Chapter 18
Walking back and forth in my living room. Kakauwi ko lang dito sa apartment ko. Nagpababa ako kanina kay Mr. Lopez sa bayan at sinabing may dadaanan pa. Good thing he did not ask further. I have no plan to allow him see anything about my personal life. Mula sa bayan ay nag commute na lang ako papunta rito sa bahay.
Hindi ako mapakali dahil sa konsensya. My petty mind wants to blame Manong Roy because he pushed me to come with Mr. Lopez. Pero alam kong ako rin naman ang mali. Hindi dapat ako nakisabay. Pwede naman akong tumanggi lalo na at alam ko naman din na palaging may sumusundo sa akin. Now, I am problematic as hell.
Naglabas ako ng cellphone at sinubukang tawagan si Cara. Luckily, she answered very quickly.
"Ano?" patiuna nito.
Kinagat ko ang labi at naupo sa sofa. "Uh..."
"Girl, bakit?" anito, para bang bitin na bitin sa akin.
Sumandal ako sa sofa at mariin na pumikit.
"Nakauwi ka na ba?"
"Kakauwi lang,"
"Uhh.."
Pumalatak siya. "Shuta ka, diretsuhin mo 'yang sasabihin mo!"
"Nand'yan ba si Calum?" diretso kong tanong.
It was a long stretch of silence before she answered my question. "Hindi ko sure, 'di ko pa nakikita."
Tumango ako sa sarili. I heard my friend laughed from the other line.
"An'yare ba? LQ kayo?" bakas sa boses niya ang katuwaan.
"Wala! Sige na!" mabilis kong pinatay ang tawag bago pa siya bigyan ng pagkakataong mang asar sa akin.
Mahina kong binagsak ang cellphone sa aking sofa. Now I regret calling my friend. Paniguradong uulanin ako ng tanong nuon kapag nagkita.
I have told myself that I will not expect the next day that Calum will pick me up. Kaya nang paglabas ko ng gate ay nagulat ako nang naroon siya at nakasandal sa sasakyan, naga-abang.
I awkwardly smiled at him every time our eyes met on our way to my work. He'd smile and still focus in front.
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng skwelahan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang tumikhim siya para magsalita. I looked at him.
Ang kaliwang kamay ay nasa manibela at ang isa ay nasa kaniyang labi.
Nilipat ko ang tingin sa kaniyang mata.
"Why?" tanong ko.
He finger – combed his hair. "I'll be here at 4:30 later,"
YOU ARE READING
You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)
RomanceThis is my first installment of The 5th Street Series. Date Started: April 17,2021 On going...