Chapter Twenty-Seven

514K 7.1K 828
                                    


Jace's POV


Umalis na naman siya at iniwan ako. Ginawa ko naman ang lahat pero kulang pa rin pala. Sobrang sakit. Parang hinihiwa ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Ano pa bang kulang sa akin? Bakit ba lagi na lang pinipili niya ang lalaking 'yun?

Binago ko ang sarili ko sa loob ng tatlong taon. Ang lahat ng 'yun ay para sa kanya. Dahil gusto kong maging karapat-dapat sa kanya. Pinilit kong maging isang 'Maico' para magustuhan niya. Gusto kong magustuhan niya ako at mahalin. Kulang na lang pati kaluluwa ko ibigay ko sa kanya.

Nasaktan ako noon nang iwan niya ako pero mas masakit ito ngayon. Noon kasi alam kong labag talaga sa kanya ang pagpapakasal sa akin kaya naman hindi ko siya masisi. Naroon si Maico at ako ang kontrabida sa love story nila dahil sa pagpapakasal namin.

Kaya nga nang sabihin sa akin ni Lana na mahal niya ako parang nabuhay ako. 'Yun bang para akong isang bangkay na nabuhay ulit dahil sa tumibok muli ang puso ko sa mga sinabi niya. Para bang ako si Snow White o si Sleeping Beauty na nagising dahil sa halik ng Prince Charming except na ako 'yung Prince Charming sa kwento namin ni Lana. Inakala kong 'and they lived happily ever after' na ang katapusan ng istorya namin pero hindi pala. Dumating pa rin ang tunay na prince Charming ng buhay niya at binawi siya.

Naupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko agad ang folder kung saan naka-save ang mga nai-record kong usapan namin.

"Okay, sige good night Tommy. I love you..."

Hindi ko maiwasang maluha nang marinig ko ang boses ni Lana lalo pa't sinasabi niyang mahal niya ako. Ilang ulit kong pinakinggan ang boses niya. Ganun din ang iba pa naming pag-uusap. At ngayon ko lang napansin, sa mga huling beses na kausap ko siya sa telepono ay hindi niya na sinabing mahal niya ako. Iyon na ba ang naging simula na nagkakamabutihan na ulit sila ni Maico?

Inalala ko ang unang beses na sinabi niyang mahal niya ako. Natulala na lang ako nang mga sandaling 'yun dahil nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Gayun din ang saya na nababakas sa mga mata niya. Nagsisinungaling nga lang kaya siya ng mga oras na 'yun? Pero bakit parang bukal sa loob niya ang mga sinabi niya?

Pinaulit-ulit ko pa uling pakinggan ang boses niya. Tila ba may bumubulong sa akin na totoo ang bawat salita ni Lana. Mahal niya ako. Hindi sinasadyang napatingin ako sa wrist watch na bigay ni Lana. Hindi ko na napigilang mapangiti. Forever. Kay Lana na mismo nanggaling ang salitang 'yun. At hindi ito ang katapusan ng forever.

Mabilis na tumayo ako at inayos ang sarili. Kung noon hinayaan ko lang siyang umalis, hindi na ngayon. Ramdam ko, mahal niya ako. Lalaban ako at hindi ko siya susukuan. Hindi sa pagkakataong ito.

~*~

"Naku, wala ho si Ma'am Lana rito Sir."

Nagbuga na lang ako ng hangin saka tumango. "Salamat, Manang," sabi ko pa sa katulong nina Joy. Galing ako sa condo unit niya pero wala siya roon kaya dito ako pumunta ngayon.

Si Joy ang una kong pinuntahan dahil noong unang naglayas si Lana ay napag-alaman kong dito siya unang tumuloy. Kaya heto at nagbakasakali akong dito ulit siya pupunta.

Umalis na rin agad ako roon at mabilis na nagmaneho papunta sa tinitirhan ni Aya. Medyo malayo ang bahay niya kaya inabot din ako ng isang oras bago nakarating doon. Naipit pa kasi ako ng traffic.

Kumatok agad ako pagkarating sa bungalow na tinitirhan ni Aya. Nakaka-ilang katok pa lang ako nang bumukas ang pinto.

"O, bakit?" tanong ni Aya habang ngumunguya pa.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon