Chapter 19
Malakas na tunog ng aking cellphone ang nagpagising sa akin. I reached for my phone on the side table of my bed. Sino naman kaya ang tumatawag ngayon? Nakakunot ang noo kong sinilip ang telepono kung sino ang tumatawag. It's an unknown number but I know who is it.
"Bakit? Aga mong mang gising." Reklamo ko at dumapa sa kama.
I heard him chuckle. "Sorry, Ma'am. Cara told me to ask you if we can go to your apartment now."
Kinunot ko ang noo ko at inabot ang mahabang unan. I placed my chin there. "Ano namang gagawin niyo rito?"
"Cal, sabihin mo papasyal lang." narinig kong boses ni Cara. Kahit pa binulong niya lang 'yon sa pinsan ay narinig ko. Umirap ako, why did she ask Calum to call me anyway? Pwede namang s'ya ang tumawag sa akin.
"Hindi naman pasyalan ang bahay ko, Cara." Mataray kong sabi.
Humalakhak si Calum. "Bicth! We haven't seen each other for ages! May nalaman ako at may gusto akong itanong sa'yo!" bulalas ni Cara. Inagaw yata ang cellphone sa pinsan.
Bumaliktad ako sa kama. This girl is dramatic! "Ano na namang nalaman mo? You could have called me. Nakisuyo ka pa sa pinsan mo."
"I know you will not answer me very quick. Pero 'pag pinsan ko ang tatawag bilis mong sagutin." Anito.
"Stop trying to make a creative story from that! Nagsisimula ka na naman." Pinabulaanan ko na ang gusto niyang iparating.
"Totoo naman. I have been calling you since last week! Ang sabi mo this week tayo mag Tagaytay ha!" reklamo niya.
I actually decided to stay inside the house because it's vacation. Ang huling labas ko yata ay ang pag alis namin ni Calum.
"Wala ka na rin namang magagawa, pupunta kami riyan! Make sure we have something to eat huh?" Cara said sarcastically before I heard Calum's voice.
"I'm sorry, matutulog ka pa?" he said.
Umiling ako at tumayo papuntang bintana. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang sliding window. Pumasok ang sinag ng araw sa kwarto. Tumayo ako roon at sinandal ang sarili sa pasamano ng bintana.
"Hindi na, pupunta kayo 'di ba?"
"I can tell Cara to delay our visit... if you need more time to sleep." Anito para bang pinag isipan niya iyon kanina pa.
Natawa ako. "Hindi na rin naman ako makakatulog nito, it's okay. Just tell Cara that I'll prepare first. Maghintay s'ya kamo."
"Okay, see you." He said in his deep voice.
Tinaas ko ang kilay. "You have a bad morning, huh?" biro ko.
"Not really, I'll hang up now so you can prepare."
YOU ARE READING
You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)
RomanceThis is my first installment of The 5th Street Series. Date Started: April 17,2021 On going...