Chapter Twelve

274 17 7
                                    


Trey

"Papa!" tawag ni Sabrina. Magkasabay kaming lumingon ni Louie sa pagtawag niyang iyon. Oo kami ni Louie! Guess what? Pumayag nga si Freyah sa weekend getaway namin ni Sabrina bonus pang kasama siya. Pero ko naman inasahan na may plus one pa at yun ang walang iba kundi si Louie.

At sa kakapalan ba naman ng mukha ng isang to ay hindi talaga tumanggi noong inaya siya ni Freyah. Bati na nga pala sila, just to let you know.

Agad kaming nagtinginan dalawa ni Louie na parang nagtatagisan ng tingin. Rinig naman namin ang paghagikgik ni Sabrina. "Kayo pong dalawa ang tinatawag ko!" Natatawa pa ring sabi ng bata.

"Pasalamat ka't dalawa daw tayo ang tinawag." Hirit ko kay Louie. "Whatever." Pasimpleng sabi niya naman sa akin bago tumayo sa kinauupuan at lumapit sa bata.

Nasa isa kaming private beach, wala masyadong tao doon. Masyado itong secluded kaya kampante akong hindi inyon mapupuntahan ng ibang tao. Ito din ang dahilan kung bakit mas maganda ito kumpara sa ibang mga beaches. All you can see is a nature's touch.

Sumunod naman ako kay Louie. Sa paglapit namin kay Sabrina ay nag request ito sa amin na tulongan siya na gumawa ng kastelyong buhangin na siya namang sinunod naming dalawa ni Louie. It supposed to be our bonding as father and daughter. Tsk!

Parang ang nangyari ata family bonding nilang tatlo. If you wanna ask me if I'm still fine. No! I'm not!

"Papa Trey. Ang galing niyo po!" Nabaling ako kay Sabrina dahil sa sinabi nito at sa pagpuri sa ginagawa kong castle. "Papa Louie hindi po ganyan." Sabi niya naman kay Louie. Tinaas ko naman ang noo ko saka tinaasan ng isang kilay si Louie. Then I made a smirked nang tumalikod sa akin si Sabrina para harapin si Louie. He just rolled his eyes on me. "Sorry, baby hindi kasi magaling si Papa Louie gumawa ng ganito. Pwede mo ba akong turuan?" Paawa niya namang sabi sa anak ko. Bago tumingin sa akin ang ngumiti na parang aso. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Sige po!" Nakangiti ring sabi ng bata sa kanya na mas lalong nag painit sa ulo ko. Na nanadya ba to?

Nakangiti siya habang tinutulongan ni Sabrina. "Ang dali-dali lang naman niyan. Hindi mo naman na kailangang magpatulong pa kay Sabrina. Hindi ka ba nag kinder ha?" inis na sabi ko sa kanya.

"Nagkinder din naman pero hindi kasi tinuro sa amin ng teacher naming ito dati." Asar din na sagot nito sa akin. "Hindi ba kayo nag a outing noon? Kaya hindi mo alam paano to gawin?"

"Nag-outing. Pero never kaming tinuruan gumawa ng ganito."

"Tss, anong klaseng paaralan yun?" nakaismid kong komento sa kanya. Palibhasa kasi dikit ka pa ng dikit sa mama mo noong kinder ka pa!

"Baka nagugutom na kayo!" sigaw naman ni Freyah mula sa picnic blanket na inilapag naming sa may di kalayuan.

Nagtinginan muna kami ni Louie bago ko siya binigyan ng makahulugang ngiti. "Anak, gutom ka ba? Kukunan kita ng makakain doon, dito ka muna kay papa Louie mo!" mapang-asar na sabi ko. "Okay po, Papa Trey." Nakangiti namang sabi ni Sabrina. I made a smirked again to Louie saka mabilis na tumayo at lumapit kay Freyah. Kita ko naman nag inis sa mga mata ni Louie bago ako tumalikod.

Nang makalapit ako kay Freyah ay tinignan ko naman siya ng masama. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil isinama niya dito si Louie.

"Oh? Bakit parang papatayin mo na ako sa titig mo?"

"Hindi ko naman kasi alam na balak niyo palang mag Family bonding at ako pa pala ang mag fifinance nun para sa inyo. Grabe lang!" Inis na sabi ko sa kanya. "Maupo ka ng muna. Ikain mo na lang yan, okay?" sabi lang niya sa akin sabay abot ng isang sandwich. Talaga bang nag aasar siya sa akin?

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now