"Sama ka Lana?" tanong ni Karen.
"Saan?"
"Bibili lang kami sa baba," ani Diane.
Umiling ako. "Sige kayo na lang. May kailangan pa rin pati ako tapusin."
Biyernes na ngayon. Mabilis lang na lumipas ang mga araw. Isang linggo na lang din ang itatagal ko sa kompanya na ito. Friday next week kasi ang last day ko.
Sinabi sa akin ni Jace na sa mismong last day ko iaannounce niya sa lahat ang tungkol sa amin. Hindi na lang ako umangal dahil magandang timing na rin naman 'yun.
Humarap ako sa monitor ko pagkalabas nina Karen. Though hindi naman ako minamadali ni Ms. Carmen eh alam kong kailangan niya na 'to kaya naman nag-concentrate na ako sa ginagawa.
"Nandito ka pa rin pala?"
Napalingon ako nang may magsalita mula sa may pinto. Kunot noong tinignan ko si Jean habang nakapameywang pa siyang nakatingin ng masama sa akin. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin at bumalik sa pagta-trabaho.
"Aba't!" inis na sabi niya. Ramdam kong lumapit siya sa pwesto ko pero hindi ko siya tinignan. "Hoy! Humarap ka sa akin pag kinakausap kita!"
Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. Ayoko ng gulo, lalo na dito.
"Don't make a scene," sabi ko na para lang sa pandinig niya.
"Ang kapal din naman ng mukha mo 'no? Matapos mong iwanan para sa ibang lalaki si Jace ipinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo?"
Doon ako napatingin sa kanya. At ako pa raw ang makapal ang mukha?
Napansin kong nagsisi-usyoso na 'yung mga tao sa labas. Kinabahan ako bigla kaya naman tumayo ako at hinarap si Jean.
"'Wag kang manggulo rito."
"Huh! At sino ka para pagsabihan ako? Isa ka lang namang malanding babae na kumakalantari pa ng iba kahit may asawa na!" pasigaw niyang sabi a alam kong narinig ng mga tao sa labas.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi ako makapag-react sa mga sinabi niya. Nanginginig na ang mga kamay ko at gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawang iangat ang kamay ko.
"Nakita kong sumama ka sa lalaking 'yun." Nag-smirk pa siya saka nagpatuloy. "Ang kati mo naman masyado. Ilang lalaki na ba ang kinalantari mo?" Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa saka tumawa ng malakas.
Humugot ako ng lakas para sana sampalin siya pero naunahan ako ni Karen. Nagulat na lang ako nang sumulpot siya sa pinto at hilahin ang buhok ni Jean.
"Ikaw ang malandi bruha ka!" ani Karen.
Na-out of balance si Jean kaya pareho silang tumumba sa sahig. May umawat sa kanila at hinila palayo si Karen. Kitang-kita 'yung galit sa mga mata ni Jean habang nakatingin siya kay Karen. Pero hindi na siya lumapit sa huli, bagkus eh lumapit siya sa akin at buhok ko ang pinag-initan.
PInilit kong makawala pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. Hinila niya pa ako kaya halos mapaluhod ako sa sahig. Sobrang sakit na ng ulo ko na hindi ko na nappigilang mapaluha. Pinipilit kong gumanti pero hindi ko maabot ang buhok niya.
Mula sa sulok ng mata ko ay nakita ko si Diane na lumapit. Hihilahin niya sana si Jean pero mabilis siyang itinulak ng huli kaya natumba siya sa sahig.
"Awatin niyo dali!" narinig kong sinabi ng kung sino sa labas.
Sobrang ingay nila at mukhang nagkakagulo hanggang sa bigla na lang silang natahimik lahat.
"Get your hands off my wife!"
Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang galit na mukha ni Jace habang nakatingin sa amin mula sa pinto. Mabilis ang kilos niya at agad na nahila si Jean palayo sa akin.
