Sa isang Chinese restaurant ako dinala ni Jean. Matagal na rin kaming magkaharap pero walang nagsisimualng magsalita.
Tinitigan ko si Jean. Napaka-sopistikada niyang tignan. Ang ganda ng buhok niya, ang ganda ng mukha niya na parang isang manika, 'yung hubog ng katawan niya perpekto 'yun bukod pa sa ang tangkad niya at para siyang isang modelo. Hindi ko tuloy masisi si Jace kung bakit gusto niya ang babaeng ito.
Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nakatitig sa kanya ng magsalita siya.
"Di na ako magpapaligoy-ligoy pa," pagsisimula niya. "Siguro naman alam mo na ang tungkol sa amin ni Jace? I'm sorry I was the one who answered your call the other night. Jill lang kasi ang caller ID so I thought it was just some employee. Late ko nang na-realize na ikaw 'yung tumawag. But anyway, mas mabuti na rin 'yun di ba? At least ngayon alam mo na."
Hindi ako nagsalita. Tumungo lang ako at tinitigan ang mga pagkaing nakahain sa harap namin.
"Kinausap na kita ngayon bago ka pa masaktan ng sobra. He doesn't love you. Ako ang mahal niya. Pinagtityagaan niya lang ang presensya mo dahil 'yun ang gusto ng Mama niya at isa pa... gusto niyang gantihan ka sa pang-iiwan mo sa kanya dati para sa ibang lalaki. Gusto niyang maramdaman mo rin ang pakiramdam ng naiputan sa ulo," tuloy-tuloy na sabi niya.
Naramdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa mata ko pero pinilit ko pa ring magpakatatag. Ayokong maniwala sa mga sinasabi niya pero may bahagi ng utak ko na pilit sinasabing baka nagsasabi naman siya ng totoo.
"Kaya bago niya pa ipamukha sayo na basura ka lang para sa kanya, unahan mo na siya. Bago ka pa niya iwanan para sa akin, lumayas ka na. Bilang babae, ayoko rin naman sana na gawin niya ang mga bagay na 'to sayo pero mapilit siya at hindi ko na siya napigilan."
Itinuro niya ang pagkain sa harap namin.
"Kumain ka na muna," aniya pa.
"Ayokong kumain."
Huminga siya ng malalim. Pumikit pa siya ng mariin saka nagpatuloy.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan niya balak gawin 'to. Pero sa totoo lang naiinis na rin ako sa sitwasyon. Pakiramdam ko tuloy ako 'yung nang-aagaw samantalang akin na siya magmula ng iwan mo siya noon."
"Akala mo ba maniniwala ako sa mga pinagsasasabi mo?" Pinigilan kong mapaluha pero nabigo ako. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Pero hinarap ko pa rin siya at tinignan ng diretso sa mga mata. "Nagsisinungaling ka lang. Hindi niya ako iiwan," sabi ko kahit na sa loob-loob ko eh naroon ang pagdududa.
"Hindi kita pipilitin na maniwala sa akin. Pero kung gusto mo, you can find it out for yourself." Inilapag niya sa harap ko ang isang papel. Tinignan ko lang 'yun at tumingin sa kanya. "Siguro naman nabanggit niya na sa iyo na bukas ang uwi niya galing Davao di ba? Sabay sana kami kaso may inasikaso ako rito kaya nauna na ako."
Nangalumbaba siya sa harap ko saka nagpatuloy. "Hindi mo alam kung anong oras di ba?" ngumiti siya ng mapang-asar. "Sa akin muna kasi siya uuwi... bago sayo."
Tumayo na siya pero bago siya tumalikod eh nagsalita pa siya. "Alas-tres bukas pumunta ka r'yan. Sa oras na 'yun tingin kong aalis si Jace mula sa condo. Well, kung hindi kami... alam mo na... mapatagal," aniya saka tumalikod ng tuluyan.
~*~
Dumeretso ako sa bahay ni Joy pagkaalis ko ng restaurant. Hindi ko pa kayang umuwi sa bahay. Ayoko rin namang pumunta sa bahay ng mga magulang ko kaya napagpasyahan kong dito na lang muna matulog.
Naabutan ko ang NPA na si Aya roon. Lagi na lang siyang ganyan, palibhasa wala rin naman sa bahay nila palagi ang Mama niya. Hindi naman ako nagrereklamo. Mabuti nga at ganyan siya. At least may nakaka-usap ako kahit saan pa ako magpunta.
"Hay naku, hiwalayan mo na 'yan!" aniya.
Ito lang ang problema. Kung minsan ayoko na lang makinig sa mga sinasabi niya kasi padalus-dalos siya masyado at syempre, ganun din ang mga payo niya.
"'Wag naman ganun. Alamin mo muna kung ano ba talaga ang totoo," sabi naman ni Joy. Mabuti na lang narito rin siya, may ibang opinyon akong naririnig.
"Pero ginawa niya na 'yan dati remember? Kaya nga naglayas si Lana eh!" salungat ni Aya.
"Eh malay mo naman gawa-gawa lang pala 'yun ng Jean ng 'yun di ba? Paano kung mahal naman talaga ni Jace si Lana?" si Joy.
Great. Just great. Lalo lang akong naguguluhan sa kanila. At talagang pumwesto pa sila sa kaliwa't kanan ko ha? Parang may devil at angel lang na bumubulong sa akin. I mean sumisigaw. Ang lakas ng boses nila pareho.
"Mahal? Bakit, sabi nga ni Lana never pang sinabi ni Jace na mahal siya di ba?"
"Pero ipinapakita naman niya 'yun. Action speaks louder than words you know."
Palit-palitan ang tingin ko sa kanila. Nakukuha ko namang may point sila pareho kaya sumasakit lang lalo ang ulo ko.
"Uhm, hello? I'm here? Parang wala ako rito kung pag-usapan niyo ah?"
Huminga ng malalim si Joy saka hinawakan ang braso ko.
"Kasi naman Lana, kausapin mo muna siya bago ka gumawa ng kahit anong hakbang. 'Wag kang magpadalus-dalos dahil baka pagsisihan mo 'yan sa bandang huli," aniya.
Nag-roll eyes si Aya. "Whatever."
Inilabas ko ang ibinigay na papel ni Jean at nag-isip.
"Sa tingin iyo ba dapat akong pumunta bukas?" tanong ko.
"No. Just talk to him," ani Joy.
"Pumunta ka," si Aya.
Sabay na sagot ang dalawa.
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto kong pumunta roon pero natatakot ako sa pwede kong makita. Pag hindi naman ako pumunta, hindi rin ako mapapakali dahil iisipin ko lang palagi kung anong mangyayari kung sakaling pumunta ako.
"Kung kakausapin mo lang siya, sigurado ka bang magsasabi siya ng totoo? Like, hello? May tao bang umaamin agad sa kasalanan?" biglang sabi ni Aya.
Hindi na nagsalita si Joy kaya tinignan ko siya. Deretso lang ang tingin niya at mukhang nag-iisip.
"Tingin niyo dapat pumunta ako?" tanong ko.
"Yeah," ani Aya kasabay pa ng pagtango.
Tumingin naman ako kay Joy para sa sagot niya. Nagbuntong-hininga muna siya saka tumango.
BINABASA MO ANG
The New Boss is My Husband?!
Romance[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then her husband Jace walks back into her life--as her boss! As if seeing him at work everyday wasn't bad...