Chapter 24

9 0 0
                                    


Chapter 24

Tinalakan ako ni Betty pabalik sa bahay nila Cara. She's dressed up for the party and I look like a mess. Paanong hindi ay habang naglalakad ay kung anu – ano na ang nasabi kay Calum.



Naligo at nagbihis na ako pagdating sa bahay nila Cara. Sa loob pa lang ng banyo ay dinig ko na ang malakas na tugtog mula sa labas. Siguro ay nagdaratingan na ang mga bisita.



I wore a rose gold backless split thigh satin dress. I used my hair claw and made a messy bun. I let my curtain bangs sway on the sides of my face. I also paired my outfit with a silver purse. Naglagay lang ako ng kaunting kulay sa mukha at nagpisik ng pabango. I wore the same sandals I used earlier.



Paglabas ng guestroom ay siya rin namang pagbukas ng isa pang pinto sa katabi. It revealed Calum in his black unbuttoned three – fourths polo shirt tucked in his gray slacks with black shoes. His hair is a bit messy, mukhang kaliligo lang. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago tinaasan ng isang kilay.



I breathe deeply and confidently walked pass him. Kahit hindi ako sa kaniya nakatingin ay nakikita ko sa gilid na pinapanood niya ako habang naglalakad palagpas sa kaniya. I gracefully walked down the grand stairs. Sinalubong ako ni Betty.



"Bongga! Tara na roon at ang dami kong nakikitang pogi!"



Lumabas na kami sa event at humanap ng upuan. Nakita ko si Cara sa ibang banda at nage – estima na ng bisita. From the way of their house, I saw Calum also walking out to go here in the venue. Ang ilan ay talagang kulang na lang ay mabali ang leeg para lang maka nakaw ng tingin sa kaniya. I also heard Betty some praise for him.



Well, honestly, he looks way matured than before. Dati ay malaki na rin naman ang katawan niya but now, he looks leaner. His shoulders got broader.



"He's hot!" kumento ulit ni Betty.



Sinamaan ko siya ng tingin at nanood pa sa ibang bisita. Dito ko piniling pumwesto sa bandang hindi mapapansin ng mga tao pero pakiramdam ko ay kahit saan ako pumwesto ay may makakakilala pa rin dahil nga may tumawag na kaagad ng pangalan ko.



"Ma'am Ynarez!" my co – teacher before called.



Lumapit siya sa lamesa namin ni Betty. Tumayo ako para makipag beso sa kaniya. Before I interact with her, Betty told me that she'll go somewhere because she saw several people she knows.



"Kumusta? You look hot and glowing! I saw you on one of the famous skincare brands. Grabe, ang ganda mo lalo ngayon!"

You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)Where stories live. Discover now