Narito ako ngayon sa 7Eleven para bumili ng napkin. Hindi ko kasi naisip na ngayon na ang araw na magkakaroon ako. Ni hindi ko nga tinignan 'yung kalendaryo ko kung saan nakamarka 'yung mga araw na pagsisimula ng menstruation ko kada buwan. Regular ako kaya kalkulado ko na 'yun. Hay, buti na nga lang at napansin ko nang mag-CR ako.
Napadaan ako sa mga soft drinks at wala sa sariling napangiti. Naalala ko kasi 'yung nangyari noong Linggo pagkagaling namin ni Jace sa Manila Zoo. Pinag-tripan ba naman ako at inalog muna 'yung coke in can saka ibinigay sa akin. Ayan tuloy, sumirit 'yung laman. Ang mas nakakatawa, sa kanya tumapon lahat ng 'yun dahil nasa harap ko siya.
Speak of Jace. Hayys, ano na ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit lagi ko na lang siyang naiisip? Well, oo for the past two years na nagkahiwalay kami e naiisip ko siya pero hindi ganito kalala! Halos hidi na siya maalis sa isip ko na kada linggon ko siya ang nakikita ko. Tapos kahit anong makita ko e naire-relate ko sa kanya. Ugh! It couldn't be that I'm falling for him? Pero wala naming masama 'di ba? After all, asawa ko siya.
Natanawan ko na ang bibilhin ko nang biglang may umihip sa may tenga ko.
"Ay palakang Tommy!"
Malakas na tawa ang sumunod na narinig ko. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao at hindi pa rin magkamayaw sa pagtawa si Jace. Itinuturo niya pa ako na parang isa akong clown sa paningin niya.
"Ano bang nakakatawa?" inis na tanong ko.
Tumigil siya sa pagtawa at tumitig sa akin.
"Iniisip mo pala ako ha? Palakang Tommy pala ha?" aniya sa nang-aasar na tono.
"H-hindi ah! Asa ka! Nakita ko l-lang 'tong—" luminga ako sa paligid at sakto ang nakita ko. Lumapit ako roon at dinampot ang isang sitsirya. "Tomi! Oo, tama! Gusto ko kasing bumili nito e!" sabi ko pa saka tumalikod sa kanya at pumunta na sa cashier.
Pagkabayad ko e dali-dali akong lumabas at tumawid. Nasa kabilang building kasi yung 7Eleven. Malapit na ako sa entrance ng building nang may ma-realize ako.'Yung dapat na bibilhin ko pala e hindi ko nabili! Salamat sa Jace na 'yun at na-distract ako! Ugh!
Tumalikod agad ako at naglakad pabalik sa 7Eleven. Tss. Kung hindi ko lang talaga 'yun kailangan hindi ako babalik. Sigurado kasing makikita ko pa rito ang damuho na 'yun.
Saktong bumukas ang pinto ng 7Eleven pagkarating ko roon at lumabas si Jace. Napatingin siya sa akin at saka ngumiti.
"May nakalimutan ka?" tanong niya. Pero kung pakikinggan mo 'yung tono niya, parang sigurado siyang may nakalimutan nga ako.
"Pakealam mo ba?" Ngumuso pa ako at lalagpasan na sana siya sang itapat niya sa mukha ko ang hawak niyang plastic bag.
Kunot ang noong tinitigan ko 'yun saka sinilip si Jace.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Nakalimutan mo. Masyado ka kasing namangha sa kagwapuhan ko kaa nakalimutan mo tuloy na 'yan ang bibilhin mo." aniya saka tumawa ng malakas.
Kunot ang noong nakatitig ako sa kanya nang may maisip ako. Ano raw sabi niya? Namangha ako sa kagwapuhan niya? Huh! Hindi rin naman siya makapal e 'no?
Magsasalita pa sana ako nang ilagay niya na sa kamay ko ang plastic bag at nilagpasan ako.
Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin habang papatawid. Nang hindi ko na siya matanaw e tinignan ko naman 'yung plastic na iniabot niya sa akin. Ang laman nun? Napkin.
~*~
Narito kami ngayon sa Metrowalk para raw sa welcome party ni Jace. Natawa nga ako noong ini-announce 'to kanina e. Like seriously? Naka ilang linggo na siya tapos ngayon lang nila naisipang magpa-welcome party?
BINABASA MO ANG
The New Boss is My Husband?!
Romance[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then her husband Jace walks back into her life--as her boss! As if seeing him at work everyday wasn't bad...