Chapter Eleven

219 17 2
                                        

One day ealier...

Trey

Bago ako umuwi tinanong ko muna si Freyah kung pwede ko bang dalawin ulit si Sabrina. Pumayag naman siya kaya naman nagmadali din akong pumunta doon. I was expecting her to be in there dahil tapos na din naman ang oras ng trabaho niya. Since kahapon ay di kami nagkita dahil ayon kay Tita Beng ay nag overtime daw ito. Sa katunayan ay dinalhan ko pa siya ng bulaklak para sana peace offering sa ginawa kong problema sa kanilang dalawa ni Louie pero kagaya ng nakaraang araw ay wala na naman siya. Pakiramdam ko tuloy ay iniiwasan niya ako.

"Good evening, tita!" bati ko kay Tita Beng. "Magandang gabi naman sayo, Trey. Wala si Freyah ngayon. Doon siya dumiretsyo kina Gabbie may gagawin pa daw sila." Imporma sa akin ni Tita Beng. Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko. Dumako naman ang tingin ni Tita sa dala kong bulaklak.

"Ahmm... Para po sa inyo." Awkward na napangiti naman ako sa kanya. "Salamat, Hijo." Nakangiting tugon naman nito saka tinanggap ang bulaklak na alam niya din naming para sana kay Freyah.

"Papa Trey!" Pareho kaming napalingon kay Sabrina na kalalabas pa lamang galling sa silid nito. Tumakbo ito papalapit sa akin. Tinapik naman ako sa balikat ni Tita Beng bago pumasok sa kusina.

Agad ko namang binuhat ang anak ko. "How was your day, sweetheart?" I asked her smiling. "Okay naman po, Papa. May ginawa po kaming drawing activity sa school kaya nga lang po andun pa kay teacher." Kwento nito sa akin.

Pagkalabas naman ni Tita Beng mula sa kusina ay may dala na itong pangmeryenda sa amin.

"Hindi pa nag meryenda ang batang yan. Talagang hinantay ka niya para daw sabay kayo." Sabi niya sa akin.

Hinarap ko naman si Sabrina. "Totoo ba yun anak?" Humagikgik naman ito.

Muli ay iniwan kami ni Tita Beng dalawa. Inilabas naman ni Sabrina ang laruang clay nito saka naghulma ng mga pagkain, prutas at kung anu-ano pang klase ng bagay. I suddenly remember Trish with her. Madalas ay ganito rin ang pinaglalaruan ni Trish noon. Kaya naman ay naupo ako sa tabi ng anak ko saka nag simulang maghulma din ng prutas.

"Papa, alam niyo din po ito?" Natatawang tanong nito sa akin. "Oo naman, anak. Nilalaro din ito noon ng tita Trish mo." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Tita Trish po?" Tinignan niya ako na para bang nagtataka. "Sino po yun?" Dagdag na tanong pa niya.

Mahina akong natawa. "Tita Trish is my sister." I answered her while messing her hair. "May kapatid po kayo, papa? Asan na po siya ngayon? Bakit hindi po kayo magkasama?" Sunod sunod na tanong niya sa akin. "You'll meet her soon, anak." Sagot ko sa kanya.

Mukhang na excite naman siyang makilala ang Tita niya kaya panay ang tanong nito tungkol dito. May mga bagay bagay din siyang nagbabanggit tungkol sa sarili niya na may pagkakahalintulad kay Trish noon. Maya-maya pa ay nabanggit din niya si Louie.

"Papa, diba sabi mo sa akin magkaibigan kayong dalawa ng Papa Louie ko?" Natigilan naman ako sa ginagawa. Samantalang focus na focus pa rin siya sa clay na hinuhulma.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Bakit anak?"

"Pwede niyo po ba siyang tanongin kung kelan niya po ako bibisitahin dito? Kasi matagal na po kasi siyang hindi nakakabisita dito. Namimiss ko na po siya eh." Mahinang sabi niya sa akin. Sakto naman ang paglabas ni Tita Beng sa kusina kaya narinig din niya ang sinabi ng apo.

"Apo... Hindi ba sabi ng mama mo. Marami pang tinatapos na trabaho ang papa Louie mo?"

"Pero, lola. Gaano po ba karami ang ginagawa ni Papa Louie at hindi pa rin niya natatapos yun hanggang ngayon? Hindi niya po ba ako namimiss? Hindi niya po ba kami na mimiss ni Mama."

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now