PRELUDE

71 8 5
                                    

Prelude

This story is a work of fiction. Please, bare my future mistakes in all aspects. We are all a work in progress so I think everyday is my opportunity to learn and be better. Read at your own risk because our choice we make is the reflection of who we are. Thank you!

-

I am preparing to leave the faculty when my phone rang. Tumatawag si Cara, ang aking kaibigan mula noong first year high school. Sa sobrang malapit namin sa isa't isa ay para na kaming magkapatid. Kilala at malapit din ako sa pamilya niya dahil halos doon ang takbuhan ko kapag walang ibang maisip pagka abalahan sa aking apartment.

Pareho kaming teacher ni Cara kaya lang ay siya ang kinuha niya noong college ay para sa elementary education, ako naman ay para sa secondary dahil hindi ganoong mahaba ang pasensya ko para mag turo ng mga bata.

Ibinaba ko muna ang makapal na papel na hawak ko na sana'y ilalagay sa shelf sa gilid ng aking lamesa para maging handa na sa pag-uwi. Pinulot ko muna ang aking telepono sa ibabaw ng lamesa at sinagot ang tawag ng kaibigan.

"Ano?"

Inipit ko muna ang telepono sa pagitan ng tainga at balikat para ituloy ang pagliligpit ng mga papel at gamit. Kailangan ko nang umuwi at magpahinga. Nakakapagod maging isang guro. Buong araw kang nagsasalita sa harap ng mga estudyante at siyempre, hindi maiiwasang makasalamuha ng mga mag-aaral na pasaway.

"Nasaan ka?"

Hinablot ko ang aking bag pagkatapos ayusin ang lamesa. Inipat ko sa kamay ko ang telepono at pinatay na muna ang switch ng kuryente sa loob ng faculty. Ako na lang palagi ang nahuhuling umuwi sa mga kasama ko rito sa opisina.

"Bakit?" Sinarado ko na ang pinto ng faculty at naglakad na sa hallway. Mabuti na lang at first floor lang kung saan ang opisina ko. Hindi na kailangan pang gumamit ng hagdan.

"Tara sa bahay. Tatambay daw sila Cheng sa amin, sama ka na."

Ngumuso ako dahil alam ko na kahit gusto ko magpahinga sa apartment ay gusto ko rin makasama ang mga iba pa naming kaibigan ni Cara. Matagal na rin ang huli naming pagkikita at ayos lang naman din na makompormiso muna ang gusto kong maagang pahinga ngayon.

"Sige, sunod ako sa inyo. Pa – out pa lang ako."

"Nasa labas naman na ako ng gate ng school. Bumili ako pagkain sa Cruz, dinaanan na kita."

"Okay sige, sandali lang."

Nag out na muna ako at dumiretso na sa guard house. Ngumiti ako kay Manong Roy, ang guard naming sa school. Magkakilala na rin kami dahil sa araw araw ay ako ata ang isa sa mga huling nakaka uwing teacher na hinihintay niya bago mag sara ng gate ng skwelahan.

"Ingat po sa pag – uwi, Ma'am."

"Salamat po Kuya, kayo rin."

Paglabas ko ay tinanaw ko kung saan banda naka parada ang sasakyan ni Cara. Bumusina siya kaya naaninaw ko kung saan siya naghihintay. Mabilis akong lumapit at diretsong pumasok sa loob ng sasakyan niya sa harap. Inayos ko ang aking buhok at sumandal sa headrest habang siya ay nagsisimula nang paandarin ang sasakyan niya. Sumilip ako sa likod dahil may naaamoy akong pagkain. Naroon ang mga binili niya para sa mga kaibigan mamaya.

"Pagod ka palagi, friend. Wala ka nang time lumandi." Natatawa niyang sabi.

Umiling lang ako at pumikit muna sandali. Sanay na sanay na ako sa pasaring niyang kesyo puro ako trabaho at wala nang oras sa paghahanap ng magiging boyfriend. Kailangan ba 'yon?

"Sayang ang ganda mo kung hindi mo gagamitin. Kung ako yan, may ganyang mukha, wala akong sasayanging grasya."

Napapangisi na lang ako habang naka pikit na nakikinig sa kaniya. Palaging sinasabi na sayang daw ang ganda ko at hindi ko man lang ginagamit. Sobrang busy ko sa pagtuturo at nalilibang ako sa mga paper works kahit nakakapagod. Hindi ko rin sigurado kung handa na ba ako sa pakikipag relasyon. May mga sumusubok pero wala pa talaga sa isip ko ang kumilala ng ibang tao. Takot ako sa mga failed relationships. Ayaw kong magaya sa magulang ko.

Napuno na pasaring ni Cara ang buong byahe naming nang tungkol sa pagpipilit sa akin na humanap na ng boyfriend. Kaya lang ay hindi ko na pinapatulan at nakapikit lang ako buong byahe papunta sa kanila. Pagkarating sa bahay nila ay sinalubong kami ng Mama niya at ng kaniyang Papa. Bumati ako sa kanila at nagkaroon ng maikling kumustahan habang si Cara ay idineretso sa kusina nila ang mga binili. Ako naman ay naiwan muna rito sandal sa sala pagkatapos kausapin nila Tita. Nasa taas bahay yata ang dalawang kapatid ni Cara at hindi ko nakikita; sina Riley at Lucas.

"Lana tara dito tayo sa alfresco."

Tumayo ako at sinundan ko siya sa likod bahay nila kung nasaan ang mga pagkain na ipinaayos niya pa ata kay Ate Tes, ang kanilang long – time house help.

Naupo ako at itinabi na rin ang bag sa hita. Naupo rin siya sa harap ko.

"Anong oras daw sila Cheng?"

"Papunta na raw, kasama si Gerald"

Malisyoso niya akong tinignan at alam ko na ang ibig niyang sabihin doon. She has not over it yet, really?

"Tigilan mo ako Cara."

Inaasar ako at dahil nga nito lang nakaraang buwan ay nagtapat si Gerald sa akin na gusto niya raw ako. Kaya lang ay sinabi ko na hindi ako handa sa anumang commitment.

"Naku ka, bakit ayaw mo mag boyfriend man lang ba? For experience lang naman, ang reserved mo naman."

Inirapan ko siya. "Huwag mo akong igaya sa iyo na kakahiwalay lang ay may kapalit na. Ano bang balak mo at gusto mo pa atang magkaroon ng koleksyon ng lalaki bukod sa damit at bag?"

She laughed hard. "What I mean is, why won't you allow people to be in your life? Nasasayang ang ganda mo e."

"Tigilan mo na ako sa pang pambubuyo sa akin. I'd rather have no one with me than commit with whoever. Tsaka, I am too busy with my work. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, he must know that my first priority is my job, not him."

"Ayan na naman siya sa pagiging independent woman niya e." she commented on my statement.

Totooo naman. I value my work so much. Iyon na lang ang pagpapasaya sa akin. Siguro ay para na lang akong pabulok na gulay kung wala ang trabaho. I do not think I can go through life nang ibang field ang pinasok ko. Mabuti na lang talaga at pagiging guro ang pinili ko. It is hard but fulfilling at the same time. Kagaya ni Mama bago pa sya mamatay, she taught many students and allowed them to spread their wings to fly.

"Naiintindihan ko where your prejudices are coming from but I just want you to see that there are many people out there, wanting for you to give them a chance. Allow yourself to be happy."

"Masaya naman ako nang ako lang. I am contented with my life. I have my work and I love it. I have you, my friends. Okay na sa akin 'yon."

Cara shrugged. Siguro ay give up na sa pagpupumilit sa akin. "I am just saying. Ang daming nagtatanong sayo sa akin at gusto atang manligaw."

Umiling lang ako dahil I really don't want to deal with anyone yet. Ganoon yata talaga kapag fruit of a broken family. Ganoon siguro talaga kapag lumaki ka na nakikita kung paano sinira ng isang lalaki ang pamilya na akala mo ay masaya. My Papa was my superhero, he was the first man whom I thought to save me and see me as enough reason for him to stay with us pero iniwan niya pa rin kami para sa ibang babae. My Mama suffered a lot. I have to tend her brokenness while mine is tearing into pieces. I was too young to feel that pain that deeply rooted my views today.

"Ayan na sila."

I snapped back from reality nang nagsalita na si Cara na naroon na ang mga hinihintay. I composed myself at nakipag halubilo sa kanila dahil siguradong matagal bago ito maulit ulit. 

-

This is an edited version since I have written this story 2 years ago. I now have a definite plan to continue this. I hope you join me:)))

You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)Where stories live. Discover now