Chapter Five

325 23 4
                                    

Trey

Its already been a month since I returned in the country after my investigation to the issue in the Country R.

Hindi ko rin aakalaing na sa sandaling panahon kong pamamalagi doon ay marami nang nangyari dito.

Well, una na doon ang pagiging mag asawa ng kapatid ko at si Elliesander. Kahit na medyo may pag-aalangan pa ako sa desisyon ng dalawang iyon ngunit ayaw ko namang pumagitna pa sa kanilang dalawa.

Trisha is my sister. In the other hand Elliesander is like a brother to me already. Kung sakali mang hindi mag work out ang marriage nilang dalawa. I will do all my best to just fair to both of them.

Sa ngayon wala pa naman akong dapat ipag-alala. Elliesander is too caring and matured when it comes to handling his wife. Kita ko naman na ang pag-iiba niya sa tuwing si Trisha at Andrei ang kasama niya.

Sapat na iyon sa akin sa ngayon dahil aminin man nilang dalawa at sa hindi kita ko ang saya at pagkakontento sa mga mata nila sa tuwing nag-uusap sila ng masinsinan.

Hindi ko naman maiwasang hindi mainggit sa kanila, lalong lalo na kay Elliesander. The happiness he was looking for all his life has now in front of him. I am happy for him as well though.

Nalulungkot lang ako para sa sarili ko dahil kung kelan ko naman nalaman na meron kaming anak ni Freyah ay agad naman siyang lumayo lalo sa akin.

Matapos ko kasing papuntahan sa mga tao ko ang address nila noon. Agad na inireport sa akin ng Valencia men na may nakilala silang batang babae doon na kung bibilangin ko ang gulang niya ay may possibilidad na anak ko nga siya.

But I was too late to confirm it with myself. Wala na sila doon sa kanilang tinitirahan.

Sa katunayan hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nahahanap. Wala kasi akong sapat na oras upang puntahan siya ng personal sa pinagtatrabahunan niya lalo pa ngayong kailangan ako ni Elliesander sa lahat ng oras.

Hindi ko naman maaaring ipag-utos sa mga tauhan ko ang pagpunta doon sa opisina niya lalo na't hindi naman nila iyon obligasyon at hindi iyon parte ng kanilang trabaho.

This is my personal issue. Sapat nang natulongan nila ako ng isang beses.

"Kuya, mukhang malalim ata ang iniisip mo ah."

Napalingon ako ng marinig ko mula sa aking likuran si Trisha.

Ngumiti ako sa kanya. Nasa mansyon kami ng mga Valencia. Inaantay ko lang si Elliesander na magbihis.

"Hindi naman, ikaw talaga bunso."

"Kuya, pag may problema ka. Sabihin mo lang sa akin. Baka may maitulong ako sayo." Anito.

Hindi alam ni Trisha ang tungkol kay Freyah. Kaya nasisigurado kong labis siyang mabibigla oras na sabihin ko sa kanya na may anak na ako. Isa pa hindi pa naman ako sigurado kung anak ko nga ba iyong batang nakaharap ng mga tauhan ko.

"Alam ko yon. Salamat."

Gumanti siya ng ngiti sa akin. Sakto namang pababa na si Elliesander kaya naputol na din ang usapan naming magkapatid.

Nagpaalam na ako kay Trisha. Ganun din ang asawa nito sa kanya. Nagawa pa naming asarin si Elliesander na binigyan lang kami ng walang emosyong reaksyon.

Pareho na lamang kaming natawa ni Trisha.

Freyah

Kasalukuyan kong binabalik sa kabinet ang kahon na naglalaman ng mga alaala ko kay Trey nang marinig ko ang pagkatok ni mama sa pinto.

"Anak, andito na si Louie."

Oo nga pala inimbitahan ko kanina si Louie na dito na magdinner. "Sige ma. tapos na din naman ako." sagot ko kay mama.

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now