Chapter Ten

630K 9.5K 907
                                    

"Lana!"

Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Maico. Ilang segundo rin yun at humiwalay rin siya sa pagkakayakap sa akin pero hindi niya inaalis yung pagkakahawak sa balikat ko.

"Kamusta ka na?" Bigla siyang natigilan. "Ahh, kamusta... kayo?"

"Okay lang naman ako," alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya, hindi pinansin ang huli niyang tanong. Alam ko namang kung kamusta kami ni Jace ang tinutukoy niya e.

Ngumiti na lang siya at tumagos ang tingin niya sa akin. Mukhang nakita niya na rin ang mga kaibigan ko. Kapagkuwan e bumitiw na rin siya sa pagkakahawak sa mga balikat ko at bumaling sa kanila.

"Hey, magkakasama pala kayo," ani Maico.

Hindi maganda ang aura ng apat. Para bang ano mang oras e susugurin nila ang lalaki. Hindi ko naman sila masisi. Alam nila ang nangyari noon kaya ganyan sila.

"Ahhm, yeah." Nakita kong nakatitig lang si Jacky kay Maico. Well, I know she felt something for this guy way back then. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon e meron pa rin. Hindi naman kasi namin napag-uusapan.

"Jacky? Hey, nice to see you again!" nakangiting bati ni Maico kay Jacky. Tinignan niya naman yung iba. "Kayo rin. Aba, mukhang nagsiganda kayo lalo ah?"

"At mukhang naging bolero ka pa lalo e 'no?" banat naman ni Genna, hindi ngumingiti.

Umiling si Maico. "Wala sa dictionary ko ang salitang yan!" Nilingon ulit ako ni Maico saka tumingin sa iba. "Have you girls eaten? Let's find a resto, my treat."

Lumiwanag naman bigla ang mukha ng apat. Basta talaga libre nag-iiba ang isip ng mga bruhang 'to. Lumapit pa agad si Genna kay Maico at kumapit sa braso nito.

"Tara na," ani Genna.

"Hoy! Kaka-break mo lang ah! Makakapit ka d'yan parang hindi ka ngumangawa noong nakaraang araw!" si Joy.

Umirap lang si Genna. "Ano ba kayo. Syempre dapat kumapit sa matatag 'no! Tara na kaya nang mahimasmasan yung mga tiyan natin. Kanina pa nagwawala e!"

Nakahanap naman kami ng makakainan. Isa itong seafood restaurant kaya tatanggi sana si Genna dahil may allergy siya sa seafood. Buti na lang may karne ring hinahain dito. Sa isang round table kami naupo. Mabuti na nga lang at hindi sa akin tumabi si Maico. Si Genna at Aya ang katabi niya. Si Jacky at Joy naman ang katabi ko, so kaharap ko si Maico. Hindi ko na lang pinapansin yung minsang pagsulyap niya at pagngiti sa akin. Ganyan naman talaga siya kahit noon pa.

"Kamusta ka naman, Maico?" out of nowhere e tanong ni Jacky.

"Oh, I'm fine. Actually, I'm starting my company here so I think I'm staying here for good."

"Talaga? Wow! Sa Canada naka-base ang family mo 'di ba?" tanong naman ni Genna.

Tumango si Maico. "Yup! Pero kaya na ng Ate ko ang company namin dun so I've decided to put up my own."

"May asawa ka na ba?" si Genna pa rin.

Napatingin kaming lahat sa kanya dahil sa tanong niyang yun. Ano namang pumasok sa kukote niya at tinanong niya pa yun?

"No. Still single."

"Bakit naman?"

Natawa ng bahagya si Maico. Kahit kailan talaga 'tong si Genna may saltik.

"Well... siguro hindi ko pa lang nakikita yung hihigit sa babaeng pinaka-minahal ko."

Nabulunan ako bigla. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasi ako yung tinutukoy niya. Inabot ko agad yung tubig para uminom habang hinahagod naman ni Joy ang likod ko.

The New Boss is My Husband?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon