garbage down the large bin before I sensed that he’s looking at me. I couldn’t tell exactly from his face if staying under the street post and facing the brick walls at the back of the restocafé is stepping into his territory. Obviously, he has a blank face. And of course, he wouldn’t show tell me through his mouth. 

He’s the silent type who responds only when asked or when favored by the situation. This time, he’s likely to be the former.

“Pass. I don’t have any sticks left.” Nabigla ako nang bigla siyang lumapit sa kinatatayuan ko at sumandal sa poste ng ilaw na kanina ay pinagsinandalan ko rin ng noo ko habang lumuluha. Umusod ako nang kaunti at yumuko upang itago ang kahihiyan.

“Are you that dense?”

“Ha?”

“See? Apat na beses na kitang tinanong pero ni isa sa mga ‘yon, wala kang nasagot,” komportable niyang wika saka tumingin sa langit.

Napatikom ako ng bibig. Gano’n din siya. Hindi na siya muling nagtanong pa at hinayaan ang mga sarili naming malunod sa katahimikan ng mga mundo namin. Hindi ito ang klase ng kapayapaan na may sariwang tunog. Ito ang klase ng katahimikan na binabalot ng kasalukuyan.

Ang mga busina ng sasakyan, ang tawanan ng mga tao sa loob ng establisiyemento, ang paghampas ng may amoy at maalinsangang hangin, ang pagbukas-sara ng mga pinto’t pag-umpukan ng mga tao sa kabilang kalye. Ito ang katahimikan na mananahimik lang kung kakalimutan naming bahagi kami nito. 

At sa mga oras na ito, pinili naming manahimik pareho.

Pero hanggang kailan? Tulad ng break namin na nag-umpisa kani-kanina lang, lahat ng kapayapaan ay may hangganan din; mababasag at masisira din kung kinakailangan.

A tear escaped from my eye. From my peripheral, I saw him took a glance and heaved a sigh. 

“I shouldn’t have asked if you’re crying earlier. I knew it was sound and clear…that you are not okay,” he followed and tilted his head down while his hands are now inside his pocket. 

“Okay lang, nagulat lang naman ako, hindi naman ako inatake sa puso or something,” sabi ko sabay tawa nang maikli. “Pero bad timing ka. Emote na emote na ako, eh.” 

Lumapad ang mga ngiti sa labi ko para pagaanin ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. 

I just felt more comfortable with him now than before. Para bang sa mga oras na ito, nabasag namin ang harang ng isa’t isa; sa kaniya ay yelo, sa akin ay bato. Habang magkatabi kami, naiisip ko na para akong may kapatid na handang makinig sa’kin.

Ghosting MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon