Chapter Eighteen

574K 9K 912
                                    



"Hmmn..." tumagilid ng higa dahil may gumugulo sa pagtulog ko.

"Gising na Jill," naririnig ko si Jace pero ayoko pa ring bumangon. Pakiramdam ko e ubos ang lakas ko at gusto ko pang magpahinga.

"Mamaya na. Anong oras mo na kaya ako pinatulog."

Tumawa ng mahina si Jace at naramdaman ko 'yung pag-upo niya sa gilid ng kama. Hindi naman siya kumikilos kaya hinayaan ko na ulit ang sarili kong magpadala sa antok. Ang gaang na ng ulo ko nang maramdaman kong may humaharang sa hininga ko. Umiwas ako pero mayamaya lang e nand'yan na naman. Matagal bago nag-sink in sa akin kung bakit hindi ako makahinga ng maayos. Nang sa wakas e pumasok na sa isip ko ang nangyayari, bumangon bigla ako at humiwalay sa mga labi ni Jace.

"Ano bang ginagawa mo?" nagmamaktol pa na sabi ko kay Jace.

"Ginigising ka, effective 'di ba?" Tumawa pa siya.

"Sira ka talaga!" Hahampasin ko pa sana siya nang may mapansin ako. 'Yung kumot na tumatakip sa akin, humulagpos na pala kaya naman hinablot ko agad 'yun at tinakpan ang sarili ko.

Lalo naman siyang tumawa sa ginawa ko. "Ano bang tinatago mo r'yan? Nakita ko na 'yan e!" Tawa pa rin siya nang tawa nang tumayo na siya. "Bumangon ka na, nagluto na ako ng almusal," aniya pa saka lumabas ng kwarto.

Eh? Siya ang nagluto? Marunong ba 'yun?

Nag-shower na muna ako saka mabilisang nagbihis at pumunta sa kusina. Naroon nga siya at nakahanda na ang hapag. May bawang dun na nilagyan ng kanin. Este, sinangag pala 'yun na maraming bawang. I mean, sobrang daming bawang. Ang ulam naman e binarubal na itlog at kinawawang hotdog. Paano ba naman, durog-durog 'yung scrambled egg at nangingitim naman 'yung hotdog.

"Kain ka na!" ngiting-ngiti pa siya habang tinuturo ang pagkain.

"Edible ba 'yan?" biro ko.

Medyo sumimangot siya pero hindi niya pinahalata masyado at sumubo na lang ng pagkain. Nakonsensya naman agad ako at sumandok. Nag-effort na nga siya tapos hindi ko man lang ma-appreciate.

Sumisilip-silip pa ako sa kanya habang kumakain. In fairness naman sa luto niya kahit hindi maganda ang presentation e masarap naman. Kahit 'yung sunog na hotdog masarap. O baka niloloko lang ako ng panlasa ko? Ha-ha!

"Ang sarap naman nito."

Napatingin siya sa akin saka ngumiti. "Ganyan talaga pag may kasamang puso ang niluto," aniya sa mayabang pang tono.

Kunot noong tinignan ko 'yung pagkain. "May halong puso 'to? Asan?" biro ko sa kanya. Ngumuso naman siya bigla. Aww, ang cute. "Biro lang! Ha-ha! Pero promise, masarap. Thank you dito," sabi ko pa saka nagpatuloy sa pagkain.

~*~

"Teka, 'wag kang madaya! Gumalaw e!" react ko nang titira pa ulit si Jace sa nilalaro naming pick up sticks. Ayaw naman kasi niyang lumabas dahil mainit na raw kaya naman naisipan niyang maglaro na lang kami. Nagulat pa nga ako nang ilabas niya 'yung sticks. Sa lahat ng laro, ito ang hindi ko inaasahang lalaruin namin.

"Hindi kaya gumalaw! Titigan mo kasi!" aniya at akma bang kukuha ulit ng isang stick mula roon sa nakakalat sa mesa.

"Ayoko na nga! Dinaraya mo 'ko e!" sabi ko sabay tayo. Tinignan ko 'yung orasan at alas-dos pa lang ng hapon.

"Sige na nga, ikaw na tumira," aniya.

"Ayoko na," sabi ko pa saka nagpunta sa kusina. Sisimulan ko na lang siguro ang pagluluto.

Inilabas ko na ang mga kakailanganin ko para sa pagbe-bake ng cake nang sumunod siya sa kusina nang nakasimangot. Umupo siya sa harap ng mesa at pinanood lang ako. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon