Chapter Thirteen

256 13 7
                                        

Trey

Mabilis na napabalikwas si Freyah para bumangon at tumayo. Naiwan naman ako sa sahig na naka higa pa rin. Ilang sandal pa ay tumayo na din ako. Bago pa man ako makasalita ay kumaripas na ito papasok sa kwarto nil ani Sabbie. Nagpailing-iling na lamang ako na pumasok sa banyo.

Nagbabad naman ako ng matagal sa shower nila para mahimasmasan ang sarili ko. Damn, Freyah you still affect me. Sabi ko na lamang sa sarili. Bakit ba naman kasi siya biglang lumabas dito

Nagtagal din ako ng mga ilang minute sa loob bago lumabas. Natagpuan ko si Freyah na nag aayos sa salas. "Siya nga pala, pinagtimpla na kita ng kape." Sabi niya na di man lang makatingin sa direksyon ko. "Salamat." Sagot ko.

Pumasok naman muna ako saglit sa kwarto para silipin si Sabrina. Mahimbing na itong natutulog hindi ko naman napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya para pagmasdan siya ulit. I kissed her temple before leaving the room.

I saw Freyah busy typing on his laptop. "Reports?' I asked her. Napatingin siya sa gawi ko. "Yah, cut off na kasi next week kaya kailangan ko na tong matapos." Sagot niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan na hindi muling maalala ang mga panahon nung nag-aaral pa lang kami at doon ako sa dati nilang bahay nakikitulog. Masyado kasi siyang nahihirapan noon sa major subject niya sa Accounting kaya ang nangyayari she would asked me to come over to their place para tulongan siya sa mga assignments niya. Madalas na gabi na kaming natatapos kaya naman doon na lang din ako pinapatulog noon ni Tita.

"Why?" bumalik naman ako sa Naupo ako sa tabi niya at kinuha ang nakalapag na tasa ng kape sa lamesa. "Need some help?" I asked her. Ngumit siya at umiling. "No, I'm good. Ikaw? Wala ka bang gagawin?" Balik na tanong niya sa akin.

"Wala naman. Sinigurado ko na kahapon na wala na akong ibang gagawin ngayong araw para kay Sabrina. I even put my phone on the airplane mode." I showed her my phone.

Saglit niyang tinignan ito saka tumingin sa akin. "Thanks for this day." Alam ko na ang ibig niyang sabihin ay dahil napasaya ko ng husto ang anak namin. "Wala yun, alam nating pareho na kulang pa iyon sa mga panahong wala ako sa tabi niya." Seryosong sabi ko. Hindi na siya sumagot pa at muling binalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.

"Frey?"

"Bakit?" sagot niya sa akin habang hindi man lang ako tinataponan ng tingin. "How have you been?" I asked her. "What do you mean?" Sa pagkakataong ito ay tumingin na siya sa akin. "I mean kamusta ka since the last time I saw you?" lakas loob na tanong ko sa kanya. Simula kasi nung magkita kami ulit ay hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. "Trey, please don't start me." Sagot nito.

"Gusto ko lang malaman. Kaya please sagotin mo naman yung tanong ko sayo."

Freyah took a deep breath before closing down her laptop. Tumingin siya sa akin ng diretsyo hindi ko mabasa ang nasa isip niya. She just staring me blankly but I know for sure na ang dami niyang gustong sabihin.

"Honestly... Hindi naging madali ang buhay ko nang mawala ka." Sagot niya sa akin. "Simula nung dumating ka sa buhay ko, Trey. Naplano ko na ang lahat... at kasama ka sa plano kong iyon. Kaya nung magdesisyon kang iwan ako para akong binagsakan ng langit at lupa. Unti-unting dumilim ang paningin ko sa hinaharap."

May kung anong kirot naman akong naramdaman sa puso ko. Sa bawat salitang binibitawan ni Freyah ramdam ko ang bigat nun.

"Kahit wala man sa plano ang pagdating ni Sabrina sa buhay ko pero alam mo bang sobrang saya ko nun. Sa unang araw pa lang nang malaman kong buntis ako sa kanya unti-unti ko nang nakikita ang magiging buhay natin kasama siya. Pero sa isang iglap, Trey naglaho lahat ng yun. Sa isang iglap lang nagbago ang lahat. Kaya hindi talaga naging madali ang buhay ko simula nung huli nating pagkikita."

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now