Napapangiti pa rin ako pag napapatingin sa mga tao sa labas na nakiki-usyoso doon sa inilagay ko sa freedom wall. Surprise ko 'yun para kay Jace. Nagpaiwan pa kami ni Karen dito kahapon para lang walang makakita sa akin habang isinusulat ko 'yun.
Dalawa ang freedom wall dito sa opisina. Isang may kinalaman lang sa trabaho at isang kung ano lang ang gusto mong sabihin tungkol sa kahit ano at kahit sino. And guess what, mas maraming nagsusulat sa huli.
Nahirapan pa akong makahanap ng magandang pwesto na pwedeng pagsulatan dahil halos puno na 'yun. Akala ko nga hindi mapapansin 'yun sinulat ko dahil nasa pinakagilid 'yun. Nakita lang kanina ni Diane at pinagsabi agad. Buti na nga lang at suking tagabasa ng freedom wall ang isang 'yun.
Nagkakatiginan kami from time to time ni Karen. Nag-chat pa siya na sabi daw ni Mae, may nagbanggit na kay Jace ng tungkol doon. Kailangan na lang naming maghintay na dumating siya.
Lunch break na nang magkagulo sa labas. Sumilip agad kami at nakita namin si Jace na papalapit sa freedom wall. Kanya-kanyang bulungan ang lahat. Kung anu-anong haka-haka ang mga sinasabi nila.
Na-excite ako bigla nang nakita niya na 'yung isinulat ko.
Pigil hininga ako habang pinagmamasdan siya mula sa kinatatayuan ko. Inalala ko pa kung anong isinulat ko roon. Okay lang kaya 'yun? Ayys, ngayon ko pa naisip kung ayos lang 'yun eh binabasa niya na.
Jace,
Thanks for being such a loving husband. I feel really blessed for having you.
I love you so much!
Your wife,
Jill
Napangiwi ako nang maalala 'yung nakalagay roon. Ang jologs ata?
Tumitig ulit ako kay Jace. Mayamaya ay ngumiti siya ng malapad. Humingi pa siya ng pentel pen at nagsulat doon.
Pagkaalis na pagkaalis ni Jace ay nagsilapitan agad ang lahat sa wall. Gusto ko na rin sanang maki-usyoso, ang kaso, hindi ako makasingit. Lalo pa akong na-excie nang tila kinikilig pa 'yung mga nakabasa. Nahawi ko na 'yung mga nasa harap nun at babasahin na lang sana ang isinulat ni Jace nang tinawag ako ni Diane.
"Lana! Nand'yan 'yung asawa ng lover mo. Hinahanap ka," aniya at nakangiti pa ng nakakaloko sa akin.
Kunot noong tinignan ko siya.
"Huh? Sino?" nagtatakang tanong ko.
"Wow! Maang-maangan much? Mukhang gulo na 'to ah? Ayan at sinugod ka na."
Hindi ko na pinansin 'yung mga sinasabi ni Diane at nilagpasan siya. Sino naman kaya ang tinutukoy nun? Mabilis ang ginawa kong lakad. Nang malapit na ako sa reception ay napangiti na lang ako.
"'Ma!"
Sinalubong ko ng yakap si Mama. Ngayon ko lang naalala 'yung naging issue sa amin ni Papa. Napansin kong may mga nakatingin sa amin pero hinayaan ko na lang.
"Kamusta naman ang baby ko?"
"Okay naman 'Ma. Bakit ka naparito? May problema ba?"
"Kailangan bang may dahilan para dalawin ko ang nag-iisa kong anak? Gusto ko lang sanang ayain kang kumain sa labas," ani Mama.
Napangiti ako. Alam ko kasing hindi naman siya naglalalabas ng bahay. Mahilig pati siyang magluto kaya mas gugustuhin niya pang sa bahay na lang kaysa kumain sa labas. Kumapit ako sa braso niya saka hinila siya palabas.
"Weh?" sabi ko habang naglalakad.
Nagbuntong-hininga siya saka sumimangot. "Oo na. 'Yan kasing Papa mo, nangako ng lunch sa akin tapos biglang may meeting. Sayang naman ang bihis ko."
Natawa ako saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "'Wag ka nang badtrip 'Ma. Ako na lang ang date mo ngayon."
Halos isang oras din kami sa labas ni Mama. Lumagpas ako ng ilang minuto sa lunch break pero hindi naman ako pinansin ni Ms. Carmen.
Napatingin ako kay Diane pagkarating na pagkarating ko sa workstation. Umiwas agad siya ng tingin at tumungo. Nagkibit na lang ako ng balikat at nagsimulang magtrabaho. Napasilip ako sa labas mayamaya. Oo nga pala, hindi ko pa nababasa 'yung sagot ni Jace sa sinulat ko. Kahit na kating-kati na akong puntahan 'yun eh pinigilan ko ang sarili ko. Nakakahiya naman kasi, lumagpas na nga ako sa oras ng break time eh.
Hindi ako napakali sa buong hapon habang naghihintay ng oras. Nang mag-uwian na, hinintay ko na lang na maka-alis ang lahat saka tinignan ang nakasulat sa freedom wall. Medyo maliit lang 'yun dahil pinagkasya lang sa space na naiwan.
Halos hindi ako magkamayaw sa pag-ngiti nang basahin 'yun.
My Wife Jill,
I'm the one who's blessed to have you. You are my dream come true. My one true love. My soul mate. Thank you for loving me.
I love you forever.
Your husband,
Tommy
Nakatitig pa rin ako roon nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko 'yun habang hindi inaalis ang tingin sa wall.
"Hello?"
"Jill! Nasa office ka pa?" si Jace.
"Yeah, why?"
"Akyat ka dito. Samahan mo muna ako. Sabay na tayong umuwi," aniya.
"Okay."
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at sumakay agad ako ng elevator at pumunta ng fifth floor. Naroon pa si Mae at mukhang nagulat pa sa pagdating ko.
"Hi! Uhm, nar'yan si Sir Ja—"
"Come in here!"
Sabay pa kaming napalingon sa pinto ng opisina ni Jace nang sumigaw ang huli. Tinignan ko lang sadali 'yung nagtatakang mukha ni Mae at pumasok na rin sa opisina ni Jace.
Pagkasarang-pagkasara pa lang ng pinto ay mariing siniil niya ako ng halik. Isinandal niya pa ako sa may pinto kaya hindi na ako nakapalag. Matagal ding magkahinang ang mga labi namin saka siya humiwalay.
"I never expected what you did," aniya saka ngumiti. "You made my day." Kinuha niya pa ang mga kamay ko at dinala sa mga labi niya.
"Pero ang jologs naman ng sinulat ko. Samantalang 'yung sagot mo..." sabi ko.
"Anong jologs dun? Kulang na nga lang magtatalon ako dun sa saya eh," aniya.
"Oo na lang ako."
"Seryoso, Lana. Thank you for loving me..."
BINABASA MO ANG
The New Boss is My Husband?!
Romance[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then her husband Jace walks back into her life--as her boss! As if seeing him at work everyday wasn't bad...