Chapter 15

10 0 0
                                    

Chapter 15

Sa isang bilugang lamesa ay kasama ko si Cara pati ang mga kaibigan. Calum is also in our table with some of his friends. Ang mga hindi na nagkasya ay nasa kabilang lamesa katabi namin. Napapagitnaan ako ng magpinsan, sa kaliwang banda ko ay si Cara pati sina Cheng, sa kanan ko ay ang lalaki pati ang mga kaibigang sa mesa namin nahalo.



Abala man ang mata ko sa panonood kay Ishi sa harap ay nakikita ko ang mapaglarong tingin sa akin ni Cara. Hindi ko na lamang pinapansin iyon dahil ayaw kong makahalata rin ang pinsan niya at ang mga kaibigan.



"So, hiwalay na nga kayo ng ungas na iyon?" si Cheng kay Cara.



"Oo nga!" parang pagod na sagot ni Cara.



Umirap si Cheng. "Sinasabi ko na nga ba at hitsura pa lang alam mo nang may kakaibang balak!"



"Pabayaan mo na, isang linggo lang naman kami." Natatawang sabi ni Cara



"Kahit pa! Talagang 'yang mga lalaki na iyan. Hindi mo na talaga alam ngayon kung ano ang motibo kapag nanligaw." Pagalit na utas ni Cheng at tumingin sa kaniyang boyfriend na katabi.



"Hindi ako kasali ha!" anito.



"Kahit na! Pare – pareho naman kayo! Huwag kang ngumiti Gerald, lalaki ka rin!" si Cheng.



"Nananahimik na nga ako, nasali pa ako?" reklamo ni Gerald at nahuling sumulyap sa akin.



I sipped on my juice in front.



"Kaya nga! Huwag mo nang isali si Gerald, basted na nga 'yung tao." Pag – iiba ni Cara sa usapan at ngumisi sa akin.



Ibinaba ko ang baso at umirap sa kaniya. Cheng also looked at me, teasing.



"Sus... K-kayo talaga." Si Gerald.



Ngumiti ako kay Gerald. He's my friend and we're close before his confession. After the rejection, even how hard I tried to make it polite and honest as possible, our bond changed. At ayaw ko ring basta lang pakitunguhan siya na kagaya dati na parang walang nangyari. There's a regret for the fragmented connection but I don't want to give him false hope at the same time so I let us this way. Hindi malayo pero hindi rin malapit.



The conversation changed and I decided to just focus myself in the program. Ayaw ko nang makinig sa usapan nila dahil pakiramdam ko, kahit anumang topic ay sa akin babagsak ang usapan. They are too invested to talk about some probable men for me all of the time. Ni hindi ko nga iniisip ang bagay na iyon. I have other priorities.



"So, your friend likes you?" isang baritonong boses sa kanan ko.



I thought it's over. Ngayon ay siya naman ang nagtatanong. Hindi ko siya sinagot at nakapokus lamang sa harap. I guess he heard the conversation and I don't have to confirm that.



"That's why he keeps looking at you." Dagdag pa nito.



Ramdam ko ang bayolenteng paglapit ng upuan niya sa akin. Kunot noo akong tumingin sa kaniya. "Bakit ba Calum?"



Inilayo niya ang katawan sa akin nang bahagya. He seems shook that our bodies are almost touching. He murmured 'sorry' for I don't know what reason. Ibinalik niya ang ayos ng upuan sa kanina bago inusod iyon. He cleared his throat and speak again.



"I noticed... he looks at you every now and then."



Tumango na lamang ako. "Pabayaan mo na, I don't feel offended by it."



You All Over Me (The 5th Street Series Vol. 1)Where stories live. Discover now