Chapter 05

56 14 23
                                        

05: He Who Possess Madness
"My debt connect our paths again.
And now, he's asking to pay him back
with my presence."



Saan ba ako nagkulang? I tried the best I could, not to reveal myself to the crowd.

But, silly me. I ended up doing the contrary.

"Utang mo," he repeated, but instead of mouthing it again, he let all my classmates hear the reason why he's inside our room.

"Akala ko ba babayaran mo ako kaagad? You said—"

Napapikit na lang ako sa inis. Tinulak ko siya nang malakas saka dali-daling tumayo. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Nanlaki ang mga mata nila.

I gripped my sweaty palms. Suddenly, the memory of me pushing him in the mall basement suffice in my mind.

His body's so warm.

Umiling ako, kinuha ang gamit ko at mabilis na naglakad palabas. Narinig ko siyang sinundan ako habang tinatawag ako sa pangalang hindi naman niya noon binabanggit.

Hindi ako makatakbo. Tang ina. May on-going classes pa sa ibang room.

"Joshel, stop!"

Hindi ba siya titigil? Wala pa akong pera!

Kaya nang makalagpas ako sa hallway at marating ang ground floor, ibinuhos ko na ang lahat ng puwersa sa paa ko at tumakbo nang napakabilis. Take note, nakayuko ako habang yakap-yakap ang bag ko.

I could hear him panting, catching his breath as he ran after me. He's not used to wasting energy but why does he? What's with him?

"Ay diyos ko, School Meet na ba? Bakit may takbuhan?"

"'Di man lang nagpapasintabi . . . "

My lips secretly curved.

He didn't know he was making a reason for nearby students to give their way to me. When I reached the Dimasilag Building, I took a turn and hid among the bushes of the greenhouse beside it.

Nakita ko siyang napahinto sa harap ng building saka napahawak sa tuhod. He's breathing hard. I could see his body is still not used to running. Luminga-linga siya, pero sa huli, hindi niya ako nahanap.

He cursed hard, then left after a while.

I let out a sigh.

That was close!

I stood up heavily and went inside my favorite place in this campus.

Mabuti na lang at walang tao rito kahit last week pa natapos ang renovation ng Prado Greenhouse. May malaking puno sa gitna nito habang napapaligiran ng mga namumulaklak na halaman ang paligid. Pumunta ako sa bench, sa tabi ng puno at napaupo doon.

Sinubukan kong lumanghap ng sariwang hangin, baka-sakaling makahinga pa ako nang maluwag.

Tumama sa mukha ko ang sinag ng araw nang iangat ko ang tingin sa mga sanga ng punong narra. Hindi ito masakit sa mata, para bang nang-aadya na kailangan ko nang gumising sa katotohanan.

Ang pag-iwas sa'kin ng mga tao sa tuwing maglalakad ako nang nakayuko . . .

Ang pagpapatawag sa'kin sa counseling . . .

Ang dalawang weirdo na sunod nang sunod sa'kin . . .

At ngayon, ang naramdaman kong panghuhusga mula sa tingin ng mga kaklase ko . . .

Ghosting MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon