f o u r

7 1 5
                                    

Zora

It's breaktime pero hindi ko feel lumabas ng classroom. I feel so unsafe.

"I know you're not doing okay so dinalhan nalang kita ng snacks to munch on." Sabi ni Giselle bago ilapag ang chips na binili niya.

"Thank you." Sabi ko. Hindi parin ako makapaniwala na ginawa niya sakin yun. The fact that he also said na sexually attracted siya sakin? Yun lang ba talaga ako para sakanya?

"Zora, tawag ka nanaman sa office." Sabi ng president namin.

"Do you want me to come with you?" Sabi ni Giselle. Tumango nalang ako.

Lumingon ako sa parking lot habang papunta kami ng office. Wala na yung kotse niya.

"Dito lang ako. I'll wait til' you're done." Sabi ni Giselle. Pumasok ako ng office.

"Zora Harriet Quizon." The principal said as soon as i got in. Tumayo lang ako sa harap niya.

"You've been messing with my son's life, correct?"

So that's what he said...

"Yes." Sabi ko, eventhough i know na hindi ako gumulo sa buhay niya.

"I did my best to not meddle with my son's personal life but seeing him today, he looked so wasted. I knew for a fact that you're involved in it."

Marami akong gustong sabihin, simula't sapul sa ginagawa ng anak niya, but i kept my mouth shut.

"So i've decided to kick you out of this campus." She said. Tinitigan ko siya.

Are you fucking serious?

"Your future's gone, Zora. You ruined it for yourself."

"Your son did. And please don't tell me that you're being a mother to him because never in my life i've seen a mother tolerate her son's bad deeds." Sabi ko sakanya.

"Thank you for your time." Dagdag ko bago ako umalis ng office. My emotions are mixed.

I'm done with life. I don't know what to do anymore.

"Zora! Wait lang!" I never realized i was walking way too fast. Nilingon ko si Giselle.

"How'd it go? Anong sabi?"

"I'm leaving today." Sabi ko sakanya.

"Wait— what?" Hindi ko na inexplain sakanya ang detalye dahil alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko. As soon as i got inside the classroom, kinuha ko na ang mga gamit ko and left the campus. 

Agad akong nagimpake pagdating ko sa bahay ni Giselle. I left her a little note saying that i appreciated her thoughtfulness. Pumunta ako sa malapit na playground. I guess spending the night here won't be as bad. I was rummaging through my bag nang may nalaglag na papel mula sa loob nito. I picked it up and saw that it was the calling card.

This is my last choice.

"Thank you talaga Mr. Kim for letting me spend the night here. Nakaabala pa ata ako sa asawa ninyo." I said.

"Don't mention it. We're here to help you. Also, gusto ka rin marinig ng anak kong kumanta." Mr. Kim said.

"I told her what you do in our gigs. She was there one time and asked me about the singer." Dagdag niya.

"Hi ate!" Bati sakin ng anak ni Mr. Kim. Agad itong tumabi sakin.

"My name's Olivia! When i heard you sing the first time, i thought i was in heaven." Sabi niya sakin. She's a teenager na mukhang maraming pangarap sa buhay. I wish i was back in my teenage years.

"Thank you. But you don't have to describe it in that way." I giggled.

"I also wanted to be a singer. Gusto ko nga din sana sumali sa gig ni dad pero ayaw niya daw." She said as she looked at her father and stuck a tongue out at him.

"You're too young for gigs, Olivia." Sabi naman ng mom niya.

"I'm 17. I'm pretty sure i can work." Sabi naman niya. Tumawa lang ako sa nawiwitness ko. They look like a healthy family. How i wish my parents are still here.

"Let's eat dinner. Zora, sabayan mo na kami." Sabi ni Mrs. Kim. Tinulungan ko siyang maghain ng mga plato.

"Pasensya na po talaga Mrs. Kim. Nakaabala pa po ako."

"Wag mo nang isipin, Zora. Malapit ka sa asawa ko kaya parang anak na rin ang turing namin sayo." Sabi niya. I feel grateful.

"Ready ka na ba para bukas?" Tanong ni Mr. Kim. I nodded.

"Goodluck, ate! Isa sila sa pinakasikat na debuters for band. And pag naging sikat kayo, maipagmamayabang ko sa mga kaibigan ko na nameet ko ang main vocalist!" Sabi ni Olivia. Natawa kaming lahat.

Pagtapos namin kumain ay agad na akong natulog para magising ako ng maaga bukas.

Lord, sana eto na po yung tamang choice.

"Mamaya nalang po!" Sabi ko paglabas ko ng gate ng bahay nila Mr. Kim.

"Goodluck, ate!!"

"Goodluck, Zora."

"Kaya mo yan, Zora!"

I waved them goodbye bago ako tuluyang umalis ng gate nila. I was walking down the road nang may nagsisigawang mga babae sa street.

"Huh?" Agad kong tiningnan kung sino yung tinitilian nila. There's a man, about 6 foot tall, wearing a cap and a black hoodie. Tumatakbo ito papalapit sakin. Bago pa ako pumunta sa tabi ay nabangga ako nito.

"Ah!"

"Fuck!"

Natumba kaming dalawa dahilan ng pagtigil ng mga tili.

"Auh, fuck." Singhal ko. Hinawakan ko yung ulo kong sumasakit.

"Miss, sa susunod tumabi ka na agad pag alam mong mabilis tumakbo yung papalapit sayo." Sabi niya habang pinapagpag ang sarili pagkatapos nitong tumayo.

"Eh, tangina mo pala eh. Kung ikaw kaya huminay sa kakatakbo. Kala mo kung sino." Sabi ko bago ako makatayo. Hinawakan ko ulit ang ulo ko. Hindi ko naaninag ang mukha niya dahil pinagpatuloy niya na ang pagtakbo niya. Hinabol ulit siya ng mga babae.

"Psh, tangina non ah." Sabi ko sa sarili ko. Siguro may ninakaw yung hayop na yon kaya siya hinahabol. Ilang lakad nalang ay nakarating na din ako sa Changyeon Agency.

"Wow. Ang laki pala neto." Sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko ay agad na akong pumunta sa front desk.

"Hi, how may i help you?"

"Uhm i'm here to meet the CEO." Sabi ko.

"Name please?"

"Zora Harriet Quizon." I said. Tinype niya ito sa computer. She smiled.

"This way please." Sabi niya tsaka naglakad papunta sa office ng CEO. Kumatok siya sa pintuan.

"Come in." Rinig naming dalawa mula sa office. Sinenyasan niya na akong pumasok. Nagbow ako bago pumasok ng office.

"Zora Harriet Quizon?"

"Yes, ma'am." Hinarap niya sakin ang swivel chair niya. Nagulat ako sa kagandahan ng CEO. She's probably in her 30's but she's really gorgeous.

"Happy to meet you! I heard you sing and you actually have good ratings during your gig years."

Good ratings? I never knew.

"We have rules and requirements in this agency. And i want you to meet those rules and requirements in a proper way." She handed me a sheet of paper. I signed it right away pagkatapos kong basahin lahat ng requirements and rules.

"Zora, Welcome to Changyeon Agency."

And just like that, i'm in an actual band.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon