Chapter Twenty-Five

520K 7.8K 840
                                    

"Venti dark mocha Frappuccino for Lana!"

Lumapit agad ako sa barista pagkababa niya ng order ko. Narito ako sa coffee shop na nasa tapat ng condo building na tinitirhan ni Jean. Ilang beses ko pa ulit pinag-isipan ang pagpunta rito at heto ako, natagpuan na lang ang sarili kong papunta sa lugar na 'to.

Naupo ako sa labas. Doon sa pwestong kitang-kita 'yung pinaka-entrance ng building. Tinignan ko ang wrist watch ko, 2:50pm. Kung totoo man ang sinasabi ni Jean, maaaring lumabas na si Jace mula d'yan anumang sandali.

Nakatitig lang ako roon. Nakapangalahati na ako ng inumin ko pero wala pa ring Jace na lumalabas. Magkakalahating oras na rin ang lumilipas. Naiinip na rin ako. Gusto ko na lang puntahan ang mismong condo ni Jean.

Papatayo na sana ako nang may mamataang pamilyar na bulto na lumabas mula sa building.

Si Jace.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis nun at ang lakas pa na halos mabingi na ako. Naroon nga siya gaya ng sabi ni Jean. Dala niya pa ang mga maleta niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid na tila may hinihintay.

Pinagmasdan ko lang si Jace habang nakatayo siya roon. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Lalo na nang lumabas si Jean mula roon. Kumapit agad siya sa braso ni Jace pagkalapit na pagkalapit niya. May kung ano siyang sinasabi kay Jace at bigla na lang ay inilapit niya ang mukha niya kay Jace at akmang hahalikan ang huli.

Iniwas ko agad ang tingin ko. Hindi ko kayang makita ang eksenang 'yun.

Isa-isang tumulo ang mga luha ko. At para bang may pwersang nagtutulak sa akin na tignan silang muli. Pero bago pa man ako makalingon sa gawi nila ay may humarang na roon.

"You wouldn't wanna see that."

Iniangat ko agad ang tigin ko sa pinagmulan ng boses. Nakapamulsa pa siya habang matamang nakatingin sa akin at hinaharangan ang paningin ko mula sa kinaroroonan nina Jace.

"Maico..."

Tumingin siya kina Jace at Jean saka lumapit sa akin at naupo sa katapat kong upuan. Wala na si Jace nang tumigin uli ako sa harap ng building. Si Jean naman, nakita ko pang papasok sa loob.

Napapikit ako ng mariin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. So niloloko nga lang ako ni Jace? Na lahat ng ipinakita niya eh para lang makaganti sa akin? Pakiramdam ko eh hinihiwa ang dibdib ko. Hindi ko na pinigilang dumaloy ang mga luha ko.

"Lagi siyang nand'yan," biglang sabi ni Maico.

Napatigin agad ako sa kanya pagkasabi niya nun.

"I mean, 'yung asawa mo. Lagi siyang nand'yan." Itinuro niya pa 'yung buiding saka ipinagsalikop ang mga kamay niya at muling humarap sa akin. "May... unit ako d'yan kaya nakikita ko siya," aniya pa.

Hindi ako umimik at tahimik lang na humikbi. Nananaginip lang siguro ako. Hindi 'yun magagawa ni Jace.

"Lana... I really hate to break this up to you pero ayoko namang patuloy ka pa rin niyang lokohin." Hinawakan ni Maico ang mga kamay ko saka nagpatuloy. "I overheard them. He said he just wants to get even with you."

Kahit na alam ko na ang bagay na 'yun dahin sinabi na rin 'yun ni Jean eh parang may tumusok pang muli sa puso ko. Mas masakit na marinig 'yun ulit at mula pa sa ibang tao.

"P-pinagtatalunan nila 'yung gingawa ni Jace ng dahil sa pang-iiwan mo sa huli para... sakin." Mahina niya nang sinabi 'yung 'sakin'. Alam niya namang hindi 'yun totoo dahil hindi naman ako sumama sa kanya.

Yumuko si Maico na tila ba nahihirapan.

Nasapo ko naman ang mukha ko. Tuluyan na akong napahagulgol. Hindi ko na kaya ang mga nangyayari. Ngayon pa ba? Ngayon pang sobrang mahal ko na siya?

Lumapit agad si Maico sa gawi ko at inalo ako.

"Tumahan ka na please. Unahan mo na lang siya. 'Wag mong hayaan na lalo ka pa niyang wasakin 'pag nagawa niya na ang plano niya."

Nag-angat agad ako ng tingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim saka saglit na nag-isip. Tila ba hinahanap niya ang mga tamang salita. Mayamaya ay...

"Run away with me, Lana."

Literal na natulala ako sa sinabi niya.

Mayamaya ay umiling ako. "No, hindi ako sasama sayo," sabi ko.

"You mean, hahayaan mo na lang siyang saktan ka pang lalo?"

"Hindi. Hindi ako papayag na saktan niya pa ako pero hindi ako sasama sayo."

Wala akong dahilan para sumama sa kanya. Bukod sa wala naman akong nararamdaman ay may asawa pa rin ako kahit na ano pang mangyari. Oo sinabi ko dati kay Jace na sumama ako kay Maico pero sobrang magulo lang talaga ang isip ko nun at gusto kong makaganti sa kanya. Saka hindi naman 'yun totoo.

"Anong balak mo?" tanong ni Maico.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga pisngi ko.

"I need your help."

~*~

Wala pa ring tigil ang pagtulo ng luha ko habang sakay ng kotse ni Maico. Ayaw niya kasing pumayag na magmaneho pa ako sa kondisyon ko kaya itong kotse niya na lang ang ginamit namin. Balak kong umalis na ulit sa poder ni Jace. Pero hindi tulad ng gusto ni Maico eh babalik na lang ako sa tinitirhan ko dati, kasama si Jacky.

Hindi ko alam kung paano haharapin si Jace. Malamang kasi nasa bahay na siya pagkarating namin. Kakausapin ko ba siya o basta na lang aalis? Hindi ko talaga alam. Para ngang ayoko na lang pumunta sa bahay na 'yun at dumeretso na lang kay Jacky.

"Everything will be okay," ani Maico.

"S-sana..."

Saglit lang at nakarating na rin kami sa bahay. Hindi tulad ng inaasahan ko ay wala roon si Jace. Saan pa kaya siya nagpunta? Bumalik ba siya kay Jean noong umalis kami ni Maico roon? Isipin pa lang ang bagay na 'yun eh nagpupuyos na ang puso ko sa galit.

Nagmamadaling umakyat ako ng kwarto namin ni Jace at ibinaba ang maleta ko. Hindi ko na pinagkaabalahang ayusin ang pagkakalagay ng mga gamit ko roon. Ang mahalaga, maiempake ko lahat ng gamit ko.

Napatigil ako sa paglalagay at nilibot ang paningin ko sa kwarto. Dito sa kwarto na 'to naging masaya ako kahit paano. Naramdaman kong mahal din ako ng lalaking mahal ko kahit na ba hindi naman pala totoo 'yun.

Dahan-dahan na ang ginawa kong paglalagay ng gamit dahil pakiramdam ko eh nanghhina ako. Tama ba 'tong ginagawa ko? Kung tama ito, bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang ako mismo ang pumapatay sa sarili ko.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pabagsak na pagbukas ng pinto.

"Anong ibig sabihin nito?!"

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon