Zora
"I introduce you, the band house." Pumasok kami sa isang malaking mansion malapit sa agency.
"B-band house?"
"Yes. You will live here with the members. Expenses are free since we sponsor the band. You don't have to worry about the food either. We have butlers who serve you food 3 times a day. Don't skip meals. Importante ang kalusugan ng mga performers." She said. She smiled at me and tapped my shoulders.
"You can move in today. If you need help, i'll ask one of my drivers to drive you from where you live para matulungan ka niya sa mga gamit mo." Sabi niya sakin. She's really kind. Her smile is just... comforting. I smiled back.
"Thank you, ma'am. I'll move in today then." Sabi ko. Tinawagan niya na ang isa sa mga drivers niya para tulungan ako sa mga gamit ko.
—
"Omg, ate na-meet mo na yung iba mong kamembers?!" Olivia asked as soon as i told them that i got the position. Umiling ako.
"I haven't. Wala sila sa band house eh."
"Wow! Ang swerte mo naman! You get to live with hot guys too!" Tiningnan ko si Olivia. Hot guys? As if.
"Ingat ka lagi. Bibisitahin ko parin naman kayo dito. Salamat talaga sa pagpapastay sakin. Pakisabi nalang kina Mr. Kim and Mrs. Kim." Sabi ko sakanya. Tumango siya.
"Sige, ate. Ingat ka dun ah. Wag kang magpapalipas!" Sabi niya. I gave her a hug. Pagtapos kong magimpake ay umalis na rin kami sa bahay na yon.
—
Pag dating namin sa band house ay dinala nila ako sa magiging kwarto ko. It's spacious. Enough to put my equipments out. It has a queen sized bed, a walk-in closet, big bathroom with shower and bathtub. If i were to rent this house, di na siguro ako nakakain dahil sa laki ng expenses nito. It's worth a million!
"Give us a call if you need anything. Here's the schedule for the whole week. After a week, you'll receive new schedules." Sabi nung secretary ng CEO. Paalis na sana siya nang bigla siyang humarap ulit sakin.
"You're pretty. Be careful with the other members." He said as he smile and walk away.
Anong ibig sabihin non?!
"Maling agency ba pinasukan ko?" I asked myself while scratching my head. Nagunpack na ako. I took all my clothes at inayos sila sa closet and drawers. Sinet up ko yung computer ko at yung iba ko pang equipments. Pagtapos non ay tiningnan ko ulit yung rules and requirements.
*Not able to have any sexual or intimate relationships with other members while inside the band house*
Okay na ako dun. Wala din naman nakasabing hindi pwedeng lumabas. So meaning pwede parin akong lumabas. Hindi pa naman nila ako kilala eh.
Umupo muna ako sa sinet up kong gaming chair. It feels good to have more space. Atleast makakagalaw na ako ng maayos. Nagstream ako ng valorant. Yes, i do stream incase sumikat ako dito sa twitch and get money from it. I have other hobbies that i could actually do para makasweldo but, i think being in a band will give me enough expenses.
"Ah! Tangina, SAGE HEAL." Sabi ko matapos akong barilin ng Sova sa kalaban. Sage healed herself instead of healing me.
"Bobo." Sabi ko sa sarili ko. I never thought of having my face in the stream so wala akong camera for it. But they can hear my voice.
Comments:
Banana_chie: omg yung sage niyo xD
Leyton02: wtf >< ang galing mo talaga reynaaa! Kaso nga lang sage niyo di ka hineal.
*harubi gave you tip*"Thank you guys." I said through the mic. Matapos naming pinanalo ang game ay naglogoff na ako to take a nap. Napagod ako kakalipat ng mga gamit. Pipikit na sana ako nang may tumatawag nanaman sa phone ko.
*Scam likely is calling...*
"Ano nanamang gusto nito." Sabi ko sa sarili bago patayin ang call. Akala ko ba titigil na yun. Napaalis niya na ako sa university. Di pa ba siya kuntento? Napairap nalang ako. Tinuloy ko na ang pagtulog ko.
