Chapter Seven

399 23 12
                                        

Freyah

Nanatili akong wala kibo. Hindi ko alam ang nararapat kong sasabihin kay Louie at ang alam ko lang ay may kusang luhang bumabagsak mula sa aking mga mata. I felt suffocated. He doesn't even speak for a while. Marahil ay hinihintay niya akong magsalita.

Ngunit masyadong blanko ang isipan ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Louie. I felt him grabbed my shoulder then slowly turned me to him. Niyakap niya ako at ikinulong sa kanyang mga bisig. Mas lalo akong naiyak. "I'm sorry for making you cry." hinaplos niya ng marahan ang buhok ko. Why do he needs to be so kind even in this situation?

"Sorry for asking you those things. I know I just crossed the line. I'm sorry honey."

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang humingi ng tawad sa akin. Hindi ba dapat ako ang humingi ng tawad sa kanya? I felt him kissed me on my temple.

We stayed like this for a couple of moment until we both let go with each other. Pinunasan naman ni Louie ang iilang luha sa gilid ng aking mga mata. "Stop crying now. Hindi bagay sayo, mas lalo kang pumapangit." Mahina siyang natawa.

Hinampas ko naman siya sa braso hanggang sa pareho kaming natawa. Iginiya naman niya ako pabalik sa gate ng bahay.

"Hun, lagi mong tatandaan. Sobrang mahal na mahal kita... Kayo ni Sabrina." halos pabulong nasabi niya sa akin.

I smiled and gave him a quick kiss on his lips. "I love you too, hun."

"Thank you." he paused and look to his wrist watch. "I have to go now." Pagpapaalam niya sa akin. Tumango naman ako.

Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa kanyang sasakyan. Muli siyang kumaway sa akin bago siya pumasok sa loob.

Sa pagpasok ko sa loob ng bahay. Naabotan ko si mama sa papalabas sa kwarto namin ni Sabrina.

"Tulog na ba siya, ma?" Tanong ko kay mama.

Umiling siya sa akin. "Ayon gising pa rin. Sa palagay ko ay nais ka niyang makausap."

Tumango naman ako kay mama bago pumasok sa aminf silid.

Agad namang napatingin sa gawi ko si Sabrina. "Mama" tawag niya sa akin.

Dinalohan ko naman siya sa kama. "Oh anak, bakit gising ka pa?"

"Mama, hindi po ako makatulog." Pag aamin ng anak ko.

Hinaplos ko nang marahan ang kanyang mahabang buhok. "Bakit naman hindi ka makatulog mahal ko?"

Imbes na sagotin ako, isang tanong naman ang isinagot niya sa akin. "Mama, nasan na po iyong picture ng papa ko?"

Inasahan ko na mula sa kanya ang tanong na iyon. "Itinago ko na, bakit?"

Bumango mula sa kanyang pagkakahiga ang aking anak. "Mama, gusto ko po sana ulit makita ang mukha ni papa. Kamukha niya po kasi iyong lalaking kasama nina tita Adee kanina at tito Lorenzo. Nakalimutan ko lang kasi ang pangalan ni papa. Ano nga po iyon?"

Sandali akong natigilan. Akala ko kanina ay tapos na ako sa ganitong sitwasyon kay Louie. Nasa kalagitnaan ako ng pagdedesisyon kung sasabihin ko na ba sa anak ko ang totoo o hindi nang marining namin ang pag tunog ng cellphone ko.

"Sandali baby, sasagotin lang ni mommy itong tawag."

Nang tignan ko si Maricris iyon. Ang ninang ni Sabrina. Agad ko itong sinagot.

"Hello, marsh, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Marsh, nadisturbo ba kita?"

"Hindi naman."

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now