Chapter Four

348 20 6
                                    

"Mama!" Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin mula sa aking anak. Sobrang sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing sinasalubong niya ako ng yakap galing sa trabaho.

Bumitaw siya sa akin para mahalikan ako sa pisngi. "Mama, si tita Adee po dumaan dito kanina."

Hila-hila ako sa kamay ni Sabrina habang papasok kaming dalawa sa bago naming nilipatang bahay.

Mula kasi nang bumalik ako galing Russia ay agad akong nagpatulong kay Louie para mabilis na makalipat ng bahay.

I know sooner or later mahahanap din kami ni Trey. Pero bago man mangyari yun sisiguradohin kong handa na ang sarili ko.

"Nasabi nga ng tita mo na nakauwi na siya at dumaan na rin siya dito. Did she bring something for you, anak?"

Nang makarating kami sa salas ay agad kong inilapag ang bag ko sa may upuan. Sakto naman ang paglabas ni mama mula sa kusina. Halatang katatapos niya lang maghugas ng plato.

Maliit lang ang bagong bahay na nilipatan namin pero sakto lang iyon para sa aming tatlo.

"Oh, anak andyan kana pala"

Nagmano ako kay mama. "Oo ma, dumaan daw dito ang tita Adee niya?"

"Ah oo. Ito ngat katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin. May natira pa doon sa lamesa."

Maya-maya ay naramdaman ko ang paghila ni Sabrina sa akin damit. Yumuko ako para salubongin ang kanyang tingin. May hawak na itong kahon.

"Mama, binigyan po ako ni tita Adee ng mga colors." Ipinakita niya iyon sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya saka hinaplos ang kanyang buhok. "Sige anak, mamaya mag cocolor tayo."

"Yehey! Sige po mama! Sandali po at ilalabas ko muna iyong coloring book ko."

Nagmadaling umalis si Sabrina papasok sa kanyang silid. Naiwan kaming dalawa ni mama habang nakatingin sa kanya.

"Wala ka ba talagang balak magpakita pa ulit kay Trey, anak, paano si Sabrina?"

Napalingon ako kay mama dahil sa sinabi niya. Mama doesn't hate Trey for leaving me. Kahit papaano kasi naging malapit din silang dalawa sa isa't isa. Simula kasi nang ipakilala ko noon si Trey kay mama ay ginawa niya talaga ang lahat para makuha ang loob nito.

At talaga ngang nagtagumpay siya. Madali niyang nakuha ang loob ni mama. Wala na kasing mga magulang si Trey. Sabi niya noon he missed to have a mother figure beside him. Kaya naman sobrang sweet niya pagdating kay mama.

Mama on the other hand see him as her son already. Kaya naman nung sinabi ko sa kanya na naghiwalay na kami ni Trey dahil mas pinili nito ang kanyang trabaho. Hindi siya nagalit kay Trey.

She comfort me especially in my worst moment without saying any bad things about Trey.

"Hindi ko pa alam ma, parang masyado pang bata si Sabrina para ipaunawa ko sa kanya ang mga bagay bagay. Isa pa. Iniisip ko din ang mararamdaman ni Louie. He loves my child so much like his own. Hindi ko alam ang magiging reaksyon na oras na malaman niyang si Trey ang ama ng anak ko."

Napabuntong hininga na lamang si mama. "Basta anak. Lagi mong tatandaan. Na andito lang ako para sa inyong dalawa ng apo ko."

Ngumiti ako kay mama. Napakaswerte ko talaga dahil siya ang naging mama ko.

Ilang sandali lang ay nagpaalam muna ako saglit kay mama para makapagpalit ng damit.

Nasa pintuan na ako nang mapansin kong nakaupo sa sahig si Sabrina para bang may tinitignan. Katabi niya ang isang karton na nakabukas. Nagkalat sa tabi nito ang mga pamilyar na bagay sa akin.

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now