Chapter Fourteen

237 16 9
                                    

Louie

4 years ago...

I was sitting on one of the bench in the park when I saw a woman passing by in front of me. I was so amazed by the way she smiles while talking to her phone. Ang ganda niya, sobra! She got the most beautiful smile I have ever seen. Simple lang din ang pananamit niya she was wearing a cute plain white dress and a doll shoes. Para siyang manika tignan kaya naman hindi ko maalis alis ang mata ko sa kanya.

Napatanong pa ako nun sa sarili ko... Palagi kaya siya dito sa park? Bakit kaya ngayon ko lang siya nakita? To my surprised, she seated on the bench across mine. Medyo may kalayuan ang agwat naming dalawa kaya hindi ko masyadong marinig ang boses niya. Gustong gusto ko nun lumapit sa kanya sana para makipagkilala, pero kinain lang ako ng hiya.

"Pare natagalan ba ako? Wala pa kasing pang sukli si Aling Joan kaya hinintay ko na lang" pukaw sa akin ni Gary. He's a friend of mine na nag aya sa aking tumambay muna dito dahil malapit lang naman ito sa office. Palagi kasi siya dito at sabi niya mas maganda daw tumambay sa park pag break time sa trabaho. It could refresh our mind. Tama nga naman siya.

"Diba palagi kang andito?" Tanong ko sa kanya. "Oo, halos araw araw dito ako, bakit? Maganda dito hindi ba?"

"Yeah, by the way...Do you happen to know that woman?" Turo ko sa babae sa kanya. Tignan naman ni Gary ang direction nito habang umiinom ng canned juice nito. "Hmmm, pamilyar siya. Mukhang palagi nga siya dito." Anito. "Bakit kilala mo ba siya?" Dugtong na tanong nito pero dahil mukhang nababasa niya ay nasa isip ko ay nagbiro pa ito. "O baka gustong kilalanin?" pag aasar niya sa akin. Pareho naman kaming natawa dalawa. "Hindi, sira ka talaga!" Iniba ko naman agad ang usapan namin para hindi na makapag isip pa ng kung ano-ano si Gary.

But starting that day, napapadalas na din ang pagsama ko sa kanya sa pag tambay sa park tuwing break time. At sa araw-araw na tumatambay ako kay palagi ko ding nakikita ang babaeng iyon. Just by looking at her from far was already enough for me. Day by day I know that I started to have a little crush on her. She seems to be a very happy person iba din ang dating sa akin ng mga ngiti niya. Her smiles feel like could brighten up everyone's day.

Isang araw nun nagkaroon kami ng pagkakataong mapadaan sa harapan niya. Hindi ko naman inasahan nung mga oras na napatingin ako sa kanya ay napatingin din siya sa akin. She gave me a very polite smile. Nagulat pa ako noon but I made sure to smiled back at her. Ilang saglit lang ay narinig kong may tumawag sa kanya na isang babae.

"Freyah! Tara na!" tawag nito sa kanya. Sumagot siya at nagmadaling umalis.

So that was her name. Freyah. Nang mga panahong yun ay wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Gary sa akin dahil tanging ang pangalang Freyah lang ang umiikot nun sa isipan ko.

Isang araw while I was driving home from the office, nakita ko sa may di kalayuan si Freyah na nag aantay sa gilid ng daan ngunit bago pa man ako makalapit sa kanya. May pumasada nang isang magarang sasakyan sa harapan niya. Lumabas mula doon ang isang lalaki, he gave her a quick kiss on her cheeks before opening the front seat door for her. Kita ko naman ang saya sa mga mat ani Freyah habang kausap nito ang lalaki bago pumasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaibang sakit akong naramdaman sa puso ko. Maybe I was just too disappointed knowing she already had a boyfriend.

Since that day, nawalan na din ako ng ganang sumabay kay Gary na tumambay sa park noon. Lagi akong nagdadahilan sa kanya na may kailangan pa akong taposin para di niya na ako mapilit pa.

Lumipas naman ang ilang buwan. Naisipan ko ulit na tumambay sa park na di kasama si Gary at sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko ulit si Freyah. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala na iyong ngiti sa mga labi niya, wala na din ang mga saya at ningning sa kanyang mga mata. It was replaced by sadness, pain and tears. Yes! She was literally crying ni wala man lang siyang pakialaman kung may makakakita man sa kanya o wala. She was crying like a little child.

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now