s i x t e e n

7 2 5
                                    

Zora

"Was it really for the fans? Or was it for Everest?"

Tiningnan ako bigla ni Kenji. Hindi ko alam kung anong klaseng expression ang nakapinta sa mukha niya ngayon. 

"What do you mean?" he asked.

"The band name." tipid kong sabi. 

"It's none of your business." sabi niya pabalik. Tumayo siya ng maigi. 

"Just return the jacket to me when you feel like it." sabi niya bago maglakad palayo but as soon as he was about to reach the door, agad kong tinapon yung jacket sa mga kamay niya.

"I don't fucking need it." inis kong sabi. I feel defeated. Mas masakit pa tong nararamdaman ko kesa sa larong naitalo ko kanina. Hindi ko namalayang umiiyak nanaman ako. 

"Suck it up, Zora. Don't be such a coward." bulong ko sa sarili ko bago ako tuluyang makapasok ng kwarto ko.

Kenji

I was watching Zora leave bago niya tinapon sakin yung jacket ko. I hate reading people's feelings so i really don't know what she feels. But i know for the fact that if i keep on doing this, she'll eventually leave the band. I have to keep doing it. It's for her own good. Pumasok na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Bigla akong nakareceive ng text galing kay Everest. 

Everest: Kenji. I need you right now.

Agad akong nagmadaling umalis ng bahay as soon as i saw her text. Tumakbo na ako papunta sa hospital na tinutuluyan niya. Pagpasok ko ng kwarto niya ay agad ko siyang niyakap nang makita ko siyang umiiyak. 

"What's wrong?" I asked. 

"Hindi ba ako kamahal mahal na tao? Elijah blocked me from everything." mangiyak-ngiyak niyang sinabi. Kumulo bigla yung dugo ko.

"Are you still texting that bastard? Everest, kamahal mahal kang tao. You deserve so much better than him." sabi ko sakanya. Di bale nang masaktan ako dahil may mahal siyang iba. Mas nasasaktan akong umiiyak siya para sa maling tao. 

"Pero mahal ko siya, Kenji. I fell for him too hard." sabi niya sakin. 

"Instead of worrying about him, worry about your health first." i said. Hindi ito maganda para sa kundisyon niya. 

After a few minutes, nilapag ko na siya sa kama niya dahil nakatulog siya bigla. I started stroking her hair habang pinagmamasdan ang malaanghel niyang mukha. What can i do for you to stop you from hurting? I stayed there for awhile at pagkatpos ng ilang oras ay umuwi na rin ako sa band house. Paguwi ko ay nadatnan ko si Zora sa may balcony. Papasok na sana ako ng kwarto nang marinig ko ang paghagulgol niya. I secretly watched her from afar. 

"Ayoko na ma, pa. Sana sumama nalang ako sainyo. Nahihirapan na ako. Palagi nalang ako yung natatalo. Palagi nalang ako yung sawi. Mahirap na araw araw kelangan kong ngumiti kahit nasasaktan na ako ng sobra. Mahirap na kelangan kasiyahan parin ng iba yung iniisip ko kesa sa sarili kong kasiyahan. Kung pwede lang..." Tumingin ako sa direksyon niya nang napansin kong hindi na siya nagsasalita. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa yung buong pagkatao ko. 

Fuck.

Agad akong tumakbo para alisin siya sa balcony railing. Dahil sa lakas ng pagkakahila ko ay parehas kaming natumba sa sahig. Hindi parin siya tumigil sa kakaiyak. Kahit nakahiga ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. This is what happened to her when she was having dreams about her parents. She's broke down that time kaya niyakap ko siya nung gabing yon. But i've never seen her break down like this. Ang masama pa, gising siya. She tried to kill herself tonight. Maraming what ifs na pumasok sa isip ko. What if i was not here in the right time? 

Nang naramdaman kong nakatulog na siya ay agad ko siyang binuhat papunta sa kwarto niya. I tucked her in under her blanket. Pagkatapos non ay nagmadali akong pumunta sa bahay ni Director Chang. 

"Open the fucking door!" i yelled as soon as i reached her house. Bigla namang binuksan ni Director Chang ang pintuan niya.

"What are you doing at this time, Kenji?" nagaalala niyang tanong. Hinila ko siya sa sala.

"Out of all people WHY HER?!" i asked. 

"I don't know what you mean..." 

"BAKIT YUNG ANAK PA NG BINANGGA MO?!" as soon as i said that she looked guilty. 

"Mom- no scratch that. I can't even call you mom at this point." sabi ko sakanya.

"Kenji, please listen. I only did that because i wanted to pay for what i've done wrong." naiiyak niyang sabi. I looked at her in disbelief. 

"Hindi mo mababayaran ang buhay ng magulang ng isang tao. You did this to Everest too! Dahil kasama parents niya sa mga nabangga mo 3 fucking years ago!"

Flashback...

"Mom! You're drunk. Let me drive. Please!" pagmamakaawa ko kay mom. 

"Your dad is an asshole. He left me for that slut looking woman!" 

I can't control her. She's overspeeding. Before i could speak, naramdaman ko bigla yung impact ng banggaan. For some reason, we were lucky enough to survive this accident but mom's left cheek was bleeding. I opened my eyes to see what was happening. There were two cars infront of us, completely destroyed. May mga pulis na din sa scene. All of a sudden, I saw Everest walking with her grandparents. She was crying. As her classmate and bandmate, pupuntahan ko na sana siya nang may nahagilap akong babae na nagmamakaawa sa mga pulis para makalapit sa isang kotse. For some reason i stayed there, watching her. Tumayo siya bigla at nagsimulang sumama sa mga pulis papunta sa direksyon ng morgue. Lumabas ako agad ng kotse.

"Sir, please stay. Baka may injuries ka-"

"I'm completely fine. Just take care of my mother. She's the one who got hurt." sabi ko. Agad kong sinundan yung babae at mga pulis na sumama sakanya. Pagtapos nilang ihatid yung babae sa morgue ay iniwan na nila ito para asikasuhin yung scene. I secretly peeked through the door. Umiiyak siyang magisa. Ni isa sa mga pamilya niya walang pumunta. She spent hours and hours of crying. 

"Excuse me." sabi nung babaeng may ari ng cremating office. Pinuntahan niya yung babae para pagusapan ang pagaasikaso sa bangkay ng mga magulang niya. Nang sa tingin ko ay maaasikaso na siya ay umuwi nalang ako sa bahay. 

End of flashback...

It just came to me na hindi ko inaakalang magkikita ulit kami ni Zora. After that incident, I tried to look for her but i can't seem to know where she's at. Ngayon na nagkita na kami, sa maling oras at sa maling lugar pa.

"I can't believe you. I was trying so fucking hard to keep Everest away from you. Now i have to do it for Zora as well. Hindi mo alam kung gaano nawasak ang puso ko na yung sarili kong ina ang nakapatay sa mga magulang ng mga babaeng inosente." i started to feel tears running down from my eyes. 

"Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi na bakit hindi nalang tayong dalawa yung namatay. Now Zora is all alone! She's suffering for 3 years and up until now those memories still haunt her! Mabuti sana kung may kasama siya katulad ni Everest na may mga grandparents at iba pang pamilya. Pero wala kang tinira kay Zora!" tuloy tuloy kong sabi. 

"Do you love her?" tanong niya bigla. I looked at her with disgust.

"No. Pero may awa parin na natitira sa sistema ko." sabi ko sakanya.

"Pagisipan mo ng mabuti toh, Director Chang. I'm leaving."  i said before walking out of this house. 

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon