Kakaibang kaba ang naramdaman ko sa pagbukas ng pinto ng simbahan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi naman ito ang unang beses pero ang pakiramdam ko ay hindi ko pa naranasan ito.
Dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad papasok. Sinalubong ako nina Mama at Papa saka inihatid sa harapan. Lahat ng tao ay nakangiti sa akin, lahat sila masaya at lalo na ang lalaking naghihintay sa harapan.
Matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Jace nang magtama ang mga mata namin. Gumanti naman ako ng mas matamis pang ngiti. Sa bandang kaliwa ay naroon ang anak namin na si Janna habang buhat 'yun ni Aya.
It's been three years since the accident. Marami na ang nangyari. Ilang buwan ding nanatili si Jace sa wheelchair niya pero mabilis ang naging paggaling niya sa inaasahan ng mga doktor.
Nagising ako noong birthday ko na umiiyak habang nasa tabi ni Jace. Inilibot ko pa ang paningin ko sa kwarto nun pero kami lang talaga ni Jace ang naroon. Nai-check ko pa kung humihinga pa siya at nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong humihinga pa nga siya. Akala ko talaga totoong iniwanan niya na ako. Para kasing hindi 'yun panaginip. Para talagang totoong-totoo 'yun.
Nagising din siya nang hapon na 'yun at matapos nga ang tatlong taon. Heto ako naglalakad papunta sa kanya sa mismong araw na nagising siya.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Jace dahil sa lalim ng pag-iisip ko.
"Siguro nama'y hindi ko na kailangang itanong kung may tututol?" biro ng pari sa harap. Siya rin ang pari na nagkasala sa amin noon.
Mabilis lang na tumakbo ang seremonyas at hindi ko na 'yun namalayan. Hanggang sa narinig ko na lang na sinabi ng pari...
"You may now kiss the bride."
Agad na humarap sa akin si Jace at inalis ang belo ko. Malakas na palakpakan na lang ang naririnig ko habang nakalapat ang mga labi namin sa isa't-isa na mas matagal kesa sa dapat.
Natatawa kaming pareho nang maghiwalay kami. Sumisigaw pa ang mga tao ng 'more' habang patulo na pumapalakpak.
"More daw," sabi ni Jace.
"Tumigil ka nga, nakakarami ka na," sabi ko pero hindi inaalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Hmmmn, kailan mo ba kasi ako bibigyan ng junior?" biglang tanong niya.
Natawa ako bigla sa tanong niya. Kahit kailan talaga wala sa align ang mga tanong ng lalaking 'to.
Tumingkayad ako, inilapit ang bibig ko sa tenga niya saka bumulong.
"In eight months' time... I think."
The End.
BINABASA MO ANG
The New Boss is My Husband?!
Romance[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then her husband Jace walks back into her life--as her boss! As if seeing him at work everyday wasn't bad...