Zora
"Sorry, Giselle. Nastorbo pa ata kita." Sabi ko habang nilalapag ko lahat ng singing equipments ko sa bahay ng classmate ko. Pinipigilan kong umiyak.
The only apartment that i have is the apartment where Dalton and I used to live in. I can take it back, but he's paying half of the rent. Lugi pa din ako dahil part timer lang ako and he's a big time business man. Feeling ko tuloy napulot niya lang ako sa tabi.
Which is parang ganun na nga.
"I'm nothing compared to her." Iyak ko kay Giselle. Nagpanic siya.
"Bigla bigla ka nalang umiiyak! Umupo ka nga muna dito!" Sabi niya sakin habang hinihila ako paupo sa sofa nila. Hinahaplos niya yung likod ko habang sumisinga ako sa tissue na binigay niya.
"Ano ba kasi nangyari? Kung okay lang naman sayo na magtanong ako?" Tanong niya.
"Matagal na pala siyang engaged. 4 years na, eh sino ba naman ako para ipaglaban pa yung relasyon naming 1 year lang?"
"Alam mo, ibig sabihin nun, mas maganda ka sa babae. Biro mo ikaw pa nga yung mistress. A mistress is someone who satisfies a man—" agad kong tinakpan yung bibig niya.
"It's not that! I want to be the first option. First priority. Ayoko nang masaktan. Ayoko na yung ako nalang palagi yung pinupulot pag nabored sila sa asawa o girlfriend nila!" Sabi ko. She sighed.
"So, ilang days mong plano manirahan dito?" Tanong niya. Lalo akong napaiyak.
"Magkano ba binabayad nila sayo sa gig?" Tanong niya ulit. Lalo akong humagulgol.
"Alam mo, patitirahin nalang kita dito hanggang sa makahanap ka ng decent job. Okay?" Sabi niya bago ako hinaplos sa likod para i-comfort ulit. Tumango ako sa sinabi niya. Wala ako sa huisyo ngayon. Feeling ko hindi ako makakatulog nito.
—
"Zora, gising ka na dyan. Naghanda na ako ng pagkain." Minulat ko yung kanang mata ko. Nakita ko si Giselle na may hawak na plato. Agad akong tumayo para tulungan siya.
"Pasensya ka na ha, para akong pabigat dito sa bahay mo." Sabi ko sakanya. Umiling siya.
"Wag kang magsorry. Kulang pa toh sa tulong na binigay mo sakin noon."
Flashback...
"Bakit ka nasa music industry?! Hindi ka bagay dito! Bobo ka, wala kang alam!" Nakita ko si Giselle na nakahiga sa sahig habang hinahampas siya ng dalawang babae sa binti.
"Tama na please, parang awa niyo na!" Sigaw ni Giselle. Dinadaan daanan lang sila ng mga tao. Pati ang teacher namin na walang lakas harapin yung dalawang babae ay nanonood. Dinura ko yung nginunguya kong gum sa sahig.
"Ang ingay naman dito." Reklamo ko habang papalapit ako sakanila. Tumingala sakin si Giselle. Kinindatan ko siya.
"Zora, wag ka nang makielam dito please." Sabi nung babaeng minumura mura si Giselle. Tumingin ako sa isang babae.
"Ikaw ano paliwanag mo?" Tanong ko. Medyo natakot siya sakin kaya umatras siya ng konte.
"Wag mong dinadamay dito kapatid ko."
"Ako? Dinadamay kapatid mo? Eh kung ikaw nga nagtuturo dito ng kung ano ano?" Sabi ko sakanya. Tinulungan ko si Giselle tumayo. Pinigilan ako nung matandang kapatid.
"Sabi ko sayo na wag ka nang mangielam..."
"Baka gusto mong hinayhinayan yung pagahawak sakin?" Pagbabanta ko sakanya. Hindi niya ako tinigilan. Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko. Binitawan ko saglit si Giselle bago umikot na para bang halos mabali na ang kamay nung babae.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
NonfiksiEverything feels like an illusion. One moment you think you are in-love, the next thing it's gone.