Chapter 27
TW: Violence
Betty has been looking me with her unspoken teasing. Simula iyon nang pinapunta niya si Calum sa aming unit. Late na rin nang umuwi siya noon dahil tinapos niya pa akong tapalan ng cold compress. He actually wanted to send me in the hospital. Siguro ay kung hindi ko siya pinigilan at sinabing ayos na ako ay hindi iyon matitinag.
Simula noong gabi na iyon ay madalas siyang dumaan sa aming unit. Hindi ko alam kung paano niya nakukuha ang mga oras na wala kaming trabaho dahil sa tuwing wala kaming gig at nasa loob lang ng unit ay dumarating siya. Well, obviously... maybe from Betty.
I let him do that because I am not affected personally and he's visiting because he got close with Betty. Also, I didn't want to be rude because he helped me tend my gob when I hit the countertop. I realized that being harsh and avoiding him will only draw the line for distance and awkwardness. Hindi rin naman malinaw ang sa amin noon. Acting defensive would only makes me look like bitter of something from our past.
Sa mga panahon naman na nasa unit siya ay nakaupo lamang ako sa sala habang silang dalawa ang nag uusap. Betty would laugh loudly and hit Calum's arm while looking at me maliciously. Palagi ko siyang iniirapan at madalas ay iiwanan ko na sila sa sala kapag inantok na.
"Uminom ka ng iron at vitamins dahil alam kong mas-stress ka na naman sa Raña na iyon mamaya!"
I let my wavy hair dance and get my mini bag. "I think you're the one who needs it." Nilagpasan ko siya at naunang lumabas sa aking kwarto. Today is our second time for shooting of sir Ahmad and his wife's product. Last day na rin ito kaya sinigurado kong maaga kami.
Malakas ang pagsara niya sa pintuhan habang nakasunod sa akin pababa. "Sarap sabunutan ng batang iyon. Naku, kung hindi lang talaga masamang manakit ay nagawa ko na."
Dumiretso ako sa kusina at nilagyan ng laman ang hydroflask ko. This is a gift from a friend in the industry. "Hayaan mo na siya, Betty. Last naman na ito, pagtiisan mo na." humalakhak ako at tinakpan ang hydroflask nang mapuno iyon.
Tumulak na kami papunta sa location ng shoot naming ngayon. Sa isang beach resort daw kami ngayon sa Tagaytay. Most probably, it will take us three hours before we get there. Ala sais pa lamang ng umaga ngayon. Dinaanan pa muna rin naming sina Luka at Kisses sa kanilang condo tower dahil sila ang mag aayos sa akin.
"Another parusa, sis." Ani Luka habang pinapagpag ang kaniyang crocheted floral vest.
Natawa ako sa tinutukoy nila. Alam kong isa rin sila sa saksi sa naging ugali ng ilang ka trabaho para sa proyektong ito. Hindi naman mawawala iyon sa industriya. Madalas nga ay kahit may makasama ako sa trabaho sa isang buong linggo ay hirap pa rin akong makisalamuha sa kanila. May pagkakataon na nararamdaman kong ilag sila sa akin. It is just pure work but of course it's actually better if we get to know one other. But I don't want to take that as a negative way. Iba iba naman kasi ng pananaw ang tao kung sino ang pakikisalamuhaan.
YOU ARE READING
You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)
RomansaThis is my first installment of The 5th Street Series. Date Started: April 17,2021 On going...