Chapter Twenty-Eight

532K 8K 1.2K
                                    

Kunot noong pilit ko pa ring tignan ang babae. Pamilyar siya sa akin kaya hindi ko magawang umalis na lang kahit itinutulak na ako ni Maico palabas.

"Get out!" ani Maico.

Nagpadala naman ako sa pagtulak niya. Nawala na ang kaba sa dibdib ko dahil sigurado akong hindi si Lana ang babaeng 'yun. Tumingin pa ako ng isang beses nang dahan-dahang bumagon ang babae. Dadausdos na sana ang kumot na nakatakip sa kanya nang matagumpay akong maitulak palabas ni Maico.

"Jacky?" amused na sabi ko sa sarili ko habang nakatayo pa rin sa harap ng pinto.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Mayamaya eh bigla na lang tumili si Jacky. Huminga na lang ako ng malalim at naupo sa sofa. Hindi ko inaasahan ang ganitong tagpo na aabutan ko. Kaya makapaghihintay na siguro ang talagang ipinunta ko. Dahil alam ko, hindi kasama ni Lana si Maico. At ang ibig sabihin lang nun, malaki ang pag-asang mabawi ko ang asawa ko.

Mga sampung minuto rin ang lumipas nang lumabas ng kwarto si Maico. Bihis na siya pero kunot pa rin ang noo at masama ang tingin sa akin.

"May bisita ka rito nagawa mo pang umisa?" sabi ko na ang tinutukoy ay ang katagalan niya sa loob.

"Shut up," aniya. "Ano pa bang ginagawa mo rito? Ibinalik ko na sayo si Lana ah."

Kunot noong tinitigan ko siya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Ibinalik ko si Lana sa inyo kagabi rin. Mahal na mahal ka raw niya at hindi ka kayang iwan. 'Yun lang naman siguro ang gusto mong marinig di ba? Pwede ka na bang umalis?" Naupo siya sa pang-isahang sofa sa bandang kaliwa ko.

"Hindi kita maintindihan."

Paano niya nasabing ibinalik niya sa bahay si Lana samantalang wala naman akong naabutan sa bahay? Mula pa kagabi ay hinahanap ko ang asawa ko at kaninang paggising ko ay wala naman siya roon.

"Ano bang bahagi ng wala rito si Lana ang malabo sayo?" sarkastikong tanong niya.

Nainis ako sa tono ng pananalita niya.

"'Wag kang magmalaki sa akin dahil may kasalanan ka pa rin," galit na sabi ko handa nang sapakin si Maico anumang oras.

"Okay. Fine. Kasalanan ko. I just thought na kapag inilayo ko siya sayo eh magagawa niya nang mahalin ako. But I was wrong. Nang makita ko kung paano siyang umiyak. Kung paanong nasasaktan siya nang malayo sayo... para akong nauntog. Doon ko na-realize na walang ibang makakapagpasaya sa kanya kundi ikaw lang."

Nakiking lang ako sa mga sinasabi niya. Hinihintay ang bawat salitang bibitiwan niya na hindi ko man aminin ay nakakapagpataba sa puso ko.

"Alam mo ba kung ano pang sinabi niya?" Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapait. "Handa siyang masaktan makasama ka lang. Na wala siyang pakialam kung niloloko mo lang siya. Ang mahalaga, maiparamdam niya sayong mahal na mahal ka niya."

"Maswerte ka sa kanya Jace. I've always dreamt of having her as my girl but I guess fate has another plan for me." Bahagya pa siyang tumingin sa kwarto niya pero kumunot din ang noo at umiling.

Umurong ako ng kaunti at tinignan siya. Medyo naguluhan lang ako sa ilang sinabi niya.

"Sandali lang ha..." sabi ko. "Anong niloloko ko lang si Lana? Saan nanggaling ang bagay na 'yun?"

Mukhang hindi naman siya nagulat sa tanong ko at huminga ng malalim.

"I've been following Lana for the last week. Nakipagkita siya sa isang babae... I think her name is Jean at sinabi ng huli na niloloko mo lang si Lana. She even gave Lana her address at sinabing doon ka muna uuwi pagkagaling mo sa... kung saan ka man nanggaling. To cut the long story short, nakita ko ang pagkakataon na 'yun as opportunity for me. Nang lumabas ka sa building na 'yun eh inulit ko ang mga sinabi ng babae kaya—"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin si Maico. Hindi sana nangyayari ang mga ito kung hindi niya ginawa ang mga bagay na 'yun. Nagagalit ako sa kanya at lalo na kay Jean. Oo, nakakaramdam din ako ng galit para kay Lana dahil naniwala siya at hindi niya nagawang magtiwala sa akin pero hindi ko siya masisi.

"Maico!" biglang sigaw ni Jacky habang papalapit kay Maico.

Hawak ni Maico ang pisngi niya at tumingin sa akin. Walang galit sa mga mata niya kundi paghingi ng dispensa. Kinalma ko ang sarili ko saka tumalikod. Pero bago pa ako makalabas ng pinto ay hinarap ko siyang muli.

"Ayoko nang makitang lalapit ka pa sa asawa ko. Kung hindi, hindi lang 'yan ang aabutin mo."

~*~

Patakbo pa akong pumasok ng bahay para tignan kung naroon si Lana. Una akong pumunta sa kusina dahil baka naroon siya at nagluluto. Pero hindi ko siya natagpuan doon. Palabas na sana ako nang mapansin ko ang note na nakadikit sa ref.


Tommy,

Pupunta lang ako sa grocery. May pagkain sa ref, initin mo na lang.

-Jill


Malapad ang ngiting kinuha ko ang note na kulang na lang ay halikan ko. Pakiramdam ko lahat ng pagod ko eh nawala na lang bigla. Naupo ako sa hapag. Ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko at isinandal ang likod ko. Totoo nga ang sinabi ni Maico. Bumalik si Lana para sa akin.

"Tommy?"

Napadilat ako bigla nang marinig ang boses ni Lana. Kakapasok niya lang sa kusina at lumapit siya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Saan ka nanggaling?" tanong niya. "Sandali lang ako nagpunta sa grocery nawala ka nang bigla." Hinaplos niya pa ang buhok ko saka ngumiti. "Kumain ka na ba? Sandali lang, iinitin ko 'yung sabaw na niluto ko."

Pumunta siya sa ref at may kinuha roon. Kapagkuwan ay inilagay niya sa microwave ang mangkok at naghinay lang doon.

Marahan akong lumapit sa kanya. Hindi pa rin makapaniwalang narito nga siya sa harap ko. Lumapit ako saka niyakap siya mula sa likod.



Lana's POV

Nagulat pa ako ng bigla akong yakapin ni Jace. Sobrang higpit nun na para bang ayaw niya na akong pakawalan. Matagal rin siyang nakayakap at hinayaan ko lang. Kahit na tumunog na ang microwave ay hindi ko pinansin at dinama na lang ang mga yakap ni Jace na akala ko hindi ko na mararamdaman kahit kailan.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ni Jace sa braso ko kaya nag-panic ako. Inalis ko agad ang pagkaka-yakap niya at hinarap siya.

"Tommy..."

Hinaplos ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya gamit ang kamay ko.

"I'm so sorry," sabi ko.

Although mukha siyang tanga na nakangiti habang tumutulo 'yung luha niya ay ramdam kong dapat lang na humingi ako ng tawad sa kanya. Hindi ko na rin napigilang mahawa sa pag-iyak niya kaya umiwas ako ng tingin at pinunasan ang pisngi ko.

"Hey, gaya-gaya ka talaga," aniya saka siya naman ang nagpunas sa mga luha ko.

"Anong gaya-gaya ka d'yan! Ikaw kaya ang unang nanggaya kahapon!" sabi ko.

Tinitigan niya ako saka siya ngumiti. "Nandito ka naman talaga di ba? Hindi ako nananaginip lang?" tanong niya pa.

Yumakap ako sa kanya saka sumagot. "Yeah, I'm here. Sorry talaga sa ginawa ko. I promise I won't do that again."

Mabilis na hinalikan niya ako sa mga labi. "Pangako mo 'yan ha?"

Tumango ako.

"I love you..." sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya, naghihintay ng sagot.

Tumitig lang siya sa akin ng ilang sandali. Mayamaya ay ngumiti at hinawakan ang mga kamay ko.

"I love you more..."

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon