Chapter 27

6 0 0
                                    

Chapter 27

Betty has been looking me with her unspoken teasing. Simula iyon nang pinapunta niya si Calum sa aming unit. Late na rin nang umuwi siya noon dahil tinapos niya pa akong tapalan ng cold compress. He actually wanted to send me in the hospital. Siguro ay kung hindi ko siya pinigilan at sinabing ayos na ako ay hindi iyon matitinag.

Simula noong gabi na iyon ay madalas siyang dumaan sa aming unit. Hindi ko alam kung paano niya nakukuha ang mga oras na wala kaming trabaho dahil sa tuwing wala kaming gig at nasa loob lang ng unit ay dumarating siya. Well, obviously... maybe from Betty.

I let him do that because I am not affected personally and he's visiting because he got close with Betty. Also, I didn't want to be rude because he helped me tend my gob when I hit the countertop. I realized that being harsh and avoiding him will only draw the line for distance and awkwardness. Hindi rin naman malinaw ang sa amin noon. Acting defensive would only makes me look like bitter of something from our past.

Sa mga panahon naman na nasa unit siya ay nakaupo lamang ako sa sala habang silang dalawa ang nag uusap. Betty would laugh loudly and hit Calum's arm while looking at me maliciously. Palagi ko siyang iniirapan at madalas ay iiwanan ko na sila sa sala kapag inantok na.

"Uminom ka ng iron at vitamins dahil alam kong mas-stress ka na naman sa Raña na iyon mamaya!"

I let my wavy hair dance and get my mini bag. "I think you're the one who needs it." Nilagpasan ko siya at naunang lumabas sa aking kwarto. Today is our second time for shooting of sir Ahmad and his wife's product. Last day na rin ito kaya sinigurado kong maaga kami.

Malakas ang pagsara niya sa pintuhan habang nakasunod sa akin pababa. "Sarap sabunutan ng batang iyon. Naku, kung hindi lang talaga masamang manakit ay nagawa ko na."

Dumiretso ako sa kusina at nilagyan ng laman ang hydroflask ko. This is a gift from a friend in the industry. "Hayaan mo na siya, Betty. Last naman na ito, pagtiisan mo na." humalakhak ako at tinakpan ang hydroflask nang mapuno iyon.

Tumulak na kami papunta sa location ng shoot naming ngayon. Sa isang resort daw kami ngayon sa Tagaytay. Most probably, it will take us three hours before we get there. Ala sais pa lamang ng umaga ngayon. Dinaanan pa muna rin naming sina Luka at Kisses sa kanilang condo tower dahil sila ang mag aayos sa akin.

"Another parusa, sis." Ani Luka habang pinapagpag ang kaniyang crocheted floral vest.

Natawa ako sa tinutukoy nila. Alam kong isa rin sila sa saksi sa naging ugali ng ilang ka trabaho para sa proyektong ito. Hindi naman mawawala iyon sa industriya. Madalas nga ay kahit may makasama ako sa trabaho sa isang buong linggo ay hirap pa rin akong makisalamuha sa kanila. May pagkakataon na nararamdaman kong ilag sila sa akin. It is just pure work but of course it's actually better if we get to know one other. But I don't want to take that as a negative way. Iba iba naman kasi ng pananaw ang tao kung sino ang pakikisalamuhaan.

"Maganda kasi masyado itong alaga natin. Walang kupas at fresh pa rin kaya kinaiinggitan!" si Kisses.

"Fresh pa rin kaya in the following months?" pang aasar ni Betty mula sa harap.

Tumawa silang tatlo habang ako naman ay umirap lamang. Sasabunutan ko 'yan mamaya.

"Pancakes?" Betty asked me when we stopped for a drive thru so we can eat our breakfast. We opted for drive thru so we won't spend much time eating. Mahirap na, nag maaga kami ngayon para maunang dumating sa location. Maganda raw ang view doon kaya balak kong mag libot muna nang kaunti.

"Hot choco." Sagot ko.

Luka and Kisses said what they want and Betty drove again after we buy our food.

Nakinig na lang ako ng music gamit ang aking headphones habang nasa byahe. Ang mga kasama ko naman ay nagku kwentuhan para siguro hindi mainip. I honestly wanted to get a driver since Betty has been doing the major work for me. All around na siya at alam kong mas napapagod siya sa akin tuwing may gig kami. Plus, she always needs to drive after our long tiring day.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising na lamang ako ng mga kasama nang naroon na kami. Tama ang oras ng dating naming dahil ako ang nauna sa mga modelo. At least now we can have time to breathe without the specific group of loud people.

Ang nasa site pa lamang ay ang mga nag set up kung saan kami mag pho – photoshoot. They told us that Sir Ahmad and his wife were still inside the full house in this resort.

Dahil nga maaga pa kami ay nagpaalam muna ako para maglakad – lakad sa kahabaan ng kalsada malapit sa resort. This is like a gem devoured by the woods. Ang malinis na kalsada ay nakapagitna sa dalawang parte ng gubat, sa dulo ng kalsadang ito ay ang full house resort kung saan ang aming location.

I wonder which part of Tagaytay we went before. Gusto kong balikan ang malinaw na view kung saan nakikita ang kagubatan mula sa mataas na platform noon. I miss the fog there. Thinking that specific place gave me enough nostalgia.

I looked at my smartwatch and when I saw that I have been walking for past thirty minutes, bumalik na ako sa resort. Medyo pinagpawisan na rin ako at siguro ay maliligo muna ulit pagbalik. Alas dies pa naman ang aming call time at mayroon pa akong higit dalawang oras para maghanda.

After washing up, naka handa na sina Kisses at Luka para ayusan ako. Laking pasalamat ko na rin at iba – iba pala ang kwarto naming mga modelo. Well, this full house is big and I agree that we should maximize the rooms they can accommodate.

"Dapat subtle lang ang color ng lip at ng eye shadow ha. Pero dapat si Solana ang pinaka pretty nang masupalpal natin ang batang iyon!" gigil na sambit ni Betty habang naka pameywang na nakaupo sa arm rest ng sofa sa likod ko. I can see her reaction because she is adjacent with the mirror in front of me.

"Gagalingan ko talaga sister at nang mapahiya ko rin ang make-up artist na pekeng Dior naman ang gamit! Palagay ko nga ay tubig lang ang gamit niyang pang airbrush. Kaloka!"

"Sige, galingan ninyo diyan at ililibre ko kayo mamaya ng dinner!"

"Bongga!"

I smirked at their conversation. Good thing that we hired Kisses and Luka. Noon ay pati ang pag m-make up sa akin ay si Betty ang gumagawa. I couldn't imagine those times. Doble ang pagod ni Betty.

I saw how Raña and her stylists looked at me from head to foot when I went to our shooting site. Meanwhile, Luka and Kisses, as well as Betty are behind the photographer to cheer me up. Alam na alam ko na kung bakit sila ganito ngayon. 

You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)Where stories live. Discover now