Chapter 26

10 0 0
                                    

Chapter 26

Malakas na hampas sa braso ang gumising sa akin. Halos dalawang oras pa lang siguro ang tulog ko dahil napuyat sa panonood ng pelikula kagabi. Sinulit ko ang buong araw kahapon dahil wala kaming gig. Sa sobrang ganda ng palabas ay paisa isa kong pinapaalalahanan ang sarili na huli na iyon pero tinapos ko na rin kalaunan dahil hindi rin makatulog kakaisip sa anong susunod na mangyayari.


Kinusot ko ang mata at binuksan nang kaunting awang. Nakikita ko siyang nakapameywang sa gilid ng kama.



"Tumayo ka na riyan, prinsesa! Anong oras na!"



"Five minutes," I raised my hand a bit. Hinampas niya iyon.


"Tumayo ka na, sasabunutan kita kapag hindi ka pa nag asikaso. Baka ma late na naman tayo, nakakahiya kay sir Ahmad!"



Narinig ko ang maingay niyang paa palabas ng kwarto. After a few minutes, I woke up and fixed my bed.



Mabilis lamang akong naligo at nag ayos ng sarili. I just put some lip and cheek tint so I'd look natural. Aayusan naman ako sa set mamaya kaya hindi ko na kailangan maglagay nang kung ano pa sa mukha.



Sa byahe namin ay umiglip ako dahil antok pa rin. Betty woke me up again when we were finally in the set. Sakto lamang ang dating namin dahil pagpasok ko sa dressing room kung saan aayusan ang mga model ay isang modelo pa lamang ang naroroon. Inaayusan na siya ng kaniyang make up artist at ng hairstylist.




"Hi, good morning miss." a gay hairdresser said.



Bumati kami ni Betty sa kanila. I looked at the wide mirror, nagkatinginan kami ng model roon. I smiled at her. She just looked at me and then looked at her reflection.



Naupo ako sa katabing upuan ng kaniya dahil naroon ang pangalan ko. I tried to approach her again.




"Hi, good morning... Raña," I saw her name at the back of her seat earlier.


She only side eyed me then back at her reflection. Napansin ata iyon ng kaniyang stylists ngunit ngumisi lamang ang mga ito.



Sumandal na lang ako sa aking upuan at pinanood si Betty sa paglalatag ng mga make up sa aking harap. After that, she also went on to get my dress for this shoot. Alam ko ay tatlo kaming modelo pero ang isa ay wala pa.



"Malapit na raw sina Luka at Kisses, labas lang ako saglit, pinapatawag ako ni Sir Ahmad." bulong sa akin ni Betty.


Tumango ako at tahimik na naghintay sa upuan.



"Daisy, paki kuha nga ang phone ko, please." I heard Raña said. Iyong hairstylist ang umalis at kumuha niyon.



Nakatingin man sa kaniyang phone ay nakataas ang isa nitong kilay na para bang natural na iyon sa kaniya palagi. She typed something on her phone and put it on her ear. Nagkatinginan ulit kami ngunit inunahan niya ako ng ikot ng mata bago pa ko pa mainunat ang aking labi.



"Dad...Yes, I'm in my gig now... you don't need to pick me up later, I'll have Daisy and Lily to send me home... Oo nga po, dala ko ang car ko....yes... yes... fine, bye... love you."



Ibinalik niya ang kaniyang phone sa kaniyang stylist at tumingin ulit sa kaniyang replesksyon sa salamin.



"By the way, have you heard about this model?"




"Ano 'yun, madam?"



"I heard from Ahmad that this model was already old... she's probably over 30," Raña chuckled. I saw her reflection looking at me.



You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)Where stories live. Discover now