Chapter Ten

209 16 4
                                        

Freyah

"Louie..." Iyon na lamang ang tanging namutawi sa mga labi ko nang makita ko ang bulto ng katawan ni Louie na nakatayo sa di kalayuan mula sa likuran ni Trey.

Mabilis akong napabitaw kay Trey. He is as shocked as I am. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Did Louie caught us kissing? I was about to confront him pero na unahan niya na ako.

"Andito ka pala Mr. Marquez." He looks so calm while looking straight to Trey. I cannot read his reaction na siyang dahilan kung bakit mas lalo akong kinakabahan. Papalit palit naman ang tingin kong dalawa sa kanila ni Trey.

Bago pa man sagotin ni Trey si Louie ay inunahan ko na siya. "Hon.." I don't exactly know what to say at the moment. Lumapit sa amin si Louie kaya naman medyo dumistansya din ako ng konte kay Trey. Mag sasalita pa sana ako ulit nang bigla akong hapitin ni Louie sa bewang. "Siya nga pala hon, may binili akong donuts para kay Sabbie dun sa kotse" casual na sabi ni Louie. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ahm ganun ba? salamat kung ganun."

"Pero mukhang busog ata ngayon si Sabbie" Singit naman ni Trey na di ko inasahan. God Trey, don't make a scene here.

"Well, pwede niya namang kainin bukas, right hon?" Louie look at me smiling, ngumiti na lang din ako sa kanya. "Hindi ka pa ba uuwi, Mr. Marquez?"

Mahina namang natawa si Trey. "Hindi pa, bakit? gusto mo na ba akong pauwiin?"

"Paano kung oo?" Louie then sm irked. Medyo na tense din ako sa dalawa kaya pumagitna na ako. "Sige na Trey, umuwi kana."

Trey looked at me with disbelief. Ano bang ineexpect niya na gawin ko? Si Louie ang dapat na paalisin ko?

Nang humarurot ang sasakyan ni Trey paalis ay hinarap ko naman si Louie. "So, why is he here? Other than kissing you, what's the reason why Trey Oliver Marquez is here?" Louie said calmly.

I took a deep breath after realizing that he indeed saw us. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kanya. I kissed Trey back. Alam ko sa sarili ko na hindi ko dapat e deny iyon.

"Hon, sorry..." tanging nasabi ko na lamang. Siguro nga dapat ko nang sabihin kay Louie ang tungkol kay Trey. "Sorry talaga." Dinig ko naman ang pag buntong hininga niya. "Do you... do you still love me?" Louie sounded in pain. Mabilis ko naman siyang tinignan. "Oo naman! Hon, mahal kita!" I said looking straight to his eyes.

Hindi siya sumagot pero nakatitig lang siya sa akin. "Kung mahal mo ko, bakit? Bakit ko kayo nakitang naghahalikan?" mahinahong sabi niya sa akin na mas lalong nagpadurog sa puso ko. Siguro mas maiintindihan ko pa kung sakaling pinagtaasan niya ako ng boses. Pero hindi, nanatili siyang mahinahon.

"He... was actually the one who kiss me." And you kissed him back, girl. Come on say it!

"Bakit ka naman niya hahalikan?"

"Ang totoo kasi niya, masyado lang siyang natuwa dahil pinayagan ko siyang bumisita kay Sabrina at ihatid ng personal sa bata ang regalo niya para dito" Pag-aamin ko. Mukhang nakuha naman agad ni Louie ang nais kong sabihin sa kanya. Lumayo siya sa akin ng konte. Kunot ang noong nakatingin sa akin. "Siya ba?' Tanong niya sa akin. I don't even know what to say next. Parang umurong ang dila ko sa tanong ni Louie.

"Siya ba ang ama ni Sabrina?" Ulit niya sa tanong at mas lalong binigyang diin ang huling apat na salita.

Tumango tango ako biglang pagtugon. Napayuko na rin ako I don't want see the pain in his eyes. Dinig ko naman ang mahinang pagtawa niya pero ramdam ko din ang sakit mula doon. "I was right. Siya nga ang papa ni Sabrina." I looked at him only to see the bitterness on his smile. "Pero mahal mo naman ako diba?"

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now