s e v e n t e e n

6 2 0
                                    

Zora

Nagising ako bigla dahil pinagpapawisan ako. Kukuha na sana ako ng tubig nang mapansin ko si Kenji na natutulog sa gilid ng kama ko. 

Why is he here? 

Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. I knew for sure na si Kenji yung nanligtas sakin. But why would he do that if he wants me out of this place anyway? Dahandahan kong inalis yung kumot ko para hindi ko mastorbo si Kenji pero sa laking gulat ko ay hinawakan nia yung kamay ko. Tiningnan ko siya.

"I'm sorry. Patawarin mo ako." sabi niya habang nakapikit parin ang mga mata niya. Is he dreaming? Hinawakan ng isa kong kamay ang kamay niyang nakahawak sa isa ko pang kamay. 

"You're forgiven." sabi ko sakanya. Naalala ko yung sinabi ni Papa sakin. Kapag may taong nananaginip at nagsasalita, kausapin mo ito para alam niyang hindi siya nagiisa. In that way, paggising nung taong yun ay nawala na kahit papano yung bigat na nararamdaman niya. Kung sino man tinutukoy mo sa panaginip mo Kenji, malamang napatawad ka na niya. 

Ngayon ko lang din napagtanto na kahit nakakainis yung ugali ni Kenji ay may natitira paring kabaitan sakanya. If you continue to do this to me, i might fall more for you. Pinagmasdan ko ang mukha niya. He looks so peaceful. Pinaglaruan ko ng konti yung buhok niya. Napangiti naman ako ng di oras. I wonder if he told the others what happened last night. Biglang lumipad si Haru sa tabi namin ni Kenji. Sumiksik ito sa natutulog na Kenji. I gave Haru a pat on the back. Nagsimula nanaman akong magisip. Why is he doing this exactly? Is this a part of his plan? Alam kaya ni Kenji na may gusto ako sakanya? Alam kaya niya na kapag nainlove ako mapipilitan akong umalis? Maybe it was. But i need to make sure. Hindi na ako kumuha ng tubig. Bumalik ako sa pagkakahiga ko para makatulog ulit. 


Elijah

Hindi ako mapakali sa kama ko. A part of me wants to see Zora but, a part of me wants to let her be. Gusto ko siyang makasama araw araw. I don't know this type of feeling and if i really don't then that means something. I've never been like this to any other girls. I've never asked for someone's attention. Pero parang gusto ko nalang palagi yung attention ni Zora. 

What's wrong with me?

"Putangina naman." bulong ko sa sarili ko nang marealize ko na unti unti na akong nahuhulog para kay Zora. The first time i saw her made me speechless. She's the most beautiful person i've ever seen. She's easy to read sometimes pero most of the time pilit niyang tinatago ang totoo niyang nararamdaman. 

Tumayo ako sa pagkakahiga ko para pumunta sa kwarto ni Zora. While i was walking towards her room, napansin kong nakabukas ng konti yung pintuan niya. Agad kong tiningnan kung ano ang ginagawa niya but to my dismay, natutulog si Zora habang si Kenji naman ay natutulog sa gilid ng kama niya. Paalis na sana ako nang mahagilap ng mga mata ko na magkapatong ang mga kamay nila. I clenched my fists. 

Umalis nalang ako para pumunta sa kwarto ko. I need to worry about my drum skills instead of worrying about this stupid feelings. 


Noah

Tahimik akong nagbabasa ng libro nang marinig ko ang kalabog ng pintuan ni Elijah. Agad ko naman itong sinilip. 

"Anong problema nun?" tanong ko sa sarili ko bago ako bumalik sa pagkakabasa ng libro ko. Elijah's actions made me curious. Ever since Zora came here, hindi niya na alam kung paano siya mag-act. Hindi ko narin siya nakikitang may kausap na mga babae halos araw araw. I went to see how Zora is doing pero sa laking gulat ko ay nakahiga siya sa kama niya na natutulog habang si Kenji naman ay tulog din sa gilid ng kama niya. Napansin ko din na magkapatong ang kamay nila. Napalingon naman ako sa pintuan ni Elijah. 

Love triangle but, each person does not receive the same amount of love from someone that they actually like. Let's make it a love square since Everest is included in the cycle. 

What type of unrequited love bullshit is this?

Napailing nalang ako sa naisip ko. I just hope in the end, walang masaktan ni isa sakanila. Nakita ako ni Haru nang magising din ito mula sa pagkakatulog niya. Agad na lumipad si Haru sakin. I've decided to take the duck at the garden para hindi ko maistorbo sila Zora at Kenji. 

"Haru, mahal mo rin ba si Zora?" tanong ko dito.

"Quack quack!" sagot nito pabalik. Napangiti ako. 

"Bantayan mo yun ah. Mahirap na kasi na baka masaktan nanaman siya. Feeling ko nga tayong dalawa lang din nagkakaintindihan dito eh." i said. Haru flapped its wings. I felt happy seeing him enjoying the little pond. Iniwan ko muna si Haru dun para kumuha ng tinapay na ipapakain sakanya. Agad naman itong sumunod sakin papunta sa kusina. 

"Alam mo ata na kukuha ako ng tinapay ah." sbi ko.

"Quack." 

Nilapag ko si Haru sa kitchen counter para pakainin ng tinapay. I made one for myself too para masabayan ko siya. After that, Haru and I have decided to cook something for the members. 

"I guess we're incharge for now, right?" 

"Quack."

Nilabas ko na yung mga ingredients para sa chicken curry na lulutuin namin ni Haru. Nagsimula na akong maghiwa ng patatas at bell pepper. I put the potatoes and peppers inside the pot and started the process of cutting the chicken. Haru looked horrified by the sight so sinubukan ko siyang iharap sa kabilang direksyon. Natawa nalang ako sa naging reaksyon ng pato na toh. 

"You're the band's mascot now. What do you say about that?" i asked. Habang nakatalikod ay winagayway parin ni Haru ang buntot niya. He seems happy about it. 

"Hmm. Ang bango naman niyan. Ano niluluto mo?" tanong ni Elijah na kakalabas lang ng kwarto niya. 

"Chicken curry." tipid na sagot ko. Kinuha ni Elijah si Haru para dalhin sa sala. Nakafocus lang ako sa pagluluto. After an hour, naghain na ako sa table at nilagay na yung pagkain dun. 

"Gisingin mo na sila." sabi ko kay Elijah. Agad itong napatalon mula sa sofa.

"Bakit ako?! Ikaw nalang." sabi niya bago humarap sa TV ulit. Napailing ako. Pumunta ako sa kwarto ni Zora para gisingin na silang dalawa. 

"Zora, Kenji. Let's eat. I made us brunch." sabi ko sakanila. Parehas silang gumalaw sa pagkakatulog. When they realized na magkapatong ang mga kamy nila ay parehas silang namula at tumingin sa ibang direksyon. 

I chuckled at what i witnessed. Hanggang kelan ka pa ba magbubulag bulagan, Kenji? 

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon