01: A Jump-start To Hell
"An exhausting city
drives me toward a new start.
I hope so.""Are you really okay with this . . . or what?"
For the nth time, I stopped unpacking my things and looked straight at her. Sa wakas, nagsalita na siya. Kanina pa kasi siya aligaga kaya pati ako ay natataranta na rin.
"Problema mo?" tanong ko pero hindi niya iyon tuwirang sinagot.
"I mean . . . nirerespeto ko naman ang desisyon mo to stay here. May blessings ka naman from my parents. Hindi ko lang maalis sa isip ko kung ginusto mo ba talaga 'to? Itong lahat-lahat na bago sa'yo?" tanong niya habang panay ang gesture ng kamay sa hangin, tulad ng palagi niyang ginagawa kapag nag-o-overreact siya.
Hindi ko na tuloy alam kung nagtatalumpati siya o nakikipagdebate sa'kin.
Hays. Ano na naman kayang tumatakbo sa isip ng babaeng 'to?
"You've been living with us since you were 12 and now that you're 19, a freshman student to be exact, I know you will do well kahit mag-solo ka."
Ngumiti ako. "Iyon naman pala, eh. May tiwala ka naman sa'kin. Kumalma ka nga!" pabiro kong sagot habang umiling-iling.
Ipinagpatuloy ko ang paglabas ng mga damit mula sa maleta. Isa-isa ko iyong inilagay sa hanger saka isinabit sa loob ng closet. Ipinatong ko rin ang ilan sa mga mahahalagang larawan sa study table na nasa tabi ng kama ko.
"Pero, bhie. Manila na kaya 'to! Hindi na ito 'yong probinsiyang kinalakihan natin. Hindi ka ba natatakot?" Napahawak siya sa kaniyang sentido nang matigilan ako. Hindi dahil sa tanong niya, kung hindi dahil sa mga larawang hawak ko.
Sina Mama at Papa.
Si Dae.
Sila na lang ang meron ako.
Hinarap ko ulit siya matapos kong ilagay sa maliit na mesa ang mga picture frame. "Ganiyan ka ba no'ng una mong punta rito?" I asked her.
"Yes! I'm so afraid because of the strange vibe pero nandiyan naman sina Mama at Papa to help me recover," she paused to think and then, she pointed fingers at me.
"Kaya nag-aalala ako sa'yo, bhie, eh. Mag-isa ka lang dito."
Ngumuso siya.
"Trust me with this, okay? Alam ko po ang ginagawa ko, Ate Daela," I said and smiled to her to the fullest.
She sighed. And I know it's not a reply but rather, a form of disagreement.
Nang malagyan ko ng bedsheet ang kama mula sa mga gamit na ibinigay ng landlady, naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. She has just finished keeping my dish rack which are graduation gifts I received from her mother.
"Let's talk, Joshel," dire-diretso niyang sabi. Pinaupo niya ako sa kama saka siya tumabi sa'kin.
When she called me in my first name, I knew, she's back again with her sister attitude. Well, I actually like this side of her. Para talaga akong may kapatid na babae.
Hinawakan niya ang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ko. "Look at me," she asked me in a calm tone and so I did.
"Follow my breathing," she added and then I found myself breathing deeply for five times. Pagkatapos no'n, nagtitigan ulit kami. Napa-arko ang kilay ko.
"Wait, are we doing your therapy thing again?"
"Huwag mo ngang sirain ang mood!" she exclaimed. "Hindi porque't mag-te-take ako ng Interior Design, hindi na ako puwedeng mag-ala-psych. Though, 'di ako nakapasa sa course na 'yan," pagtawa niya. "gusto ko na mag-usap tayo nang matino, 'yong seryoso at kalmado tayo, okay ba bhie?" mahaba niyang paliwanag.
BINABASA MO ANG
Ghosting Madness
Romance"She left her madness for good, yet the Madness she hated wants her presence once more." -- After settling in the city to start a new life, Joshel Buela began to face the consequences of her past actions. Meeting blank faces from strangers gradually...