—
*knock knock*
Nagising ako bigla sa kumakatok. Bumangon ako para buksan ang pinto. Nagulat ako nang may nakita akong gwapo sa harap ng pintuan ko. Agad kong sinarado ng konti yung pinto para hindi niya makita ang bagong gising kong mukha. He has green highlights in his hair. He's tall. 6 ft. Am i dreaming? He smiled at me. Tangina wag mo akong ngitian please.
"Hi, ikaw ba yung bagong vocalist namin?"
Namin? Oh.
"I'm Noah. I'm your bassist." Sabi nito. I gulped. Tama nga si Olivia. Ang hot nga ng mga members ko. Pano ako tatagal nito, Lord?
"I- uhm. Zora Harriet. Vocalist..." utal kong sabi.
"I don't bite. I'm actually here to meet you and give you your dinner." Wow dinner in bed. I spaced out for a little bago ko narealize na nakatitig ako sa dibdib niya. Fuck.
"A-aha. S-sige kukunin ko." Sabi ko bago buksan yung pintuan ng tuluyan. Kinuha ko yung tray ng pagkain.
"Wala pa yung iba eh. Pero mamaya pag nasa band room tayo makikita mo sila. May schedule ka na ba?" He asked. Tumango ako.
"Make sure to look at it. Kasi nandun yung oras kung kelan tayo magpapractice." Sabi niya. Aish. Kelangan ko na talagang tingnan yung mga papel na binigay sakin. Tumango ako. He smiled once again.
"Enjoy your dinner, Zora." Sabi niya bago tumalikod para umalis. Sinarado ko na yung pinto. Ano yon?! Grabe yung level ng kagwapuhan niya! Ganun din kaya yung ibang members? Jusko po. Nagsimula na akong kumain ng dinner. Ang sarap naman ng luto nila. Tiningnan ko ulit yung schedule. 6 p.m. band practice.
Pagtapos kong kumain ay naligo na ulit ako para magready for band practice. I put my usual clothes on. Skinny jeans and brown hoodie.
"Hah. 30 mins." Sabi ko nang tiningnan ko ang oras. It's 5:30. Kinakabahan na ako.
15 mins.
10 mins.
5 mins.
Ahhhh!!! Kaya ko toh. Go, Zora. Alalahanin mo, all good looking men ain't shit. Okay? Okay.
Hindi okay.
Naglakad na ako papunta sa band room. Pagpasok ko ay kinawayan ako agad ni Noah. Ang gwapo gwapo. I fixed my posture and waved back.
"Parating na yung drummer pero hindi namin macontact yung guitarist. He's always late sa mga practice so sana masanay ka na dun." Sabi niya sakin. Tumango ako.
"I'm here." Tumingin ako sa kakapasok lang na lalaki.
Ho-ly-shit.
Nagkatinginan kami bigla. Pumula ang tenga niya at humarap sa ibang direksyon.
"Wag mong pairalin kalandian mo, Elijah." Tatawa tawang sabi ni Noah. Lalong namula ang tenga ni Elijah.
"H-hindi ah. I hate eye contacts." Sabi niya. Tumango si Noah.
"Yeah right." Sabi nito sabay tawa ulit. Natawa nalang din ako sa reaksyon ni Elijah na namumula parin hanggang ngayon. Pagkatapos kumalma ng pamumula niya ay lumapit siya sakin.
"Hi, i'm Elijah. Drummer." Sabi niya matapos naglahad ng kamay. I took his hand. Natutunaw ako sa kagwapuhan netong mga toh. Hiyang hiya naman ako sa itsura ko.
"Zora. Vocalist." Sabi ko at nginitian siya. Namula nanaman ang tenga niya. He took his hand away at umubo ng konti. Narinig ko ang pagtawa ni Noah. Tiningnan ko siya. Sinensyasan niya akong lumapit. Nilapit ko ang ulo ko.
"Ganyan talaga yan pag nakakakita ng magaganda." Bulong ni Noah dahilan naman ng pagpula ng mukha ko.
Did he just call me Beautiful?
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
NonfiksiEverything feels like an illusion. One moment you think you are in-love, the next thing it's gone.