t h r e e

7 2 6
                                    

Zora

"Ahh!! Putangina putangina!! Giselle!!!" Sigaw ako ng sigaw dahil sa patong humahabol sakin. Si Giselle na walang tulong ay tinawanan lang ako.

"Sabi ko sayo wag mong lapitan eh!" Tatawa tawang sabi niya sakin.

"Buti pa yung pato hinahabol ak- PUTA! AHH!" Nagtitinginan na sakin yung mga taong nagpipicnic din doon.

Matapos ang dalawamput tatlong habulan ay nakakain na din ako. Nasa gilid ko yung patong humabol sakin.

"So, pati yung pato pinapakain mo na din?" Tanong sakin ni Giselle.

"Huwag kang maingay. Baka kasi habulin ulit ako pag di ko pinakain." Sabi ko habang pinapakain ng tinapay yung pato.

"Ang cute!" Sabi ko. Kinuhaan ko ito ng litrato.

"Pwede ka bang iuwi?" Tanong ko dito. Inagaw niya yung huling tinapay sa kamay ko sabay lipad sa mga kasama nito.

"Tangina. Nevermind."

"Matapos habulin, iiwan naman din pala." Sabi ni Giselle.

"Gusto mo pakainin din kita ng tinapay katulad ng pato?" Sabi ko sakanya. Inirapan ko siya. Tumawa lang siya sa inasta ko.

"Hm?! Omo... Si Dalton ba yun?" Tiningnan ko si Giselle. Tumingin agad ako sa direksyon na tinitingnan niya.

Kung minamalas ka nga naman...

"Yun ba yung fianceé niya?"

"Yeah." Sabi ko ng walang buhay. Tinuloy ko ang pag-kain ko.

"Hindi ka aalis? Hindi ka magwowalk out?" Tanong niya sakin. Tiningnan ko siya na para bang naloloka na siya.

"Sakanya ba tong plaza na toh? Baka isama ko pa sila sa mga patong nagsswimming." Banggit ko. Napalunok si Giselle.

"P-papunta sila dito." Sabi niya. Tiningnan ko ulit sila.

Oh my god.

"Did you finally find a place to sleep?" Tanong sakin nung babae nang makalapit sila ng tuluyan. Dalton knew for a fact na di ako magsasalita kaya siguro hinayaan niyang makalapit sila sakin.

"Yeah." Tipid kong sagot.

"So, hindi ka pala kapatid ni Dalton?" Tanong niya. Magsasalita na sana si Giselle pero pinigilan ko siya.

"Bakit, sino ba kasing nagsabi?" Tanong ko sakanya habang tinititigan ko si Dalton.

"You're a mistress."

"Kung akala niyo na di ako magsasalita, nagkakamali kayo. I'll give you guys 10 seconds para umalis sa paningin ko." Pagbabanta ko sakanila.

"How scary." Sabi nung babae matapos akong irapan.

"10, 9, 8, 7–"

"Zora, yung pato..."

"6, 5, 4, 3, 2, —" hindi parin sila umaalis sa harap ko.

"1.." tatayo na sana ako nang biglang inatake ng patong nanghabol sakin yung fianceé ni Dalton.

"Ahh!! Get this duck off of me!!" Sinubukan ni Dalton tulungan yung fianceé niya. Tumawa kami ni Giselle. Tiningnan ako ni Dalton ng masama.

I raised both of my hands.

"Not my duck." Sabi ko at tumuloy sa pag-kain ng chips. Ang gandang panuorin yung pato at yung mukhang pato na nagaaway. I was entertained for a second.

"Tara na nga, baka tayo pa madamay sa away ng mga patong toh." Sabi ko kay Giselle. Niligpit na namin yung picnic cloth at yung mga pagkain na kinakain namin. Sinubukan akong habulin ni Dalton pero mas inintindi niya yung Fianceé niyang halos mangiyak-ngiyak sa takot.

"Did you see that?!" Tatawa tawang sabi ni Giselle.

"Oh yeah i did. I enjoyed the live show." Sabi ko sakanya habang tumatawa.

"The look on Dalton's face tho. Hindi niya alam kung kanino siya pupunta!" Sabi ni Giselle. For a second thought, akala ko hahabulin ako ni Dalton.

Pero mas pinili niya yung fianceé niyang mukha ding pato. Kinuha ko yung phone ko para palitan ang pangalan ni Dalton sa contacts ko.

"May pasok nanaman bukas." Banggit ni Giselle.

*Scam Likely is calling...*

"Bat ba tawag ka ng tawag. Nabbwisit na ako ah." Sabi ko bago patayin yung tawag at nilagay yung phone ko sa bulsa ng jacket ko.

"Kinukulit ka parin?" Tanong ni Giselle. Tumango ako.

"Tinatamad akong pumasok." Sabi ko sakanya.

"Ako din."

Kinaumagahan ay agad na kaming nagready ni Giselle para pumasok. Naglalakad na kami papuntang campus nang makita ko yung kotse ni Dalton na nakapark.

"Bakit nandito siya." Bulong ko sa sarili ko.

"May sinabi ka?" Tanong ni Giselle. Umiling ako.

Pagpasok namin ng campus ay agad akong dumiretso sa classroom. Ayokong makihalubilo sa mga tao bukod kay Giselle.

"Zora, tawag ka sa office." Sabi ng class president namin.

"Bakit?" I asked, though i have a feeling that Dalton's in his mother's office. 

"Hindi ko alam." Sabi niya. Nilapag ko lahat ng gamit ko sa table bago ako dumiretso ng office.

And i was right. He's sitting there staring at me.

"Where's the principal?" I asked trying to look around.

"She's not here." He said. He locked the doors behind me. Agad kong inabot yung doorknob but it was too late. He got a hold of me.

"Will you please listen?"

"I thought we made it clear, Dalton? Ayoko nang makipagusap sayo. Don't hold me back in my classes. Mas importante future ko kesa sayo." Sabi ko. He grabbed my waist as he placed me on top of the principal's table.

"Dalton, what the fuck?" Singhal ko. I was trying to get down but he put himself in between my legs. He then, held both of my hands in place para hindi ako makatakas. Nilapit niya ang mukha niya sa gilid ng leeg ko.

"I never wanted to do this to you but you left me with no choice." Sinimulan niyang halikan ang tenga ko. Nanghina ako.

"Dalton, please stop." Pagmamakaawa ko. He didn't answer me. Pinagpatuloy niya ang ginagawa niya.

"I'm sexually attracted to you, Harriet."

"That's what you always wanted! You got what you wanted! Hindi pa ba sapat yon?!" I yelled as i try to stop him from what he's doing.

"Harriet, don't leave me."

"You made me." Tuluyan na akong umiyak. He stopped as soon as he heard me. Hinaplos niya ang mukha ko.

"My God, i'm so sorry." Sabi niya. He hugged me really tight.

"We're done. We're over." Tuloy tuloy kong sabi. Patuloy ako sa pagiyak. Tinulak ko siya ng tuluyan. I was about to open the door when he spoke.

"If you don't come back, papaalisin kita sa campus na toh." He said. He was furious.

"I don't care. Go ahead." Sabi ko sakanya bago tuluyang umalis ng office. I heard his screams from afar.

"San ka galing?" Tanong sakin ni Giselle pagpasok ko ng classroom.

"Namumula mata mo, Zora. Are you okay?" Tanong ng vice president ng class namin. Tumango nalang ako at umupo.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon