Chapter Thirty-Three

587K 9.1K 944
                                    

Mabilis lang lumipas ang mga araw. Hindi namin namalayan na pasko na. Isang buwan na rin ang nakakaraan mula nang umalis ako sa kompanya. Sa bahay na lang ako nagtitigil o di kaya naman eh pumupunta ako sa bahay nina Mama para may makasama naman ako sa mag-hapon.

Last month, hindi na ako pumasok matapos ang insidente kay Jean. Hindi naman sa ayoko nang pumasok noon. Ipinilit lang ni Jace na huwag na akong pumasok at hinayaan ko na lang. Dumadalaw na lang ako roon paminsan-minsan.

"Paki-kuha naman noong liempo sa freezer, Lana," ani Mama.

Narito sila ngayon ni Papa para sa noche buena. Pati si Mama Jessy ay narito lang at nag-aayos ng gamit niya sa taas dahil kararating niya lang. Si Jace naman, may inaasikaso raw sa opisina kaya naman wala siya rito.

Kinuha ko ang liempo sa freezer at inilapag sa may lababo.

"Nasaan na ang asawa mo?" tanong ni Mama.

Huminga ako ng malalim. "May ginagawa pa raw na importante 'Ma. Mamaya pa po makakauwi," sagot ko. Ang totoo ay naiinis ako. Nitong mga nakaraang araw naman eh hindi na ganito kagrabe mag-trabaho si Jace. Ewan ko ba kung bakit kung kailan pasko saka siya nagkukumahog sa pagta-trabaho.

Sinubukan kong tawagan si Jace para sana pauwiin na at ipagpabukas na lang ang ginagawa niya pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Lalo lang akong nainis at lumabas ng kusina.

"'Ma, dun lang muna ako sa kwarto. Maliligo na rin tuloy ako. Kaya mo na ba 'yan?" tanong ko bago ako makalabas ng tuluyan.

"Oo naman. Patapos naman na 'to. Hala sige't umakyat ka na."

~*~

Madilim na sa labas pero wala pa rin si Jace. Lumabas na rin ako ng kwarto at sumali sa kwentuhan nina Mama, Papa at Mama Jessy. Kahit na nakatingin ako sa bawat nagsasalita, hindi naman pumapasok sa utak ko 'yung mga sinasabi nila. Lumalabas lang din 'yun sa kabilang tenga.

Tss. Nasaan na ba kasi ang Jace na 'yun? Kanina ko pa siya itine-text pero hindi naman nagre-reply. Sobrang naiinis na talaga ako pero hindi ko lang ipinapahalata sa mga bisita namin.

Nasa gitna ng pagsasalita si Papa nang may tumugtog na music sa labas. Hindi 'yun ganun kalakas pero sapat na para marinig namin. Mayamaya ay may kumanta. Teka, nangangaroling ba 'yun? Pero bakit ganun 'yung kanta? Parang hindi naman Christmas song ah! Saka... sintunado pa 'yung kumakanta.

Nagsilabasan agad kami. Nauuna sila sa akin kaya naman hindi ko agad nakita kung anong meron sa labas. Nakisiksik ako kina Papa para makita ko at hindi ko napigilang mapangiti nang malapad. Si Jace ang naroon, may bitbit na speaker na nakakabit sa iPad niya.


Maybe I annoy you with my choices
Well, you annoy me sometimes too with your voice
But that ain't enough for me
To move out and move on
I'm just gonna love you like the woman I love

Lumapit ako kay Jace at hinayaan lang siyang magpatuloy kahit na naninira na siya ng eardrums dito. Tumingin ako kina Mama at tulad ko eh nakangiti rin sila ng wagas. Hindi makapaniwala sa pinaggagagawa ni Jace ngayon.


We don't have to hurry
You can take as long as you want
I'm holdin' steady
And my heart's at home
With my hand behind you
I will catch you if you fall
I'm just gonna love you like the woman I love...

Niyakap ko agad siya nang matapos ang kanta. Tatawa-tawa naman siya at gumanti ng yakap sa akin.

"Thank you! Kahit sumakita ang tenga ko!" sabi ko.

Bumitaw agad siya sa pagkakayakap at sumimangot.

"Joke lang!" Kinurot ko pa siya sa pisngi. "Masyado ka namang matampuhin."

"Akala ko hindi mo nagustuhan eh. Ang hirap ng performance ko na 'yun ha!"

Hinawakan niya ako sa baba saka pinatingala. Nagtatakang tumingin naman ako roon. Mayamaya ay may unti-unting pumapatak sa mukha ko. Malamig 'yun, parang yelo.

Sa nanlalaking mata ay inilahad ko ang mga kamay ko. Sinasalo 'yung mga snow na bumabagsak. Tumingin agad ako sa kung saan man nanggagalin 'yun at nakita kong may dalawang tao sa bubong namin. Mukhang sila 'yung nagpapa-ulan ng artificial snow.

"Paanong—"

"Hindi ba noong mga bata pa tayo, tuwing pasko naghihintay tayo na umulan ng snow?" putol niya sa sinasabi ko. "Ilang oras din tayong naghihintay noon sa park kahit na ilang taon na tayong bigo sa paghihintay."

Natawa ako. Naalala ko ang mga panahong 'yun. Kahit na alam ko namang hindi mangyayari ang pag-ulan ng nyebe na hinihintay ko eh nagpapasama pa rin ako kay Jace kapag bisperas ng pasko.

"Itinigil ko na rin naman ang paghihintay noong umalis kayo. Wala naman na kasi akong kasama." Ngumiti ako sa kanya. "Alam ko naman pating hindi talaga uulan ng snow kahit kailan. Oh... wait, umuulan na nga pala ng nyebe ngayon," natatawa pang sabi ko.

Hinintay naming kumapal ng kaunti 'yung yelo sa garden kung saan bumabagsak lahat ng snow saka kami naupo roon. Naglaro kami kahit na hindi naman ganun kakapal ang yelo. Nagbabatuhan kami ng maliliit na binilog na snow.

Mayamaya ay tumigil siya saka niyakap ako mula sa likod. Iniharap niya ako sa may bandang sulok ng garden.

Sumenyas siya. Marahil eh dun sa mga lalaking katulong niya sa surprise na ito.

Nagulat ako ng unti-unting umiilaw ang bahaging 'yun ng garden. May snowman na nakatayo sa sulok na 'yun. May hawak pa 'yung karatula na hindi ko alam kung anong nakalagay. Mayamaya ay isa-isa na ring umilaw 'yung gilid ng karatula at malinaw kong nabasa ang nakasulat.

Will you marry me? Again?

Malapad ang ngiting hinarap ko si Jace. Bigla naman siyang lumuhod sa harap ko at naglabas ng singsing. "Gusto ko sanang bigyan ka ng maayos na engagement. Hindi mo pati naranasan na magsuot nito," aniya saka inilahad sa akin ang singsing.

Kinuha niya ang kamay ko at akmang isusuot na ang singsing.

"So, ano... wala man lang bang sagot d'yan?" tanong niya.

Tumango ako. "Of course, I'll marry you... again."

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon