Chapter 17

7 0 0
                                    


Chapter 17

Half – running, I went to our faculty. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin, ang pagka late ko ba o ang nangyari kagabi. Wala sa sarili akong lumabas sa sasakyan niya kanina at sinamantala ang katotohanang tanghali na ako sa una kong klase para hindi na siya bigyan ng mahabang oras para tignan pa ang hitsura ko pagbaba ng sasakyan. Nagpasalamat lamang ako at patakbong pumasok sa gate ng skwelahan.


Masasabi kong lutang ang isip ko dahil na rin sa hangover mula sa iresponsableng pag – inom kagabi. I don't know what gotten into me to drink too much. Madalas naman ay hindi ko hinahayaang malasing ako. I always have my control in drinking. I am always moderate.


There's just something from what I feel last night that made me feel that I must drink. Uhaw na uhaw ako kagabi sa alak. And upon thinking of the embarrassment I have done, I think I'm never drinking again.


Pambihira, naka ilang salin lang naman ako ng vodka, nalasing na kaagad.


It was my lunch time when I took out my phone. I scrolled on my account and seen some messages from group chats and personal messages. Mayroon ding mensahe galing kay Cara.



Calista Ralene

You have something to tell me. Sa bahay ka umuwi mamaya.



Kinunot ko ang noo at nagtipa ng mensahe.



Ako

Ano naman ang sasabihin ko? Uuwi ako sa apartment mamaya, I need to rest. Sakit ng ulo ko.



She immediately seen my message. Sabagay ay lunch niya rin naman.



Calista Ralene

Bitch, malamang at nalasing ka kagabi. Cali was carrying you.



My jaw dropped. Literally. Ibinaba ko muna ang aking cellphone sa lamesa at hinalamos ang mukha. Really, Solana? What is this now?! I picked my phone up and type my message.



Ako

Wala akong maalala.



Even if I remember some fragments of memory from last night, I don't want to explain further. Alam kong gagamitin ito ni Cara sa akin para pang – asar.



Calista Ralene

Really?



Umirap ako at hinilot ang sentido.



Ako

Bye na, I'll work now.


You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)Where stories live. Discover now