Gaya ng sabi ng nakausap ko sa telepono ay kritikal ang naging lagay ni Jace. Ilang oras din ang itinagal niya sa operating room at sa ngayon ay nasa coma siya.
"Magiging maayos din ang lahat anak," ani Mama.
Pinilit ko na lang ngumiti. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng aksidente. Inilahad na rin sa amin kung ano ang nangyari.
Kung tutuusin ay hindi aksidente ang nangyari. Binangga ang kotse ko na sinasakyan ni Jace sa isang intersection. At sa lakas ng impact noon ay umurong ang kotse at sakto namang may humaharurot na truck at binangga ang kanang bahagi ng sasakyan. Humampas ang ulo ni Jace sa salamin at naiipit din ang mga hita niya dahil halos mayupi ang unahang bahagi ng kotse.
May mga saksing nakakita na lumabas pa ang sakay ng kotse na bumangga kay Jace. Kahit na may sugat yun ay tila baliw na lumapit pa sa binangga habang tumatawa. Bigla na lang daw yung nagtatakbo nang makitang si Jace ang laman ng kotse.
Napag-alaman na si Jean ang bumangga na iyon. Nang tumakbo kasi siya habang naghi-histerya ay nabangga rin siya ng isang jeep at dead on the spot ang babae.
Hindi pa rin malaman kung bakit nagawa iyon ni Jean. Pero base sa kwentong narinig ko, hindi si Jace ang target ni Jean kundi ako. Kotse ko ang binangga niya at malamang na inakala niyang ako ang saka nun.
Dahil sa kaalamang yun ay lalo akong nalulungkot. Hindi dapat si Jace ang nakahiga rito kundi ako. Kung hindi niya sana hiniram ang kotse ko ay hindi siya mapapahamak.
"Alam mo ba kung gaano ka kamahal niyang si Jace?" out of nowhere ay sabi ni Mama. Tiningala ko siya habang nakatayo siya sa tabi ng upuang kinauupuan ko.
"Alam ko po Mama. Ganun din naman po ako sa kanya eh."
"No you don't." Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Hindi mo lang alam kung anong ginawa niya dahil sa pagmamahal niya sayo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin 'Ma?"
Alanganing ngumiti siya saka tumingin kaya Jace. Huminga pa siya ng malalim saka nagsalita.
"Hindi totoong nasa last will ng Papa niya na kailangan kayong magpakasal para lang mapasakanya ang mana niya. Gawa-gawa lang nila yun ng Papa mo. Ito kasing si Jace, sobrang mapilit."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Mama.
"Pero... 'Ma, paano namang papayag si Papa kung si Jace lang ang may gusto?"
Ngumiti siya. "Ayaw din naman talagang pumayag ng Papa mo noong una. Pero mapilit nga itong si Jace. Ginawa niya ang lahat para lang patunayan na karapat-dapat siya sayo at sa bandang huli, napapayag niya rin ang Papa mo."
Hinawakan ko ang kamay ni Jace. Ginawa niya talaga ang bagay na yun? Kahit noon pa mahal niya na ako? Di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Tumahan ka na. Sigurado akong gigising din siya. Hindi ka niya kayang iwan. Lalo na ngayon na dalawa na kayo. Hindi niya hahayaang hindi man lang makita ang magiging anak niyo."
~*~
Dalawang linggo na rin ang nakalipas. Birthday ko na ngayon pero hindi pa rin gumigsing si Jace. Araw-araw kong dinarasal na gumising na siya. Kinakausap ko rin siya palagi at sinasabihang gumising na kahit na hindi naman siya sumasagot sa mga pakiusap ko.
"Gumising ka na please. Birthday ko na oh. Yun na lang sana ang birthday gift mo sakin... Jace..."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan yun.
"Hinihintay ka na namin ni baby..."
Pumikit ako at tumungo habang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.
Ilang minuto na rin siguro akong ganun nang bigla na lang gumalaw ang kamay niya. Napa-angat agad ang ulo ko at tinignan siya. Hindi siya dumidilat pero nararamdaman kong nakakapit na siya sa kamay ko.
"Jace?"
Napatayo ako at hinawakan ang pisngi niya. Nakatitig lang ako sa mukha niya at hinihintay kong dumilat siya.
Mayamaya ay bigla na lang siyang gumalaw. Sobrang bilis nun na nag-panic ako. Hindi siya dumidilat pero hindi magkamayaw sa paggalaw ang katawan niya.
Tumawag agad ako ng nurse na agad din namang tinignan ang lagay ni Jace. Tumawag pa siya ng ibang nurse at tumawag din ng doktor nang makita ang nangyayari.
Hindi ko na alam kung anong pinaggagagawa nila. Basta nagkakagulo sila habang nakapalibot kay Jace. Nasa isang sulok lang ako at pinagmamasdan sila sa nanlalabo kong mata dahil sa mga luhang namumuo roon.
Napasandal ako sa dingding nang tumigil sila lahat sa ginagawa. Pakiramdam ko ay bigla ring tumigil ang tibok ng puso ko nang makitang umiling ang doktor. Tumingin pa siya sa relo niya at may sinabi sa nurse na katabi.
Nanghihinang ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dahan-dahang naupo sa sahig.
Hindi 'to pwedeng mangyari. Sinabi mong hindi mo ako iiwan di ba Jace?
BINABASA MO ANG
The New Boss is My Husband?!
Romance[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then her husband Jace walks back into her life--as her boss! As if seeing him at work everyday wasn't bad...