t w o

8 2 5
                                    

Zora

"Wrap up. That was a nice gig." Sabi ng manager ng band namin para sa gig. Kinuha ko na yung mga equipment ko. Nakita kong paalis na yung manager.

"Mr. Kim!" Tawag ko sakanya. Lumingon siya sakin.

"Yes, Zora?"

"Can we talk?" Sabi ko sakanya. He gave me a confused look.

"It's about my pay..."

"Zora, we're short on salary."

"I- i know. Pero kahit for the first two weeks lang po. Habang naghahanap pa po ako ng magiging trabaho ko." Pagmamakaawa ko. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo.

Am i getting the wrong idea? I hope i am...

"I think you fit the job that I was thinking about."

"Kung stripper lang naman yung iniisip niyo—"

"Fuck no, Zora. Meron akong kakilalang manager ng band na naghahanap ng vocalist." Sabi niya sakin. I sighed in relief.

"Mr. Kim naman eh. Kung tingnan mo kasi ako mula paa hanggang ulo." Sabi ko sakanya. Tumawa siya.

"They're actually a band with agency. TV band star type. Magdedebut na sana sila in a month pero nagquit yung main vocalist nila." Sabi niya sakin. Interesting.

"If you want, i can recommend you. Para mastart mo nang magrehearse kasama yung mga band members. In that way, i'll see you on billboards and television in a month!" Excited niyang sabi. Napakamot ako ng ulo.

"In a month? Parang kulang pa ako sa practice nun." Sabi ko sakanya habang tumatawa na ninenerbyos.

"Huwag kang magalala. You'll be in good hands." Sabi niya. "So ano? Game ka?" Tanong niya.

"Uh—"

"If you're not sure, i'll give you their calling card. Ikaw kumausap once i recommend you." Sabi niya sakin. Inabot niya sakin yung calling card.

"Changyeon Agency?" Tumango si Mr. Kim.

"Yes. One of the top sponsor agency. Marami silang sinosponsor. They sponsor modelling agencies, band agencies and more. They currently own the band na sasalihan mo. Grab the chance. I can see your potential." Tulala akong tumingin sakanya.

"You'll do great." Sabi niya. He patted my back.

"Mauuna na ako. Let me know what you think and i'll recommend you." Agad siyang umalis ng resto.

Should I?

"Zora! That's a big time agency! They released the band members last three weeks. Pero agad din nilang binawi kasi nagquit yung vocalist nila." Excited na sabi ni Giselle.

"Sure ka? Nahihirapan ako eh. Di ako mentally stable sa mga pangyayari na pinagdadaanan ko ngayon. Baka dumagdag toh." Problemado kong sabi sakanya. Ngumiwi siya.

"I'll be your number 1 fan pag nandyan ka sa band na yan." Sabi niya sakin. I'm itching to send Mr. Kim a text. Pero hindi parin buo desisyon ko.

"Pagiisipan ko." Sabi ko sakanya. She smiled.

"Sige, magluluto na ako ng hapunan. Kimchi rice and japchae?" Tanong niya.

"Tulungan na kita magprepare." Sabi ko sakanya. Pumunta na kami sa kusina.

Busy akong naghihiwa ng gulay nang may tumawag sa phone ko.

*Dalton is calling...*

I blankly stared at my phone. Should i answer or not? Tumigil kakatunog ang phone ko. 15 missed calls? 45+ messages. Tinanggal ko sa notifs ko yung messages and missed calls niya.

"Ginugulo ka parin ba niya?" Tanong ni Giselle. Pinatikim niya sakin yung kimchi rice na niluto niya. I nodded in awe.

"Hmm. Ang sarap." Sabi ko. "Oo, nagkita din kami kanina sa café. He's asking me to move in with him again." Dagdag ko. She looked at me with a questioning face.

"I said no. Tama na yung paulit ulit. Hindi na ako yung maghahabol this time." Sabi ko sakanya. She nodded slowly.

Naaalala ko nanaman yung mga oras na lagi akong nakakarinig ng ungol mula sa apartment. Most of the time pinipilit ko nalang magbulagbulagan. Akala ko iba't ibang babae yung pinapasok niya. Yun pala iisa lang at yung fianceé niya pa pala yun.

"Eto na yung pang japchae." Sabi ko sakanya habang inaabot yung ingredients sakanya. Agad niya itong pinaghalo-halo sa frying pan. Naghain na ako ng mga plato sa mesa.

"Pag sumikat ka, wag mo akong kakalimutan ah?" Sabi niya sakin. Ngumiti ako ng palihim.

"Kung sisikat." Sabi ko sakanya. Natawa kami ng konti.

"Patapos na rin toh." Sabi niya sakin. Nang matapos na siyang magluto ay agad na rin kaming kumain.

"Tumatawag nanaman ex mo." Sabi niya sakin pagupo niya sa upuan. Tinapon ko yung phone ko sa sofa. Tumawa siya sa ginawa ko.

"Bilib din ako sayo eh noh. Palaaway ka minsan sa school pero isa ka sa mga taong umiiyak ng magisa."

"Hindi ko gawaing umiyak sa harap ng maraming tao. It only means that you're letting them see your weakness. They will use that against you." Sabi ko sakanya. Tumango siya.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong humiga sa sofa. Tiningnan ko ulit yung calling card. I've heard about Changyeon agency multiple times, but i was too busy to care.

"Wag mo masyadong titigan. Tawagan mo agad. Goodnight, Zora."

"Goodnight, Giselle."

*bzzt bzzt...*

"Gising na ako. Tangina." Pinatay ko agad yung alarm ko. It's sunday.

"Goodmorning." Bati sakin ni Giselle. Tiningnan ko yung table.

"Cereals for breakfast." Sabi niya. Tumayo ako para kumain.

"Goodmorning din pala." Bati ko sakanya. Tiningnan ko ang phone ko.

65+ messages, 25 missed calls. Mabulok ka dyan.

"Hala, tinawagan pala ako ni Mr. Kim kagabi." Ani ko.

"Magdecide ka na kasi." Pilit ni Giselle.

"I still need time." Sabi ko. "Gusto mong magpicnic sa labas mamaya?" Tanong ko sakanya.

"Sure!"

"Sige, pupunta akong 7/11 para bumili ng pangpicnic natin." Sabi ko sakanya. Tumango lang siya.

I need to do things para maalis siya sa isipan ko.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon