Zora
It's time for rehearsals pero parang wala akong ganang magpractice. I still stood up anyways. Nagready na akong pumunta ng band room. I swear this is going to be hella awkward. More than what happened this brunch. Pag pasok ko ng band room ay kanya kanya sila ng ginagawa. Elijah is playing games, Noah is cleaning his bass and Kenji is tuning his electric guitar. As long as walang away, I'm fine with that.
Napalingon ako ng di oras kay Kenji at napansin kong may pasa siya sa pisngi niya. Tiningnan ko agad si Noah at nahuli ko siyang nakatitig kay Kenji. Is that the lesson that he was talking about? Nilapitan ko si Noah.
"Sinapak mo?" bulong ko sakanya. He nodded.
"You didn't have to do that you know?" sabi ko sakanya.
"I have no choice. Like i said, you're not alone anymore. I'm by your side." he said. Napabuntonghininga nalang ako. Hindi pa nakakadebut pero sobrang dami nang nangyari simula palang nung dumating ako dito.
Now it feels like i'm at fault.
"Don't even think that you're at fault here." sabi ni Noah na para bang nababasa niya lang ang iniisip ko. I gulped. Nakakatakot siya pagseryosong seryoso siya. This is how you will know whether or not a person is actually serious about the situation.
"Okay, let's get going." sabi ko sa lahat ng members. Nagsitayuan na ang lahat para magpractice.
"3.2.1. Cue!"
Makalipas ang isang oras ay hindi parin namin makuha yung level of satisfaction na hinahanap namin sa isang banda.
"Let's take a break." sabi ko sakanila. Agad na lumabas si Kenji sa band room. Sumunod naman ako.
"Kenji! Wait!" sigaw ko nang papasok na siya sa kwarto niya.
"What do you want?" sabi niya habang nakatingin lang sa phone niya.
"O-okay ka lang ba? Does it hurt?" tanong ko. Tiningnan niya naman ako ng masama.
"Ano sa tingin mo?" inis na tanong niya. Napatahimik ako. Hindi ako nagdalawang isip na hilahin siya sa kwarto ko.
"Yo, wtf? Ano bang ginagawa mo?"
"Gagamutin ko. Wag kang magreklamo." sabi ko sakanya bago ko ilabas yung medkit ko. Sinimulan ko nang lagyan ng gamot yung sugat niya. He flinched for a bit pero hinawakan ko yung ulo niya dahil layo siya ng layo sa gamot.
"Ang gulo mo! Takot ka ba sa gamot?!"
"Hindi! Masakit eh! You're pressing too hard!"
"Then don't fucking move!"
On and off ang pagsisigawan namin ni Kenji hanggang sa nailagay ko na yung bandaid sa pisngi niya. Tatanggalin niya sana yung bandaid nang sampalin ko yung kamay niya.
"Wag mong tatanggalin. Baka putulin ko yang kamay mo." Pagbabanta ko sakanya.
"Edi di na ako nakapaggitara!"
"Ano naman!?" Asik ko.
"A band won't be a band without a guitarist!"
"A band won't be a band without a vocalist!" Sigaw ko pabalik.
"And your point is?" Tanong niya.
"My point is, if you still want me to leave this place then walang Au Revoir na mangyayari." I said.
"Eh ano naman? We can find more vocalists! Don't act like you're the only one we can have!"
"Well sorry ka ako pinili!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Literatura FaktuEverything feels like an illusion. One moment you think you are in-love, the next thing it's gone.