Niyakap niya agad ako nang makawala sa mga kamay ni Jean.
"Hey Hon, are you okay?"
Tumango ako kahit na parang umaapoy 'yung ulo ko sa hapdi. Hindi ko maipaliwanag 'yung sakit at patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.
"What's wrong with you?!" singhal ni Jace kay Jean.
Nakita ko ang pagkasindak sa mukha ni Jean habang nakatitig kay Jace. Kahit siguro ako kung titignan ng ganyan ni Jace ay matatakot din. Mukha kasi siyang papatay ng tao anumang oras.
"Jace... Jace I... I..." nanginginig pang hindi matapos ni Jean ang sinasabi. Kumunok pa siya saka nagpatuloy. "I-iniwan ka na n-niya di ba?" mahinang sabi niya.
Dumating agad ang dawang guard at hinawakan sa magkabilang braso si Jean. Nagpumiglas siya bigla at tumingin ng masama sa akin.
"Ano bang nasa kanya na wala sa akin ha Jace? Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? Bakit siya? Bakita ang walang kwentang babaeng 'yan pa?"
Hinila niya ulit ang mga braso niya pero mahigpit ang kapit ng mga guard. Hihilahin na sana siya palabas kaya naman mabilis na nagsalita siya.
"Ako Jace, sa simula pa lang minahal na kita. Kahit noong mga panahong walang pumapansin sayo, sino ang kasama mo? Ako. Eh yang babaeng 'yan? Ni hindi nga niya masuklian ang pagmamahal mo! Bata pa lang tayo siya na ang bukambibig mo. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yun ha? Ako ang katabi mo tapos ibang babae ang lagi mong binabanggit?"
"Noong iniwan ka niyan three years ago, sino ba ang nasa tabi mo? Di ba ako? Pero anong napala ko? Heto, nasasaktan na naman dahil binalikan mo pa rin ang babaeng 'yan sa kabila ng lahat! Ano bang kailangan kong gawin para ako naman ang mahalin mo?"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naiintindihan ko namang nasasaktan siya dahil mahal niya si Jace pero hindi nito matugunan ang nararamdaman niya. Pero nagagalit pa rin ako dahil sa mga ginawa niya para lang paghiwalayin kami ng lalaking mahal ko.
Bumitaw ng bahagya si Jace sa akin at hinarap si Jean.
"Jean... simula pa lang alam mo nang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo. Kahit kailan hindi ko ipinahiwatig sayong pwede pang humigit dun 'yun. Inintindi kita noong una dahil alam kong nasaktan ka. Pero ngayon? Hindi na kita mapapatawad sa lahat ng ginawa mo."
Hinawakan ni Jace ang kamay ko saka nagpatuloy.
"Tinatanong mo kung anong na kay Lana na wala sayo? Ang puso ko Jean. Nasa kanya ang puso ko at kahit kailan hindi mapapasaiyo!" Bumaling si Jace sa mga guard. "Pakilabas na ang babaeng 'yan."
Humarap sa akin si Jace nang mailabas na nang tuluyan si Jean.
"Ayos ka lang Jill?" Pinahid niya ang mga luha ko. "Tahan na, hindi niya na tayo magugulo kahit kailan. Hindi ko na papayagang mangyari 'yun okay?"
Hindi ako nag-react pero pinigil ko na ang pag-iyak. Iniangat ko ang tingin ko kay Jace at kitang-kita roon ang pag-aalala. Ngumiti ako sa kanya para sana gumaang na rin ang pakiramdam niya.
"Gusto mo bang umuwi na?" tanong niya.
Tumango ako. Pagkatapos ng nangyari ay ayoko na rin namang manatili pa rito ngayon.
"Okay sige, uuwi na tayo."
BINABASA MO ANG
The New Boss is My Husband?!
Romance[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then her husband Jace walks back into her life--as her boss! As if seeing him at work everyday wasn't bad...