Chapter Fifteen

141 12 5
                                    

Trey

One year later...

" Welcome home sir!" bati ng isang airline staff kay Elliesander. We just came back from our business trip from Milan. Tatlong linggo din iyon kaya naman hindi na ako magtataka kung nasa ere pa lang kami kanina ay tawag na ng tawag si Trish sa asawa. Ang dami nitong bilin at pinapabili dito. Yes, she's pregnant. Hindi nga ako makapaniwala na magkaka anak na ang kapatid ko. I'm happy for her of course!

So far wala naman kaming naging masyadong problema sa first trimester niya. Iyon nga lang ang napapansin ko ay laging puyat si Elliesander. May mga pagkakataon na pinipigilan niya ang antok habang may business meeting kami. Madalas din ang pagpapatimpla niya ng kape sa sekretarya niya.

Nagkaroon lang ata siya ng mahimbing na tulog nung nasa Milan na kami ngunit maliban na lamang kung di siya kukulitin ni Trisha sa tawag. Panay nga ang asar ko sa kanya dahil sa tingin ko ay pinaglilihian siya ng asawa.

Habang nasa sasakyan na kami pauwi. I received a call from Freyah. Sandali akong natigilan bago sinagot. I was expecting to hear her voice pero sa halip ay boses ni Sabrina ang narinig ko.

"Papa?! Sabi ni Mama ngayon daw po ang uwi ninyo. Daan po ba kayo dito sa bahay?"

"Ahmmm. Yeah. Dadaan ako, just wait for me there, okay?" I told her. "Okay po, see you papa!" Masayang sabi niya.

Alam kong narinig ni Elliesander ang boses ni Sabrina kaya naman ay nangusisa siya tungkol dito. "I heard that Andrei and Sabrina is doing well at school."

Natawa naman ako. "Yeah, I heard about that. Sino bang mag aakala na mula sa suntukan ay magiging magkaibigan silang dalawa."

"I know. Anyway what about her mother? Do you have any plan for her?" Tanong nito. Napailing iling naman ako. "She's engaged and in the next month ikakasal na siya. What do you want me to do? Steal her away from that man?"

"YES! Why not?" Seryosong sagot nito na akala mo naman ay napakadali lang nang suhestyon na iyon. "That won't be necessary... She looks so happy with him already, plus Sabrina loves him."

Elliesander just shrugged his shoulder. Doon natapos ang usapan naming dalawa. After Louie proposed to Freyah last year I decided na wala na talaga akong pag asa sa kanya. Mas nag focus na lang ako sa anak. Co-parenting with Freyah and Louie is fine. Ngunit kung tatanongin niyo ako if I even tried to date someone else sa loob ng isang tao. Oo naman! Sayang ang kagwapohan ko kung sakaling di ako magkaka girlfriend diba? But unfortunately, sa lahat ng dinate ko none of them work out. Siguro ang pinaka matagal ay isang bwan.

Gusto niyong malaman kung bakit? Well, most of them are so demanding with my time. Yung iba naman masyadong clingy. Yung iba naman dinate lang ako para ipamayabang sa mga kaibigan. Do I even look like that kind of man? I'm on my 30s. Natural lang nagustohin ko e yung babaeng matured mag isip, responsable, maalaga at yung babaeng ready to settle down. Someone like Freyah... but I didn't mean I literally want Freyah... Hmmm okay part of me saying its Freyah.

"I suddenly remember about Mr. Agoncillo, open pa ba iyong offer niya?" Its Elliesander disturbing my thoughts. "Ahh, Oo. Sabi ng sekretarya niya. He will wait until next week. Bakit? Nagbago ba ang isip mo?"

"Narealize ko lang kasi na Mr. Agoncillo could be a big help for our new branch in Ilocos. Balita ko kasi kilalang pamilya ang pamilya nila doon since doon siya pinanganak at isa ang kanyang pamilya sa nagtayo ng Negosyo doon na mabilis na lumago."

Napatango ako, totoo nga naman. I made a background check about Mr. Agoncillo at kilala nga ang pamilya nila sa Ilocos. "Then I will give his secretary a call later." Tumango naman si Elliesander.

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now