Trey
"So, lets close the deal?" Agad na tanong ng sekretarya ni Mr. Ortigas sa aming dalawa ni Elliesander nang inihayag namin sa kanila ang pagsasang ayon namin sa project nila.
Mababakas naman ang tuwa sa mukha ng matandang negosyante nang tumango si Elliesander at magsabi ng "deal"
"You won't regret this project, Mr. Valencia. My nephew Louie will surely do his best." Ipinatong pa nito ang kanyang kamay sa braso ng pamangkin at tinapik tapik.
Muli namang nagcross ang mga mata naming dalawa ni Louie. I smirked at him. "He better be, Mr. Ortigas, malaki ang expectation namin sa inyo. Lalong lalo na sa kanya." I said without even breaking the eye contact.
Gumanti naman siya ng ngiti sa akin. "You have nothing to worry about Mr. Marquez, I'll make sure that I won't fail you." Aniya.
Mahinang natawa naman si Mr. Ortigas. "Oh siya, siya. Ipagpatuloy na natin itong pagkain." Sabi niya sa amin na siya namang ginawa ng lahat.
Hindi naman maiwasang magtama ang tingin naming dalawa ni Louie. At dahil hindi ko naman ugaling magpatalo ay nakikipagtagisan naman ako ng tingin sa kanya.
I can't read what's on his mind. Is he good at hiding anything or he is just the way he is?
Ano bang nagustohan ni Freyah sa kanya? Bakit ba hindi siya nito kayang iwan kung sakali mang anak nga namin si Sabrina. Ayaw ba niyang bigyan ng buong pamilya ang bata? Hindi niya na ba talaga ako mahal?
Ano bang meron sa lalaking ito? I don't even remember Freyah being friends with him. She didn't even mention anything about this Louie to me before.
Matapos ang meeting ay muli na kaming bumalik sa opisina.
"You seemed so interested with Mr. Ortigas' nephew." Puna sa akin ni Elliesander habang nakasakay kami ng elevator. Mahina akong natawa.
"Am I that obvious?" Asked him. He nod his head.
Napakibit balikat naman ako. "Well, I don't want to mind your own business with him. Just make sure that whatever matters come between the two of you will not affect the company." Dagdag pa niya.
I gave him a salute and a good smile before the elevator opens.
Makalipas ang ilang araw naging sunod sunod na ulit ang mga importantanteng meetings ni Elliesander. Sa sobrang busy namin hindi ko na din namamalayan pa ang takbo ng mga araw.
"Kuya. You look so tired." Nabalingan ko ang kapatid kong kabababa lang ng hagdanan. Its past 7 pm at kauuwi lang namin ni Elliesander sa mansyon.
Trisha gave me a kiss on my cheeks. "Well, your brother is a busyman bunso."
Naupo siya sa kaharap kong couch. "I know, so do my husband." She rolled her eyes that made me laugh.
"Just don't give him a hard time at home" suhestyon ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito.
" I am not. Isa pa, hindi ba dapat siya ang pagsabihan mo ng ganyan kasi ako ang kapatid mo?"
Mahina akong natawa. "Pareho ko kayong kapatid dalawa."
"Whatever kuya." She made a sighs. "Dito ka na muna matulog. Hindi kita papayagang mag drive ng pagod." Nag aalalang sabi niya. Pumayag na din ako dahil gusto ko na lang din talagang magpahinga at ayaw ko nang kontrahin pa siya.
Simula nang maging mag asawa sina Trisha at Elliesander mas lalo ko namang nakikitang nagiging matured ang nakababata kong kapatid.
"Ipapahanda ko muna ang Villa para sayo kuya. Saglit lang." Tumayo na ito saka kinausap ang mga kasambahay.

YOU ARE READING
Chasing Happiness
RomanceEveryone chases after happiness not knowing that happiness is right at their heels. -Bertolt Brecht Trey Oliver Marquez | Freyah Co