Chapter 14

63 12 79
                                    

14: The Day Of The Dead
“It was the next morning,
when I find myself alone
in my prison called guilt."


My plans the next morning was overturned by unexpected series of events.

Maaga akong nagising para maghanda sa prelims namin ngayong buwan. Alas-siyete pa lang ng umaga, mulat na ang mga mata ko. Nagwawalis na ako ng buong kuwarto habang nagpapainit ng tubig sa takure na gagamitin kong panligo at pantimpla ng kape. Ininit ko rin 'yong tirang sinigang kahapon at nagsaing ng isang takal na bigas bilang agahan. Masarap pa rin. Naalala ko tuloy ang kagagahan ko kahapon.

Naligo ako sa loob ng labinlimang minuto at habang nagtatabo ako ng tubig sa dram, ni-rerecite ko sa isip ko ang mga importanteng impormasyon na kailangan kong i-refresh bago mag-exam.

I need to ace this, at least para makabawi.

Tapos ganito lang ang mangyayari?

STRESSED PP GURLS

8:02 AM

Bubble cutie
Girls, may news ako today
seened by Buttercup sht, Blossoms 🤧

Bubbles cutie
Ay, seenzone?
seened by Buttercup sht, Blossoms 🤧

Bubbles cutie
Fine, fine
Midterms is suspended!
For further announcement na lang daw so kyaaah!
Enjoy the holidays! 👻👻
I haven't reviewed better pa naman last night

Buttercup sht
👍

Bubbles cutie
Thank you sa pag-like
Nakaka-uplift ng feeling

Wala akong pakialam nang nagbangayan na naman sila dahil sa group name at nicknames na in-assign ni Nella. Pero agad na nag-init ang ulo ko nang mapagtantong nasayang lang lahat ng efforts ko kahapon at ngayon.

GG!

Nakakakulo ng dugo, gusto kong maging kriminal ngayong araw. Kahit ngayon lang.

With upset building in my nerves, I quickly changed my pants into a normal-looking shorts and dressed up like a simple college girl bored in her house. Sinalampak ko ang sarili ko sa ibabaw ng kama saka napabuntong-hininga.

“What now?” tanong ko sa sarili ko. Wala agad na sagot ang pumasok sa isip ko kaya naman ibinaon ko na lang ang mukha ko sa ilalim ng unan. Nang biglang…

Ding. Dong. Ding. Dong.

Dali-dali akong napatayo sa pagkabagot at inabot sa study table ang telepono ko. When I opened it, I saw Daela’s messages to me, just after the GC that I obviously muted after hearing the bad news. Nakakapanibago kasi sa text message siya palaging nag-a-update sa’kin. Naubusan ba siya ng load?

Daela Lyn
Hi, Shel bhie!
This is my first time messaging you here kasi hindi ka naman gumagamit ng app na to primarily, right?
So I just wanna say nasa aiport na kami
Oh baka isipin mo, “why not bus?”
Ayaw kasi ma-haggardo versosa ni mama

Daela Lyn sent a photo.

Goodluck sa midterms, bhie
mwah

It was a photo of them smiling widely inside the plane. I heaved a deep sigh as I closed my phone screen. Daela is out to a vacation with her parents. And those two might visit their family members’ grave on Manila South or Manila North—that I don’t know.

Habang ako…heto, mabubulok sa bahay sa loob ng limang araw.

Sa kaiisip ng mga bagay na puwedeng gawin, nakatulog na lang ako. Bandang alas-dose ng tanghali (Ganiyan ako kapuyat kagabi) nang magising ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. I blinked my eyes several times when the screen flashed on my face and when I recovered from ‘short-term blindness’, I saw 25 missed calls and 30 unread messages, all from Madness himself.

Ghosting MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon