Chapter Three

319 17 5
                                    

Freyah

Dahil sa sinabi ni mama. Labis labis ang naging pag aalala ko sa akin anak. Mabuti na nga lang raw at naging mabilis din ang naging responde ni Louie. God!

He was on his meeting but after receiving a call from my mom hindi ito nagdalawang isip na umalis sa kalagitnaan ng kanilang meeting upang puntahan sina mama. Somehow I felt relieved. Ang dami ko na talagang utang na loob sa kanya.

Mas lalo akong nakaramdam ng inis sa tunay na ama ng anak ko. Napakuyom na lamang ako sa aking palad.

"Ma'am here are the papers you're looking for."

Muling bumalik ang isip ko sa trabaho dahil sa biglang pagsulpot ni Mary sa harapan ko. I need to finish this papers works now para makabalik na kami sa Pilipinas sa susunod na linggo. Gusto ko nang makaalis dito sa Russia lalo pa ngayong nandito si Trey.

Speaking of which. Hindi niya pa rin talaga ako tinitigilan hanggang ngayon. Wala na rin atang gabi na hindi niya ako tinatawagan para kamustahin. I sometimes choose not to answer his call. Napapatanong na rin kasi si Gabbie sa akin sa caller ko gabi-gabi. And I don't know what to say to her.

Dahil masyadong dikit sa mga Valencia si Trey I never mentioned him to my friends. My ex remain unknown to them and I wanna keep it that way. Maging ang pinsan kong si Adee tanong ng tanong din sa akin tungkol sa ama ni Sabrina but I never tell her a thing.

Mabuti na nga lang at nauunawaan naman nilang lahat. They thought I was just too hurt... which is partly true. Kaya di ko sinasabi sa kanila kung sino ang ama ng anak ko.

Adee and I were like bestfriends. Sa katunayan siya pa nga iyong sobrang nagwala nang malamang nabuntis ako at iniwan ng ama ng anak ko. Halos sabunotan niya na ako noon para lang sabihin ko sa kanya kung sino ang ex ko dahil gusto niya raw gumanti.

I laughed as I remember that moment.

"Thank You, Mary." I smiled as I received the papers. Ganting ngumiti naman si Mary bago bumalik sa table niya.

Habang busy ako sa pag aanalisa ng mga papelis tumunog naman ang cellphone ko. Ganun na lamang ang pagsinghap ko nang mabasa ang mensaheng galing sa nag iisang panggulo sa buhay ko ngayon.

"I'm on the first floor . Meet me, or I'll meet you?"

Napamura ako nang wala sa oras sa isip ko. Is he kidding me? Ano naman ang gagawin niya rito? Wala din naman dito ang boss namin na sinasabi niyang kaibigan niya. Seriously? Pag talagang itong Martinez na to ay pinagtitripan na naman ako , makikita niya talaga!

Tumayo ako mula sa table ko bitbit ang cellphone. Maging ang mga kasamahan ko ay nagulat sa biglaan ko itong pagtayo. I gave them an awkward smile.

Saktong nasa pintuan na ako at handa na sanang buksan yun nang nagbukas din ito ng di ko naasahan. Tumambad sa akin ang isang kumpol ng pulang rosas. Para namang nag awtomatikong bumagal ang lahat nang tignan ko ang may hawak ng mga bulaklak na iyon.

The man give me an innocent smile. Damn!

What's happening to me? Parang may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng akin tyan. Parang tambol din ang puso ko dahil sa lakas ng pagtibok nito. Mas lalo pa itong lumakas nang matama ang tingin naming dalawa.

"Hi, beautiful. Flowers for you." nakangiting inabot niya sa akin ang kumpol ng rosas. "Ang tagal ng reply kaya umakyat na ako."

Natauhan naman ako sa sinabi niya napabuga pa ako ng hangin. Ang lalaking to talaga!

Agad kong binawi ang aking postura saka tinasaan siya ng kilay. "Seriously, Mr. Marquez? Seriously? Alam mo ikaw..." Napakuyom na lamang ako sa aking kamay nang mapansin kong nakatingin sa amin ang mga ka office-mates ko.

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now