Behind The Scenes #2

377K 4.6K 201
                                    

 

BROKEN

 

 

Jace's POV

 

Kanina pa ako nakatitig sa wedding picture namin ni Lana. Sa ilang buwan na nagsasama kami hanggang ngayon pakiramdam ko eh nananaginip lang ako. Hindi ko inakalang matutupad ang matagal ko nang pinapangarap, ang makasama siya habambuhay.

Nakatulala pa rin ako nang tumunog ang intercom.

"Sir Jace, narito po si Miss Jean Laurel. Should I let her in?" tanong ng sekretarya ko.

Si Jean Laurel ang nag-iisang kaibigan ko sa States. Siya ang nakaka-alam ng lahat tungkol sakin. Kasama na roon ang matagal ko nang pag-ibig kay Lana na nagsimula pa noong mga bata kami. Napangiti ako sa sarili ko. Siguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang masaya na kami ni Lana ngayon.

"Yes, please let her in."

Naghintay lang ako ng ilang sandali at pumasok na rin siya. Nakangiti pa siya pagkapasok at mabilis na lumapit sa akin. Humalik siya sa pisngi ko at naupo sa upuan sa harap ng desk ko. Normal na sa kanya ang humalik sa pisngi ko. Parang kapatid na rin naman kasi ang tingin ko sa kanya at ganun din siya sa akin.

"Kailan ka ba dumating? Bakit hindi ka man lang nagpasabi para nasundo ka man lang namin ni Lana sa airport?" tanong ko. Nasa States kasi ang mga magulang niya at sa pagkakaalam ko eh hindi naman siya close sa mga kamag-anak niyang narito sa Pilipinas.

Parang nakita kong kumunot ang noo niya pero sandali lang 'yun at ngumiti rin naman agad siya.

"It's fine. Paano pa magiging surprise kung sasabihin ko agad 'di ba?"

"Kailangan talagang surprise?" Ngumiti ako ng malapad. "Hanggang kailan ka dito? Punta ka bukas sa bahay para matikman mo naman ang luto ng Misis ko," alok ko sa kanya.

Tumingin siya sa ibang bahagi ng kwarto saka sumagot. "Oh, sure."

Magsasalita pa sana ako nag tumunog ulit ang intercom.

"Yes?"

"Ahm, Sir Jace. You have a meeting with Mr. Smith six o'clock tonight. I'm afraid you have to go there now, baka po kasi maipit kayo sa traffic." Medyo alanganin ang boses ng sekretarya ko.

"Oh, yeah sure. Thanks for reminding me."

Pagkababa ko ng telepono eh bumaling ako kay Jean.

"I have to go. May meeting ako sa QC tonight. Baka maipit ako sa traffic eh," sabi ko sa kanya.

"Sakto. Doon din ang punta ko. Pwede naman siguro akong sumabay? Para makapag-kwentuhan pa tayo," nakangiting sabi niya.

Tumango ako. "Sure. Let's go?"

Mabuti na rin sigurong magka-kwentuhan pa kami ni Jean. Gusto ko rin kasing ilabas lahat ng sayang nararamdaman ko at pakiramdam ko eh mababaliw na ako. Tamang-tama pa na siya ang nakaka-alam ng lahat ng frustrations ko pagdating kay Lana.

Habang papunta kami sa parking eh tuloy-tuloy siya sa pagku-kwento kung ano nang nangyayari sa States. So like Jean. Sobrang daldal. Namiss ko tuloy lahat ng mga wala naman talagang kabagay-bagay na kwento niya. Pero kahit ganun eh nakakatuwa pa rin naman. Kesa naman manahimik lang kami pareho maghapon.

Pinagbukasan ko siya ng pinto ng passenger's seat at mabilis naman akong lumipat sa driver's seat para maka-alis na agad kami. Nakangiti pa ako habang ini-start ang sasakyan pero nagulat na lang ako nang bigla siya umalis sa pagkakaupo at lumipat sa kandungan ko paharap.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon