s e v e n

6 2 8
                                    

Zora

I woke up at 7 a.m. We don't really have anything to do today since the schedule for today only says band practice at 6 p.m. Either way, i'm going out to meet Giselle. I don't wanna be trapped in this house with that rude bastard.

"Hmm. What should i wear..."

"I think you should wear something simple."

Napatalon ako sa nagsalita.

"When the fuck did you get here?" Tanong ko kay Elijah na nakasandal sa pintuan ko.

"Uhm, like 10 seconds ago. I don't really think you need to wear something fancy." Sabi niya. And what does he know about fashion?

"Who told you i'm dressing up fancy today? I have no fancy clothes." Sabi ko sakanya.

"Anything that you wear will suit a pretty girl like you." Sabi niya then left the room. And what was that for? Napairap nalang ako.

"Tch. Weird." Sabi ko nalang sa sarili ko.

Pagkatapos kong maligo ay agad ko nang pinatuyo ang buhok ko. I left the house with no notes whatsoever. I don't think you have to anyways.

*Giselle is calling..*

"Hello?? Mhm malapit na ako. Yeah sige bye." Pagbaba ko ng call ay nakita ko si Giselle sa di kalayuan.

"Giselle!" I yelled from afar. She waved.

"Girl, namiss kita. Ang empty ng class pag wala ka. Namimiss ka din nila. They're even wondering what happened to you. They asked me but i never told them." Sabi niya.

"Sorry if i left your place without saying proper goodbye but, guess what?"

"What?"

"I got in a band! We'll debut in about a month." Excited kong sabi. Her eyes were filled with joy.

"I'm proud of you! Sabi ko na nga ba matapang ka talaga. Di ka talaga nagpapatalo!"

"Pch. For a dude like Dalton? Never akong magpapatalo. My feelings may be ruined but my whole persona will never be destroyed. He ain't shit anyways." Sabi ko sakanya. Pumunta kami sa 7/11 to buy some snacks to eat. We decided to eat where we had picnic before.

"Check ko lang kung nandun padin yung kaibigan ko." Sabi ko sakanya.

"Huh?"

"Yung pato." Sabi ko sakanya.

"Ah." Natatawa tawa niyang sabi. I took out one piece of bread. Maraming pato ang lumapit sakin pero agad din silang umalis. But one stayed.

"Is it youuu~" i sang. Lumapit ito lalo sakin. It went into my lap and stayed there.

"Well i guess you found your friend." Sabi ni Giselle. I was happy i feel like taking it home.

"Iuwi ko kaya to'?" I said.

"Not in the band house. Baka mamaya hindi pala nila gusto." Sabi niya sakin. I told her the whole story. She said i was lucky. I think i was not.

"Wag nalang pala. Baka lutuin nila." Sabi ko. We stayed for a bit til lunch time. Ang sarap ng hangin. I've never been this free for the past couple of years.

Simula nung nawala parents ko.

Flashback...

"Zora! Anak! Alis muna kami! Baka ma late kami ng uwi ng papa mo ha?" Sabi ni mama bago ako pumunta ng school.

"Opo, ma. Ingat kayo." Sabi ko sakanila.

"Zorinna, di pa tayo nakakabayad ng renta..." agad na tinapakan ni mama si papa sa paa.

"Wag mong sabihin sa harap ni Zora." Kahit nagbubulungan ay narinig ko parin sila.

I should not be worried right?

"Zora, nak. Mahal ka namin ha? Gagawin namin lahat para gumanda ang buhay mo." Sabi ni papa sakin. Natawa ako pero pinagpapawisan ako.

"Tsh. Wag nga po kayo magsalita na para bang hindi na kayo babalik. Sige na po mamaya nalang po!" Sabi ko sakanila. Niyakap ko sila ng mahigpit bago ako tuluyang umalis ng bahay.

"Ma? Pa?"

"Hello?"

Kanina pa ako hindi sinasagot nina mama at papa. Hindi parin ba sila nakabayad ng renta? Baka nagtatrabaho pa yung mga yon para makabayad. Ang tagal naman nilang umuwi...

Nilapag ko ang bag ko sa kama ko. I was scrolling down through my phone when i saw a familiar car in the news.

*Headline : Fatal Car Crash located in the City of Seoul*

Nabitawan ko ang phone ko. No... This can't be happening right now. Agad akong naglagay ng jacket para pumunta sa lugar kung saan nangyari ang aksidente. Pagdating ko don ay agad na bumagsak ang buong katawan ko.

"Miss, you can't be here."

"Th-that's my parents. Please let me see them, sir." Sabi ko. They didn't take me in the scene but they took me in the morgue instead.

"No. No. Lord, this can't be true." Sabi ko pagkatapos kong makapasok ng morgue.

*Zorinna Quizon, 45*

*Harrison Quizon, 48*

"Bakit niyo ako iniwan?! Bakit? Bakit!" Sigaw ko habang yakap ang dalawang katawan ng pinakamamahal kong magulang.

"Pano na ako? Pano na yung pinaghirapan niyong bahay? Paano na yung pagaaral ko? Bakit ang aga. Bakit s-sobrang aga.." humagulgol ako ng di oras. Hindi ko kayang magisa toh. Ayokong mabuhay ng magisa.

"Sabi niyo babalik kayo diba? Sabi niyo gagawin niyo ang lahat para maganda kinabukasan ko diba? Gising na kayo ma, pa."

Everything was unexpected. I have no answers. Did they do this on purpose? Nahihirapan na ba sila kaya tinapos nalang nila buhay nila?

Iniisip ba nila ako nang mangyari toh sakanila?

Ang dami kong tanong na alam kong walang sagot. I've decided to cremate them para madala ko sila kung saan saan. Naglalakad na ako pauwi nang napansin kong may sumusunod na kotse sakin. Binilisan ko ang paglakad ko. Nang makapasok ako ng bahay ay agad akong umupo sa hapagkainan. Nagluto ako ng hapunan. Hindi para sa isang tao, pero para sa tatlo. Naghain ako ng tatlong plato. Nilagyan ko ng pagkain ang tatlong yon. Hindi ko lubusang maisip na magisa lang akong kakain ngayong gabi. At siguro, araw araw narin.

Hindi ko mapigilang umiyak. Kahit hindi kami ganun kayaman, nagpapasalamat parin ako dahil pinalaki nila ako ng tama. Matapos kong kumain ay nilagay ko na lahat ng plato sa hugasan.

Umupo ako sa sofa. Binuksan ko ang TV para may konting ingay. Nakatitig lang ako sa TV nang may nakita akong anino mula sa front door namin. Akala ko ay pusa lang ito kaya hinayaan ko nalang. Umiiyak nanaman ako dahil hindi ko parin matanggap na wala na sila.

"Are you okay?" Napatalon ako sa nagsalita.

"S-sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko. Kukuha na sana ako ng kutsilyo nang hawakan nito ang mga kamay ko.

"You left your door open. I saw you walking in the streets. Wala ka sa pagiisip mo so i thought maybe you were thinking about suicide." Sabi niya.

"And? So? Alam mo ba pinagdadaanan ko? Sino ka para sabihin yun sakin?" Singhal ko.

"Look, miss i'm trying to help you here. Where are your parents?" And there, i cried again. Bumagsak nanaman ang buong katawan ko. Niyakap niya ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinulak papalayo sakin. I just needed a hug from someone else. I need comfort.

"I hate being alone." I whispered.

"You're not." Sabi niya. He took me to bed. Inalagaan niya ako buong magdamag.

And there, i met him.

"I'm Dalton."

End of flashback...

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon